CHAPTER 26

44 3 3
                                    

"Ayaw niyo?!" Malakas kong tanong habang nakikipagfacetime sa mga pinsan.

"May klase kami mamaya! Tapos final exam bukas! Mabuti ka nga exempted ka," sagot ni Pia.

"Oo nga, final exam na namin bukas. Kaya magstustudy hard muna ako ngayon." Tumawa si Hannah.

"Sorry, Cha!" Dagdag pa nito.

"Sorry din, nakasettle na kasi 'yung lakad namin ng mga classmates ko ngayon." Nakangusong sagot ni Chay.

Napanguso rin ako at nagbuntong hininga.

"Kayo mga kuya?" tanong ko sa mga lalaking nanahimik lang.

"I have a conference meeting later." Sagot ni Kuya Hanzo. Kaya pala naka formal attire na.

"Masyado na akong fit, para magym." Sagot naman ni Kuya Rox at finlex pa ang dalawang braso.

Dahil run nagsiirapan ang mga pinsan kung babae, habang nakatanggap naman siya ng mura sa mga pinsan kung lalaki.

"Ikaw Kuya Fael?" tanong ko. Siya nalang ang natitirang pag-asa ko.

Ngunit sa kasamaang palad umiling din siya. "May—anong tawag dito? DOMS? Basta 'yan ata. Hindi ko pa nga masyadong maigalaw ang dalawang braso, puta! Hinding-hindi na ako maggym." Saad niya.

Dahilan ng tawanan naman ang mga pinsan ko.

First time kasi niyang maggym kahapon at dahil mga intensive na routines ata ang ginawa. 'Yan ang bunga.

At dahil dyan, wala akong kasamang maggym ngayon.

"At bakit naman gusto mong maggym Chariz?" Nakatass na kilayng saad ni Pia.

"Guys, i need to go. I have one hour left before the meeting." Paalam ni Kuya Hanzo.

Tumango ako. "Okay, bye-bye!"

"Ako rin, matutulog na muna ako. Parang baldado na ako nito, tang—" Pigil-pigil ni Kuya Fael na magmura habang nahihirapan ngunit pilit pa ring binibitbit ang laptop patungo sa kama niya.

Hindi ko mapigilang matawa habang naaawa.

"'Yan, pabida kasi. Sabing pangbeginners lang muna ang gagawin eh." Natatawang saad ni Pia.

Hindi naman sumagot si Kuya at agad na umalis sa tawag.

Kaya puro babaeng pinsan ko nalang ang naiwan.  Umalis na rin pala si Kuya nang hindi man lang nagpaalam. Napaka walang manners ng isang 'yun.

"Cha, ano na?" tanong ulit ni Pia.

"Ano na?" Ulit ko.

"Bakit biglang gusto mong maggym?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Ano pa ba? Para makita si Calim." Nakanguso kong sagot.

Malakas na tumawa sina Hannah at Chay na nasa iisang camera lang habang kinikilig na naghahampasan.

"'Yan ang gusto kong sagot." Nakangising saad ni Hannah.

"The best ka, Cha!" Natatawa namang sabi ni Chay.

"Aba! Parang kahapon lang, ang hirap mong pasamahin." Naiiling na sabi Pia.

"'Yun nga eh! At least napasama niyo ako. Eh ngayon nga kahit isa, wala akong napasama!" Napabuntong hininga ako.

"Wrong timing ka kasing mag-aya eh. May gagawin kaming lahat." Depensa ni Pia.

Tumango naman ang magkapatid. "Sorry!" magkasabay nilang saad.

Ngumuso ulit ako. "Okay lang, sige na. Bye!" Kumaway ako.

"Bye!! Ikaw nalang pumunta run. I'm sure. hindi ka naman makakapaggym dahil mag-uusap lang kayo ni Calim." Kaway ni Hannah. "Galingan mo!" dagdag pa niya.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon