CHAPTER 33

46 2 2
                                    

"Guys, picture!!" Masiglang saad ni Rian pagkababa namin ng sasakyan nang matapat sa hotel kung saan kami magstastay.

Mabilis na lumapit si Dessa habang hinihila si Mayi kaya sumunod na rin kaming dalawa ni Ara kahit na bahagya pa akong nahihilo.

Naunang pumasok si Miss Aby sa hotel at hindi niya naman kami tinawag kaya siguro nga magpicture na muna kami.

We are standing infront of Regina Hotel, tall and wide building who looks old for me because of its color but i was in awe while looking at its facade, it has pinnacles, minarets and attic of slade on the roof part that made the building show it's boldness and competence. Also, the current polychromy is fanciful.

Sa pang eestimate ko nasa limang palapag ata ang building na 'to. There were plenty of well sculpted pillars on the first floor that interconnects to the other floor of the building.  Infront of the building and at the center of the road has a gilded statue that add up the awesomeness of the whole place.

"Oh my god, isn't that the Eiffel Tower?" Gulantang na tanong ni Rian habang nagpapapicture kami.

Mabilis kaming napabaling dun, at halos lumawa ang mata ko nang makitang tama nga siya.

From where we're standing, a slight image of the Eiffel Tower can be seen! Though 'yung upper part lang ang makikita namin dahil sa mga bushes ng isang garden sa harap ng hotel.

"Oh my goddd!" Bulalas ni Ara habang nakatanga pa rin kaming lima sa nakikita.

"You know what, we should take a picture!" Saad ni Dessa.

"Right. I think that would be an ideal place to picture para makuha 'yung tower." Turo ni Rian sa statue sa gitna ng hotel.

"Tara!" Sa unang pagkakataon, sumabat si Mayi at maglalakad na sana patungo run nang bigla kaming tawagin ni Miss Aby.

"Let's go, magchecheck in muna tayo. Mamaya na  'yan pwede?" Nakataas kilay niyang saad.

Sabay-sabay na bumagsak ang mga balikat namin ngunit wala na ring nagawa at binitbit ang mga bagahe namin pasunod sa kanya.

"Panira." Bulong ni Dessa.

"Mamaya nalang," sabi naman ni Ara.

Pumasok si Miss Aby sa isang pinto kaya dun na rin kami pumasok.

"Bon midi, madame." Napatigil kami nang magsalita ang isang lalaking nakasuot ng uniformeng pangguwardiya sa gilid namin.

Bahagya akong napagilid sa gulat.

"Bon midi, Monsieur." Sagot ni Dessa at ngumiti ron.

"Ce sont vos bagages?" Turo niya sa maleta ni Dessa.

"Oui monsieur." Tumango si Dessa.

"Ano raw?" hindi ko mapigilang bulong kay Ara.

"Ewan." Bulong niya pabalik habang nakakunot din ang noo sa naririnig.

"S'il vous plaît mettez-le là." Inilahad nito ang isang machine.

"A-ah..." Napakamot sa noo si Dessa. "Can you speak English?" tanong niya dito.

Narinig ko ang mahinang paghagikhik ni Rian bago may ibinulong kay Dessa.

Agad namang tumango ang guard bilang sagot kay Dessa. "Yes, ma'am. I'm sorry," sagot nito gamit ang kakaibang accent pero maiintindihan pa rin naman.

Sabay kaming napahinga ng maluwag ni Ara. Para kasing nakakasakal kapag ibang salita ang maririnig mo, lalo na't hindi mo maintindihan.

"Please put down your luggages here, the porter will help you on handling it." Slang niyang sabi habang inilalahad ang isang golden cart sa gilid nito.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon