NINETEEN

6.6K 113 23
                                    

Sino'ng nagsabi na ayusin ko muna buhay ko bago humarap kay Margot? Bakit ko sila pakikinggan? Sila ba ako? Ako ba sila? Slow ako 'di ba? Matigas ulo at immature. Pwes paninindigan ko 'yon ngayon.

Pumasok ako sa subdivision nina Blaze. Ibang sasakyan ang dala ko na hiniram ko sa pinsan ko. Panigurado lang at baka naka-ban din ang kotse ko dito. Nasa tapat ako ng gate nila Blaze at hindi na ako nag-doorbell. Umakyat ako gate saka kumatok.

"Jace?" Gulat na tanong ni Blaze at aktong isasara ang pinto pero nauna na akong pumasok. Nasipa ko ang dalawang stroller pati dalawang crib sa pagmamadali kong makapasok.

"Gusto ko maka-usap si Margot."

"Sir Blaze ito na po ang gatas ni Joker."

"Sir, itong kay..."

"Iakyat niyong dalawa 'yan sa taas at sabihin niyo kay Maggie na nandito si Jace."

Dalawa yaya ni Joker? Pareho pa may dalang dede.

"Blaze, gusto ko makausap si Margot."

"Jace, hindi ba sinabi na ni attorney sa'yo na hindi ka pwede lumapit kay Margot?"

"Pakialam ko roon."

"Jace, ang kulit mo naman."

"Margot!"

"Jace, ano ba?"

"Margot, Yohoo!"

"Hoy!" sigaw ni Maggie mula sa itaas. "Wag ka ngang sumigaw at magigising si Joker. Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Maggie, gusto ko makausap si Margot."

"Wala. Ayaw ka niyang makausap kaya umalis ka na. Paalisin mo na yang kaibigan mo, Love, bago pa ako tumawag ng pulis."

"Jace, sige na, umalis ka na."

"Blaze, kaibigan mo ako, bakit mo ako pinagtatabuyan?"

"Hindi pa napapanahon. Hayaan mo muna si Margot." Pero hindi ako nakinig sa kanya.

"Margot!"

"'Tangina naman, Jace. Wag mo naman akong papiliin. Naiipit ako sa inyo ng asawa ko, eh."

"Margot!"

"Sasapakin kita, gago ka."

"Margot!"

"Putangina talaga! Ang tigas ng ulo."

"Margot, yohoo!"

"Hoy! Tarantado ka. Sabing wag kang maingay!" sigaw ni Maggie.

"Jace, ano ba?"

"Hayaan mo siya, Blaze."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Sa isang kwarto dito sa ibaba ito nanggaling. Nakita ko si Margot na nakasakay sa wheelchair niya. Maputla at halatang medyo pumayat. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ako nakagalaw dahil sa nakita ko. Naawa ako bigla sa kanya.

'Putangina, ako ba may gawa sa kanya niyan? 'Tangina ang gago ko.'

"Blaze, pwede ba roon ka muna sa kwarto ko?"

'Bakit niya pinapupunta si Blaze sa kwarto niya?'

Sinamaan ko ng tingin si Blaze pero sinamaan niya rin ako pabalik.

''Tangina! Ano'ng gagawin ng gagong 'yon sa kuwarto ng asawa ko?'

"Margot?"

"Pagbibigyan kita ngayon na makausap ako na walang abogado. Pero sa susunod na lumapit ka sa akin ay ipapadampot na kita. Anong kailangan mo?"

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon