CHAPTER 49

57 2 1
                                    

"The results were favoring us. Isn't it?" Tanong ni Miss Quin habang abala ako sa pagbabasa ng iba't-ibang dyaryo at magazines kung saan, kami na naman ang tampok sa balita.

Iba't-iba ang title ng mga dyaryo ngunit alam ko na kung anong laman dun, ang paglalahad namin sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon mula nung nangyaring issue.

I lost my count since we published and distributed to our magazine's and we didn't took months to get a respond. Ilang araw lang, nabalita na kami sa malalaking network at sabi pa ni Dessa, pinag-uusapan na kami sa internet.

Kinakabahan ako sa bagay na ito pero masaya na rin dahil sa wakas hindi ko na kailangang magtago. Isa sa natutonan ko kay Miss Quin sa ilang linggong pagkikipagsama namin sa kanya ay kung gaano kasaya maging malaya, at kung gaano kasarap sa pakiramdam na tanggap mo ang iyong sarili at maging ng lahat ng tao. At unti-unti ko namang maaasam ngayon. Kahit na hindi naman talaga maiiwasan ang mga negatibong pananaw tungkol sa amin.

"Anyway, plenty of media were outside.." Naibaba ko ang mga dyaryong hawak at napaangat ng tingin kay Miss Quin.

Ito na.

"Haharapin na'tin?" tanong niya sa'min.

"Should we?" tanong pabalik ni Dessa habang napalingon naman ako sa bintana.

Aside from making our magazine, Miss Quin also trained us how to face the media and the crowd once our magazine will be launched. I really took that training seriously, kaya siguro naman handa na ako diba?

I still remember the first time i got encountered a media, ang pangit ng pakiramdam nun. But right now that i got trained, I'm firm that i can handle this professionally.

"We should," sagot naman ni Miss Quin.

I took a deep breath and held my elbow tightly. I'm so thankful that i can now control my emotions, mas masarap ang pakiramdam.

Sabay-sabay kaming tumayo at sumakay ng elevator pababa dahil nasa opisina kami ni Miss Quin, ito ang nagsisilbing headquarter namin sa nakalipas na linggo.

Tangging kaming anim lang ang naglalakad para humarap sa media, no guards or any staff to help us control them but because Miss Quin is confident that we could handle them, hindi ko rin mapigilang mahawaan.

At tulad ng inaasahan, dagsa ang mga tao sa labas ng building. Mabuti nalang at hindi sila pumasok sa loob. Nag-aabang lang sila sa labas, may iba pa nag rereport pa ata sa mga estasyon nila. Hindi lang rin media ang naroon, marami ring mga civilian na nakikisabay sa pagvivideo.

Pinangunahan kami ni Miss Quin, siya ang unang lumabas at kumaway sa media kaya agad nagdagsaan ang media palibot sa kanya. But they suddenly stopped, few meters away from her. Nang makalabas din kami, saka ko lang nakita na may barikada palang naroon. Pinaghandaan talaga ito ni Miss Quin.

Mas lalo akong nakampanteng lumabas at humarap rin sa media, nang walang makapal na make up at walang suot na body shaper. At talagang na pag-alaman kung, mas masarap pala sa pakiramdam na maging totoo. I felt free because I don't have any secret any more. Some may judge me, but I don't have to be afraid because i became true already. Wala na silang ibang masasabi sa'kin.

Magaan ang pakiramdam kong pinalibotan ng tingin ang media habang abala sa pagsagot si Miss Quin sa sunod-sunod at halos hindi magkamayaw nilang tanong.

Nanatili ako sa bandang likuran habang nakangiti ng maliit. Habang isa-isa silang tiningnan, hanggang sa may mahagip ang mga mata ko.

Dalawang babae na pinagtutulungang hawakan ang kanilang cellphone na sa tingin ko ay nakatutok sa'kin.

A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon