Days swiftly passed. Calim keep on doing his training for his upcoming fights while me, i started to practice my walk for the Fashion Week.
Me, Dessa, Rian, Ara and Mayi would be the guest runway model by some famous brands who contacted the company.
Na sa anunsyo ni Miss Aby kagabi, may apat na brand ang komantak sa kanila. Dahil run, parang nagkaroon ako ng pressure dahil mga most valuable brands ng clothing line ang mga 'yun! Kailangan kong maixecute ng maayos ang paglalakad para maishowcase ng maayos ang product. That's why I started to doubt my ability.
Pano kung magkamali ako?
Pano kung hindi babagay sa'kin 'yung mga damit?
Mariin akong napapikit at itinigil ang paghahalo ng niluluto.
Nagtaas ako ng tingin sa kisame at pilit na inaalis ang bagay na naiisip na siguradong makasama sa'kin.
Marahan akong bumuntong hininga bago ipinagpatuloy ang paghahalo hanggang sa tuloyan itong maluto.
Napangiti ako nang maamoy ang niluto, dahilan ng pag gaan ng aking pakiramdam.
Lalo na nang matikman ang lasa ng luto.
This is my first time cooking and i think i perfected it. Tanging YouTube tutorials lang ang kinapitan ko, mabuti nalang at maganda ang naging resulta.
Matapos tikman ang lasa, maingat akong kumuha ng isang bowl para dun ilagay.
"What's that?" Bahagya akong napitigil sa paglilipat ng niluto sa bowl nang pumasok si Calim sa kusina dala-dala ang isang pares ng tsinelas.
"Ulam. Luto ko." Proud kong saad na nagpataas ng tingin nito patungo sa niluluto ko.
"Wow." Anito at ipinagpatuloy ang paglalakad palapit sa'kin hanggang sa matapos ko ng mailipat 'yun.
Hindi siya nagsalita pa at bahagyang lumuhod sa harap ko.
Napatigil tuloy ako sa pag-ambang paglapit sa mesa para ilapag ang bowl nang marahan niyang kinuha ang kaliwang paa ko. "Wear this." Pagpapasuot niya sa'kin ng isang pares ng tsinelas na halatang kabibili pa lang, kahit wala ng price tag.
"San mo nakuha 'yan? Diba sabi kong h'wag na." Napalabi ako nang makita ang paa habang suot-suot ang Hello Kitty designed na tsinelas.
"Sorry. I ran out of gas. Ito lang ang nabili ko." Bahagya itong napakamot sa noo.
Mahina akong natawa at inilapag ang bowl sa mesa bago niyakap ang bewang niya. "Thank you. Ang ganda, hindi mo naman kailangang bilhan ako ng tsinelas nasanay na ako sa bahay na nakapaa pero maraming salamat."
Nagtalo kasi kami kanina dahil lang sa nakapaa ako. Gusto niyang isuot ko 'yung sapatos ko dito sa loob dahil malamig daw 'yung sahig, pero tumanggi ako dahil nasanay na ako sa bahay. Tsaka ang dumi-dumi nung sapatos ko tapos ang linis ng sahig niya. Nakakahiya kaya.
Akala ko nakombinse ko na siya nang tumahimik pero lumabas pala talaga para lang bilhan ako ng tsinelas. Ang tigas rin ng ulo.
But, i felt so worthy because of the effort he exerted. And I'm so thankful for this kind of experience.
"Kain na tayo," aya ko matapos ang ilang minutong pananahimik naming dalawa at humiwalay sa pagkakayakap sa kanya para magsandok ng kanin.
"What can i do?" lapit ni Calim.
"Maghanda ka ng pinggan, baso, at kutsara sa mesa." Utos ko.
Mabilis niya namang nasunod ang iniuutos ko, nang matapos kasi akong magsandok ng kanin nakahanda na ang mesa.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
ChickLit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...