CHAPTER 42

49 2 1
                                    

"Riz? Hey..."

Napakunot ang noo ko nang maramdamang may marahang tumatapik sa pisngi ko.

I slightly grunted before trying to open my eyes.

"Wake up..." Rinig kong marahang saad bago tuloyang nabuksan ang mga mata.

Agad kong nasalubong ang mukha ni Calim na nakadungaw sa'kin. Mabilis kumurba ang labi niya nang makitang nagising na ako at umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"I cooked a soup. Eat this while it's still warm," saad nito habang naglalakad sa isang mesa.

Habang ginagawa niya 'yun inilibot ko ang paningin sa buong silid at gumaan ang pakiramdam nang makitang nasa loob na ako ng kwarto ko.

Mabilis na nakabalik si Calim habang dala-dala ang isang tray na may bowl at kutsara. Inilapag niya iyon sa side table ko bago inalis ang mga bagay na naroon.

Tahimik lang akong nanunuod sa kanya kaya napansin kong nakatopless lang pala siya, nakasuot pa rin ito ng apron habang may bandana sa ulo niya.

Lumingon ito sa akin matapos niyang ayusin ang mesa kaya agad akong napaiwas ng tingin. Hanggang sa maramdaman ko nalang na maingat siyang umupo sa tabi ko at marahang hinawakan ang noo ko.

"You're still burning," saad nito.

Umalis ulit siya sa tabi ko at kumuha ng isang unan sa couch.

He then carefully bring me up slightly making me sit with the pillow behind me.

Bahagya akong napapikit ng makaramdam ng matinding pagkahilo ngunit nang maramdam ko ang kamay ni Calim na bahagyang minamasahe ang sentido ko, unti-unti rin itong nawala kaya inimulat ko na ang mata ko at sinalubong ang tingin niya.

"Feeling better?"

Dahan-dahan akong tumango.

Tumango rin ito bago kinuha ang bowl sa mesa sa tabi at humurap ulit sa'kin. Gamit ang kaliwang kamay, marahan niyang pinalis ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko saka dinala ang kutsarang puno ng sopas palapit sa'kin.

"Open your mouth." Utos nito.

Naiilang akong napatitig sa kanya bago sa kutsara ngunit dahil nakaramdam ako ng matinding pagkagutom nang maamoy ko ang sopas pinilit ko nalang na ibuka ang bibig ko at tinanggap ang sinusubo niya.

Ngunit agad akong napangiwi nang matikman iyon. Walang lasa! At parang ang pait pa. Hindi ko alam kung bakit ganun ang lasa eh ang sarap naman ng amoy.

Pero naalala kong ganito pala ang panlasa ko kapag may lagnat kaya kahit nasusuka, pilit ko nalang na nilulunok iyon at pinigilan ang sariling isuka. Nakakahiya naman kasi kay Calim.

Matapos kong maubos ang pagkain, tinulungan ulit ako ni Calim na uminom ng gamot saka kinuha na rin niya ang temperature ko kaya nalaman naming hindi pa rin bumababa ang lagnat ko.

Inihatid ni Calim sa baba ang mga pinggang nagamit matapos gawin ang mga 'yon, ngunit mabilis din siyang nakabalik dala-dala ang isang maliit na palanggana at bimpo.

"One of your maids said that this will help," aniya nang mapansing nakatitig ako run.

Okay. Hindi naman ako nagtanong eh.

Binasa niya 'yung bimpo sa tubig na nasa maliit na palanggana at piniga. Saka siya lumapit sa'kin at inilagay ito sa noo ko.

"Now sleep, I'll just bring it down stairs." Mahinang saad nito matapos gawin iyon bago tumalikod.

Palihim akong napangiti sa ginawa niya.

Masyado siyang maalaga kaya hindi mapigilang manikip ang dibdib kong isipin na hindi siya para sa'kin. May mas malaki siyang resposibilidad kesa sa'kin. At ayaw kong maging balakid para sa kasiyahan ng iba. Mas lalong ayaw kong maging kabit o kaagaw.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon