CHAPTER 50

62 3 1
                                    

A mixture of exhaustion and happiness is what I'm feeling as i finally get home after the presscon. Matagal pa bago ako nakapasok ng tuloyan sa bahay dahil may kukunting nagpapapicture na mga kapitbahay namin.

Hihikab-hikab ako ng tuloyang tinulak ang pinto para makapasok. At maraan kung minamasahe ang leeg dahil bahagyang nangalay.

"CONGRATULATIONS!!"

Mabilis akong napaatras sa gulat at napangangang napatitig sa mga pinsan kong nasa tapat ng pinto. May hawak sina Hannah at Pia ng tarpaulin na may picture ko, 'yung galing pa talaga sa magazine.

Nagtawanan sila sa naging reaksyon ko kaya hindi ko na rin mapigilang matawa.

Lumapit si Kuya sa'kin na may hawak na bouquet at tataas-taas ang kilay na inabot sa'kin. "Congrats." Bati niya.

"Thank you!" Pasasalamat ko at tinanggap ang bouquet. "Thank you sa inyo!" Baling ko sa mga pinsan.

"Welcome!"

"Cha, baka naman makakalibre kami ng lingerie!" Parinig ni Hannah.

"Sa susunod." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Siguro na nabalitaan nila 'yung offer sa'min ng isang lingerie clothing, pero hindi pa naman namin tinanggap 'yun.

Nawala ang antok ko dahil sa presensya nila kaya ipinagsawalang bahala ko nalang ang pagod na nararamdaman at sumabay sa pinag-uusapan nila.

"Oh, hapunan na!" Biglang anunsyo ni Mama sa gilid ko bago yumakap sa'kin.

"Congrats anak..." Malambing nitong saad.

Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "Thanks, Ma."

"Hindi pa kayo naghahapunan?" tanong ko ng isa-isang nagsipasukan ang mga pinsan ko sa kusina.

Tumango si Mama. "Hinihintay ka nila."

"Tara, kumain na tayo?" aya nito.

Ngumiti ako at tinanggap agad ang aya niya. Nakapaghapunan naman ako bago umuwi pero maliit lang 'yun.

Sabay kaming naglakad papasok habang magkahawak ang dalawang kamay, kaya hindi ko mapigilang mapangiti. Finally, our bond and closeness is back. I missed this.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Mama hanggang sa makapasok na rin kami sa kusina. Nasalubong si Papa na papalabas ata ng kusina pero nang makita kami ay tumigil at hinintay ang pagpasok namin.

Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. "Congratulations!" bati nito.

"Thank you po." Nginitian ko siya.

I'm so thankful for having a father like him, ang dami niyang isinakpripisyo ng dahil sa'kin. I heard that he paid all media and people who were trying to spread the news about our issue to make them silent. Narinig ko rin noon na binayaran niya rin 'yung producer ng Paris Fashion Show para pabayaan nalang ako. That's maybe the reason why our company almost got bankrupted. At hindi siya talaga nagalit sa'kin, he became so understanding to me. And I'm so thankful for him. I don't know how to return all those things.

"Bakit ang daming handa?" Natatawa kong saad habang nakatingin sa mesang punong-puno ng mga pagkain.

"Because it's a double celebration, your success in modelling and your dad's success on turning back our businesses," sagot ni Mama.

Hindi ko mapigilang mamangha bago tuloyang kumain dahil tahimik na silang lahat, abala sa pagkain.

Nang matapos kumain, tulad ng nakasanayan namin noon nagtutulongan kami sa paghuhugas ng pinggan at ipinagpahinga ang mga kasambahay namin. Hindi ko naisip na magagawa pa talaga 'to namin ulit. Nung huli naming gawin 'to ay sampung taon na ata ang nakalipas dahil naging busy na kami sa pag-aaral namin at dahil na rin sa mga problemang sunod-sunod naming nakaharap. Hindi ko inakalang, magagawa pa namin 'to kahit may trabaho na kami.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon