CHAPTER 43

63 4 1
                                    

Matapos makauwi si Calim, tanging pagkatulala lang ang nagawa ko buong araw.

I spent the rest of the day on my bed, curling while deeply thinking the best thing to do—and guess what? I planned out nothing. Palaging sa ibang bagay napupunta ang iniisip ko. Palaging napupunta iyon sa mga negatibong bagay.

"Masyado mo kasing kinokonsenti 'yang anak mo!"

Napatigil ako sa pagkakatulala sa kisame nang marinig ang tinig ni Mama at ang tunog ng heels niya na sigurado akong paakyat ng hagdan.

"That's our daughter! Ikaw dapat ang unang kakampi sa kanya. But what did you do?!" Rinig ko namang sagot ni Papa.

"Alangan! She didn't listen to me! What do you want me to do?! Huh? Konsintihin na naman siya?! Not this time, most especially that our business is at stake here all because of her!"

Napaayos ako ng pagkakaupo sa kama at napatitig sa pinto ng kwarto, nagdadalawang isip kung lalabas ba o hindi.

"Would you choose business over your daughter?!" Papa's voice thundered over the house.

"Our business is the one making us live. 'Yun ang nagpapakain sa'tin, what do you expect me to do?! Hahayaan lang na masira 'yun?!" Sagot naman ni Mama.

"There should be another way around." Mahinahong saad ni Papa na para bang pinapakalma ang sarili niya.

Dahan-dahan akong tumayo nang mapagdesisyonang lumabas at harapan sila.

"There's none! Kalat na sa buong bansa—o maging sa buong mundo ang kahihiyang ginawa ng anak mo! Hahayaan mo lang talagang masira ang negosyo natin?!"

Mariin kung niyukom ang dalawang kamao habang unti-unting lumalapit sa pinto.

"Then what are you planning to do to resolve this? Without harming your daughter, Charlotta." Madiing saad ni Papa.

Buong lakas kung hinawakan ang seradora ng pinto.

"There's no other way around. Let's settle with what i did earlier, for now, the only thing we could do to resolve this is to deny her as our daughter."

Saktong pagkabukas ko ng pinto para harapin sila ang siyang pagbigkas ni Mama ng mga salitang 'yun.

Mabilis akong napabaling sa kanya habang nakanganga ang bibig, hindi makapaniwalang nasabi niya talaga 'yun.

Nakuha ko nila ang atensyon ko kaya magkasabay silang napabaling sa'kin.

"Anak." Rinig kong bulalas ni Papa ngunit hindi ako bumaling sa kanya. Tanging kay Mama lang talaga ako nakatingin.

"D-deny me? You denied me?" Humina ang boses ko habang tinatanong 'yun kay Mama.

Napatitig si Mama sa'kin ngunit wala akong makitang emosyon sa mukha niya, nakatayo lang at nanatiling nakayukom ang bibig.

"Kailangan mo ba talagang gawin 'yun, Ma?" Dagdag ko pa habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa hamba ng pintuan.

"Chariz." Naramdaman ko ang mahinang paghawak ni Papa sa siko ko kaya napabaling nalang ako sa kanya.

"Idedeny niyo ako?" Nanghihina kong tanong kay Papa.

"Yes." Malamig na saad ni Mama bago pa man makasagot ni Papa.

"Charlotta." Madiing banta ni Papa nang bumaling ulit ako kay Mama.

"You really think, you did was a simple matter? Look at your self..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look so relaxed! Stress-free! Parang walang problrema!" Natatawa niyang saad. "Para kang walang ginawang katangahan!"

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon