ONE

14.3K 165 14
                                    

Author's Note: May warning pero tumuloy ka. Ibig sabihin kaya mong mag-adjust sa error. Kaya wag ka na mag-comment ng tungkol diyan dahil aware akong hindi ako magaling at marami akong typo, okiessss? Focus lang po tayo sa kwento ok?

-----


=JACE ENRILE=

Iminulat ko ang aking mapupungay at bilugang mata na may hazelnut na...ano nga tawag doon sa gitna ng mata? Basta 'yon, nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin. Gusto ko sana magbanyo para umihi ha? Hindi para mag jak*l pero parang may nakadagan sa akin.

Napatingin ako sa makinis na kamay na nakayakap sa akin. Mukhang hindi ako lugi sa nakuha ko kagabi. Makinis ang balat at mukhang yummy. Maka-iskor nga ulit bago 'to pauwiin.

Pauwiin? Nanlaki ang mga mata ko. Paanong pauwiin? Putangina! Anak ng . . . Nandito 'to sa condo ko? Bakit dinala ko sa condo ko ang babaeng ito?

Wait lang at na-slow yata ako bigla. Hindi agad nag- sink in sa akin kung bakit dinala ko sa condo ang makinis na chix na ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nilayasan ako ng kaluluwa ko nang ma-realize ng aking aktibong utak—pero sabi nila slow raw at kasing aktibo ng aking sex life—kung sino ang huli kong kasama kagabi. Anak ng . . . nagkamali yata ako ng nadala dahil sa kalasingan. Mukhang hindi ko nagustuhan kung sino man ang naikama ko kagabi. Mukhang mapapatay ako nito nang walang sa oras nang hindi ko sinasadya.

Dahan-dahan kong nilingon ang babaeng katabi ko at lihim na napamura na may kasamang dasal. Kulang na lang tawagin ko lahat ng santo at santa sa langit. Pati na rin yata demonyo dadasalan ko na huwag lang maging tama ang hinala ko.

'Sana hindi siya, Lord! Putangina talaga. Sana kamukha lang niya 'yong nadala ko kagabi, Lord. Lintek na 'yan. Sana, Lord, ibang babae. Parang awa mo na, Lord. Iligtas mo ako sa mga demonyo. Demonyo, iligtas niyo ako sa kapwa niyo demonyo. Anak ng . . . Paano ba magdasal nang tama na sasagutin agad?'

Pero putangina . . . Anak ng . . . Pagtingin ko sa babae ay parang lumayas ang kaluluwa ko at naglakbay panandalian nang makita ko kung sino ito. Walang iba kundi si Margot . . . ang kapatid ni Maggie na asawa ng tropa kong si Blaze. Anak ng nabuo sa libog! Mapapatay ako ni Maggie nito, eh. Anong kagaguhan ba itong ginawa ko? Malilibing talaga ako nang buhay nito kapag nagkataon.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Margot saka tumayo. Naglakad ako pabalik-balik habang nakatingin sa kanya na natutulog. Wala akong kahit anong suot at lumalawit pa ang mayabang kong alaga na sumusunod sa galaw.

Paanong sumunod sa galaw? Aalog-alog malamang habang naglalakad ako.

Kidding aside. Inaalala ko ang nangyari kagabi habang nag-iisip. Malamang, paano mo maaalala kung hindi ka mag-iisip. Sheyt! Sasakit na naman ang ulo ko nito. Limited na nga lang ang naiisip ko tapos madadagdagan pa. Baka mag- shut down na 'to nang wala sa oras.

Umupo ako sa paanan ni Margot at dahan-dahang inangat ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Oh, greeny, hindi ko siya sisilipan. Gusto ko lang makasiguro kung totoo ba ang naaalala ko sa nangyari kagabi kahit lasing ako.

At shit! Isa pang shit! Totoong shit na shit! Anak ng . . . Confirmed! Maliwanag pa sa sikat ng araw. Kasing liwanag na mapapatay ako ni Maggie kapag nagkataon. May mantsa ng dugo ang kama at tama ang naalala kong birhen pa siya nang makuha ko. Walanghiya talaga!

Hindi ito ang unang beses na nakagalaw ako ng birhen. Hindi big deal sa akin kung birhen o hindi basta mapaligaya ako. Pag birhen eh 'di paluwagin. Kaso ang putangina, hindi lang ito kung sinong birhen. Kapatid ito ni Maggie na asawa ng tropa namin.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon