CHAPTER 21

54 3 1
                                    

Walang buhay kung tinulak ang pinto para makapasok sa bahay. Tahimik ang loob pagkapasok ko, halatang tulog pa ang lahat. Pwera kay Papa na nakita kong mag-isang nagkakape sa kusina habang kaharap ang laptop niya at mga dyaryo. Mag-aala singko na rin kasi ng umaga at sadyang maaga kung gumigising si Papa.

Kahit sobrang inaantok na, naglakad ako palapit sa kanya para bumati.

"Pa, magandang umaga po," kuha ko ng atensyon niya.

Natigil ang pagbabasa niya ng isang email at napabaling sa'kin.

"Hija," saad niya.

Maliit akong ngumiti at lumapit sa kanya para humalik sa pisngi.

"Kumusta?" tanong niya.

"Nanalo po kami," balita ko.

Napatango siya. "Good enough."

Pinagtagpo ko ang dalawang labi at bahagyang pinalobo ang pisngi nang wala ng masabi. Gusto ko ng magpaalam para makatulog na pero kakaiba ang tingin na ibinibigay ni Papa sa'kin na para bang may gustong sabihin.

Ilang sandali, bahagya itong napapikit at hinubad ang salamin. "Your mom."

Napatigil ako at mariin napahawak sa bag na dala.

"Alam mo namang suportado kami sa lahat ng gagawin mo pwera nalang kung ikakapahamak mo ito." Pahayag niya.

Tumango ako.

Ito ang lagi niyang sinasabi kapag hindi niya o ni Mama nagugustuhan ang ginagawa ko.

"Ngunit—" Nagdadalawang isip niyang pagpapatuloy pero mas piniling nalang nitong magbuntong hininga at isinuot pabalik ang salamin.

"Matulog ka na lang muna. Talk to your mom as you wake up," utos niya naka ginhawa ako.

"Okay po." Tango ko at agad na tumalikod para umakyat sa silid ko.

Mabilis akong nakarating sa kwarto, inihagis ko ang bag na bitbit at pabagsak na humiga sa kama.

Mabilis akong napapikit dahil sa sarap ng pakiramdam nang lumapat ang likod ko sa malambot kung kama.

Bumuntong hininga ako at matutulog na sana nang bigla kung naalalang hindi ko pa pala nahuhubad 'tong body shaper ko. Sabi kasi ni Miss Kath kanina, sa bahay nalang raw namin huhubarin 'to.

Kaya kahit hinihila na sa antok, ipinilit ko pa rin ang sariling umahon at maglakad papasok sa banyo.

Papikit-pikit ako habang hinuhubad ang pang-ibabang body shaper ko.

"Kainis naman oh!" Irita kung saad dahil ang tagal nun hubarin, sobrang sikip kasi.

Nagtagal ng ilang minuto bago ko tuloyang mahubad 'yun, ganun din sa pangitaas.

Kaya nang mahubad ng ang lahat. Napabuntong hininga ako at literal talagang nakahinga ng maluwag. Sobra kasing naipit 'yung tiyan dahil sa body's shaper kanina kaya parang nanibago ako ng mahubad 'yun at guminhawa.

Inabot ko ang pajama ko na nakahanda sa harap ng lababo at mabilisang isinuot 'yun.

Nang matapos,  tatalikod na sana ako nang bahagyang mahagip sa mata ang salamin na full length sa gilid ng lababo.

Natigilan ako at wala sa sariling napatitig run.

Bahagya akong napatingin sa braso nang nakitang bahagyang kumunot 'yun. Posibleng dahil 'to sa body shaper.

I finally came back to my original size. My slim body's gone, I'm back on being a big bone. I'm back to my chubby arms and legs.

Ito 'yung gusto ni Mama. Ito 'yung gusto niyang maging itsura ko eh ang pangit-pangit!!

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon