CHAPTER 44

53 3 2
                                    

Mahina kong hinawakan ang sariling kamay habang itinuon ang tingin sa likod ni Calim na naglalakad ulit sa counter para mag-order ng Halo-halo. Katatapos lang naming kumain tulad ng request ko kahapon ngunit hindi pa rin ako makahanap ng tamang tyempo na sabihin sa kanya ang totoo kong pakay hanggang sa napag-usapan namin ang Halo-halo kaya napaorder ulit tuloy siya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote eh kanina pa ako nacoconscious sa mga tingin ng mga tao'ng kumakain din tulad namin. Lagi ko kasing nararamdaman ang matutulis nilang tingin sa'kin, pakiramdam ko nakatingin silang lahat sa'kin habang pinag-uusapan ako kahit hindi naman talaga. I don't know what's making me feel so anxious around these people. Nasanay na ako dito diba? I already conquered this fear, pero bakit parang bumalik na naman. Or maybe i didn't conquered my fear at all, baka napaniwala ko lang ang sarili kong hindi na ako takot humarap sa mga tao dahil sa mga komplimentong natatanggap ko. Siguro dahil sa pag-aakalang, tanggap ako ng mga tao. Maybe because i thought my image with a body shaper would last forever.

Agad natigil ang iniisip ko nang biglang nagvibrate ang cellphone na bigay Calim. Mabilis kong kinuha 'yun galing sa bulsa ko para tingnan kong anong meron.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone nang makitang 'yung number sa gym ang tumatawag sa'kin. Natatakot akong sagotin ito dahil si Calim lang ang may alam nito diba? Sinong posibleng tumawag kung ganun? Kahit natatakot hindi ko mapigilang makuryuso.

I exhaled and chewed my lip hardly before swiping the screen to answer the call.

Dahan-dahan ko itong nilagay sa tenga.

["Hello?"] Boses ng lalaki ang bumungad sa'kin kaya agad akong nagsisi na sinagot ang tawag.

"H-hello. S-sino po 'to?" Kinakabahan akong sumagot. Bastos kasi kapag papatayin ko ang tawag eh sumagot ako, kaya panindigan nalang.

["Girlfriend ka ni Calim diba?"] Agad akong napaayos ng upo sa tanong niya bago sumagot.

"Opo."

["Kasama mo ba siya ngayon?"]

Napalingon ako kay Calim na nasa counter pa rin. "Opo."

["Sinasabi na nga ba. Sige salamat hija."]

"T-teka. Teka po!" Pigil ko baka sakaling papatayin na niya ang tawag.

"Ka ano-ano niyo si Calim?" tanong ko.

["Coach niya ako. Ilang araw nang lumiliban si Calim sa training niya dahil sa'yo. Isang beses nalang talaga tatanggalin ko 'to sa grupo ko."]

Mariin akong napalunok at hindi nakasagot.

["Sige. Aalis nalang ako dito. Puta, sayang ang gas."] Huling sinabi nito bago tuloyang pinatay ang tawag.

Unti-unti na naman akong ginapang ng konsensya at dahan-dahang binaba ang cellphone sa tainga.

Humugot ako ng hininga at tumungo.

Mas lalong nadagdagan ang rason kong gawin talaga ang plano ko.

I'm freezing while waiting for Calim to return because of the anxiousness and conscience i felt. I also tried to entertain my self through crackling my knuckles but it doesn't help. Mas lalo lang lumala ang pakiramdam kong lahat ng tao ay nakitingin sa'kin at pinag-uusapan nila ako dagdag pa ang kaisipan ko sa sinabi nung coach ni Calim kanina.

Ilang malalim na buntong hininga ang inilabas ko ngunit napatigil at natuod sa kina uupuan nang may sumipol sa'kin. Hindi ko alam kung ako ba ang sinisipolan nito pero dahil sa pagiging conscious ko sa paligid, pakiramdam ko ako talaga 'yun.

Tumuwid ang pagkakaupo ko habang patuloy na nilalaro ang kamay kahit hindi naman napupunta ang atensyon ko ron.

"Hi Miss."

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon