TWENTY TWO

6.1K 134 8
                                    

Sunod-sunod na katok sa pintuan ang nagpabangon sa akin. Parang kulang na lang sipain ang pinto nitong barong-barong ko. "Saglit!" Putik na 'yan. Hindi ba niya alam na isang ihip lang 'tong bahay ko ay liliparin na agad. Tapos kung makahampas siya akala mo tatanggalin na niya itong bahay ko. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakatayo sa may pintuan.

"A-ano'ng ginagawa niyo rito?" Takang tanong ko nang makita ang tatlo na nakatayo sa labas. "At paano niyo ako natunton dito?"

"Dito ka na pala namalagi?" may inis na tanong ni Phoenix habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Umalis na kayo dito at hindi ko kayo kailangan," pagtataboy ko sa kanila at aktong isasara ang pinto nang may tumulak dito. Nakita ko rin na nagkagulo ang mga babae sa labas pati nga may mga asawa na halos magtulakan, makita lang ang tatlo. Paano nila nalaman na nandito ako?

"We have sources, sucker."

"Sources mo, mukha mo. Umalis na kayo at hindi ko kayo kailangan."

Alam ko na marami silang magagawang paraan para mahanap ako. Sa koneksyon pa lang ni Dane ay walang duda na kaya nilang itaob ang Pilipinas mahanap lang ako. Saka matalino sila, ako lang bobo at slow sa amin. Pero, proud pa rin ako dahil inabot ng tatlong buwan bago nila ako nahanap. Ulol nila, sana hindi na sila nagpakita.

"Tanginang hitsura 'yan, daig pa taong grasa."

"Mas guapo pa rin ako sa'yo, Phoenix."

"Oo na lang, dugyot ang putangina."

"Anong sabi mo?"

"Uulitin ko pa? Saka papasukin mo kaya kami. Tingnan mo mga babae o nagkakagulo na."

Napatingin ulit ako sa mga babae sa labas. 'Yong iba ay sinaway na ng mga asawa nila. Wala akong nagawa kundi lakihan ang pagbukas ng pinto para makapasok sila. Nakakahiya naman at baka ako masisi ng mga asawa nila dahil masyadong artistahin ang mga bwesita ko.

"Sino ba kasi nagsabi sa inyo na hanapin niyo ako?"

"What are you doing, man?" may inis na tanong ni Phoenix.

"Namuhay ng tahimik, Blaze. Malayo sa mga judgemental na gaya niyo."

"Alam ko na galit ka sa ginawa ko dahil pina-banned kita. Pero sana maintindihan mo na para kay Margot ang ginagawa ko."

"Ok, tapos ka na? Alis na kayo."

"Sucker, sasama ka sa amin sa Bulacan sa ayaw at sa gusto mo."

"Gusto niyo ipakaladkad ko kayo sa mga mangingisda rito?"

"What did you say, sucker?"

"Panis 'yang mga koneksyon niyo sa mga sunog baga kong tropa dito." Hinawi ko si Zeus at kumuha ako ng stainless na baso at nagsalin ng tubig mula sa banga. Hindi na kailangan ng yelo para lumamig. Noong una nagtae pa ako dahil hindi ako sanay pero ngayon sarap na sarap ako at ang tamis pa.

"Nakita niyo na ako. Safe na safe kaya puwede niyo na akong iwan."

"Bumalik ka na ng Bulacan. Sumama ka sa amin."

"Bakit hindi kayo ang bumalik, Phoenix? Wala naman nagsabi sa inyo na hanapin niyo ako at pumunta kayo rito."

"Ipapa-freeze namin 'yang account mo para wala kang magamit."

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Blaze at tumawa ng malakas. Kaya siguro nila ako natunton dahil nag-withdraw kahapon. Anak ng...nag-trip lang akong kumuha ng isanlibo, naging dahilan pa para matunton ako.

"Freeze your face."

"Tumino ka nga, puro na lang ka..."

"Immature-an? Kalokohan? 'yon ba ang gusto mong sabihin, Blaze? Yes, I am. At dahil selfish at immature ako, umalis na kayo rito dahil payapa na ang buhay ko."

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon