CHAPTER 34

55 2 0
                                    

"Girls, where's your prosthetics?" tanong ni Miss Aby nang bababa na sana kami para maghapunan.

Napalingon ako sa kanya.

"Prosthetics?" patanong na saad ni Dessa.

"Or, what does it called? The one you put in your body during the contest," sagot ni Miss Aby.

"Like my body shaper po?" tanong ko dahil 'yun ang naunang pumasok sa isipan.

"Yes, that's it. Bring it out." Utos niya.

Napatingin ako sa maleta bago lumapit dun para kunin 'yun. Utos kasi 'to ni Miss Kath na dalhin dahil kakailanganin namin 'to dito at maging sa Fashion Show daw.

"Ito po, Miss." Lahad ko sakanya.

"Good. Now, suotin mo. Everytime you go, kailangan suot-suot mo 'yan." 

"Po? Pero bakit?" Hindi ko mapigilang tanong.

Napakunot noo si Miss Aby. "Hindi ba halata?" Napailing ito. "Nevermind. No questions, just follow what i say. Suotin mo na 'yan para makakain na tayo." Utos niya ulit.

Tumango nalang ako kahit hindi nakuntento sa sagot niya at pumasok sa loob ng banyo.

Katulad ng kabuoan ng kwarto namin, hindi rin nagpahuli sa desinyo ang banyo. It also has ornate ceiling, chandelier on its wall, and a marble floor. Luminous din ang kulay at malawak din ito. Sa gilid may malaking bathtub at shower at sa kabilang gilid naman ang bowl na may stained glass na nag-iiwas na makita ng tao sa loob nito.

Inilock ko ang pinto bago tuloyang maghubad ng damit sa harap ng salamin.

Iniwas ko ang paningin dun nang bumungad ang mga malalaking taba at agad sinuot ang body shaper para itago ang mga 'yun. Kaya lang medyo natagalan ako sa dahil sa sikip kaya tuloy kinakailangan kong pumasok sa toilet para makapasok din ang iba ko pang kasama.

Make-up lang kasi ang kailangan nina Rian, Mayi at Dessa kaya sabay silang tatlo sa harap ng salamin. Habang si Ara naman ay pumasok sa may shower dahil kailangan din niyang maghubad.

Hindi nagtagal ay tuloyan ko ng naisuot ang bodyshaper kaya mabilis ko ng sinuot ulit ang mga damit. I'm wearing a cotton long-sleeve, above the knee whole dress. Nung wala pa akong body shaper, sobrang fit nito pero ngayon lumuwak na siya kaya kinakailangan kong magbelt para maging presentable namang tingnan.

Nag-apply din ako ng kaunting concealer at liptint dahil naalala kong wala nga pala ako sa bahay. Pinili kong pabayaan lang na nakalugay ang buhok at inipit nalang ito sa magkabilang tenga.

Mabilis na natapos si Rian at Mayi sa make-up nila, bahagya namang natagalan si Dessa dahil kinakailangang buong katawan niya ang lagyan. Para tuloy siyang nabadtrip matapos nun.

Saka pa lang nakuntento si Miss Aby sa mga itsura namin at tuloyan na kaming dinala sa isang restaurant sa loob ng hotel.

Siya na rin ang umorder nang makarating kami dahil wala naman kaming kaalam-alam sa pagkain nila, lalong-lalo sa mga pananalita nila.

Bahagya na ngang sumasakit ang ulo dahil sa mga salitang 'di maiintindihan na naririnig.

Kaya mas pinili ko nalang na pansinin ang desinyo ng kabuoan ng hotel.

'Di katulad sa color scheme ng hotel na maliwanag sa mata, ang restaurant na ito ay mas madilim tingnan. Idagdag mo pa ang kukunting chandelier sa buong lugar na mas lalong nagpapakulimlim sa lugar. Though magada pa rin naman ang mga interior design at decorations na talagang detalyadong-detalyado. Maging sa mga mesa at upuan.

"Oh shit. Pogi!" Bulalas ni Rian habang naghihintay kami sa inorder ni Miss Aby.

Sabay kaming apat na lumingon dun sa tinitingnan niya pwera kay Miss Aby na abala sa cellphone nito.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon