"Cha, sasabay ka ba sa'kin pauwi?" Narinig kung tanong ni Kuya habang nililigpit ang mga bote ng alak.
Hindi ko siya pinansin at patuloy na sinusundan ng tingin si Calim na siyang nagsesegregate ng mga basura namin. Saka inilagay ito sa naayong basurahan.
"Hoy!" Pukaw ni Kuya sa'kin.
Napataas ang tingin sa kanya at napaahon.
"Hindi, may dala akong sasakyan," sagot ko at pasimpleng tumingin kay Calim na naglalakad na palapit sa'min.
"Alright. Pero dito ka nalang kaya matulog, maghahating gabi na." Suwestiyon ni Kuya.
"Oo nga Cha!" sang-ayon ni Hannah na nakikinig pala sa'min.
Mabilis itong lumapit sa'min. "Dito ka nalang rin matulog please. Dito rin kami dalawa ni Chay. Wala naman sina Tita at Tito diba? Tapos day-off pa nina Nanay Teresita ngayon. Ikaw lang mag-isa sa bahay niyo, alam mo namang kung saan-saan lang napapadpad si Kuya Rox. Kaya sige na," mahabang kumbinsi niya.
Mahina akong natawa at marahang tumango. "Sige." Kung makakumbinsi siya, parang ang hirap kung mapapayag ah. Naisip ko rin kanina na dito ako matulog pero nawala 'yun sa isipan ko dahil kay Calim.
"Nice!" Ngumiti ng malaki si Hannah at lumapit kay Pia para sabihing dito rin ako matutulog.
Naiwan ulit akong mag-isa sa upuan dahil abala silang lahat sa paglilinis ng kalat namin, nakasanayan na namin 'to, para iwas sermon sa mga magulang ni Pia. At dahil ako ang nanghugas ng pinggan namin kanina, hindi na nila ako pinatulong ngayon.
Lumipad ulit ang isip at mata ko kay Calim. Kaya agad na namang bumalik sa isipan ko ang sinabi niya kanina. Pakiramdam ko tuloy hindi ako makakatulog nito. Kakaiba kasi 'yung pakiramdam, ngayon ko lang 'to naramdaman sa tanang buhay ko.
Mabilis na natapos ang paglilinis nila dahil madami naman sila.
"Dito nalang rin kaya kayo matulog. Nakainom na kayo eh," aya ni Pia nang magpaalam na ang mga lalaki.
"H'wag na, hindi naman kami nalasing. Parang 'yun lang?" mayabang na saad ni Kuya.
Sabagay, immune na ang katawan nito sa alak eh. Kaya ang tagal-tagal malasing.
"May conference pa ako bukas," tanggi rin ni Kuya Hanzo.
"May pupuntahan pa ako," sabi naman ni Kuya Fael.
"I'm good." Kibit balikat ni Calim.
"Ihahatid ko pa si Zalia sa kanila," rason naman ni Maddox.
"Zalia, ayaw mo talagang dito matulog? Hindi naman kami mangangagat eh!!" Pagpipilit ni Hannah. Narinig ko kasing kanina pa rin niya 'to inaaya si Zalia na dito matulog pero palaging tumatanggi si Zalia.
"Sorry talaga, mapapagalitan kasi ako ni Papa," paumahin nito.
Narinig kung napahugot ng hininga si Hannah.
"Okay sige na. Uwi na kayo, ingat ah!" suko niya sa pamimilit ng mga ito.
Kaagad na tumango ang lahat at tumalikod pwera kay Calim na hindi pa tumatalikod, nanatili itong nakatayo sa tinatayuan niya kanina habang nakatitig sa'kin.
Mabilis akong napapikit at pasimpleng umiwas ng tingin.
I feel bad for him. Kasi, simula nung umamin siya kanina hindi ko na siya kailanman man kinausap. Nararamdaman kung gusto niya kaming mag-usap pero pilit akong manhid-mahidan para maiwasan ang posibleng interaksyon namin. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko pagnagkataon. Ni hindi ko nga mapangalanan kung ano 'tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
A Shade of Confidence (1: Flawed Girls Series)
Chick-Lit"Beauty doesn't have a standard. We are the standard." Hoping to live the life she ultimately dreamed off. Charizel Volteros can't be stopped from doing impulsive decisions. Holding to the hope that soon...she will finally get rid of her insecuriti...