NINE

5.3K 111 9
                                    

"Excited ka na ba sa nalalapit mong kasal, sucker?" I looked at Zeus, pati na rin ang dalawa na mukhang naka-abang din sa sagot ko.

"Ewan." Yumuko na ako para pumirma ng papeles matapos sumagot.

"Anong ewan? Three days na lang kasal mo na ewan lang ang sagot mo, sucker?"

"Kailangan ko pa ba ipaalala ang sagot sa tanong mo, Zeus?"

"Na hindi mo mahal si Margot dahil si Brianna ang gusto mo, dumbass?"

"Exactly, Phoenix."

"Kung isumbong kaya kita sa asawa ko, Jace?"

"Manahimik ka, Blaze. Mana ka na rin sa asawa mong baliw."

"At least totoo. Hindi kagaya ng iba riyan, feelings na lang pinipeke pa, idiot."

"Tapos ka na, Blaze. Pwede ka na lumabas."

"Bakit, opisina mo? Conference room 'to oi."

Confirmed talaga na nahawa na si Blaze sa asawa niya na magiging hipag ko. Nalahian pa ako ng baliw. Sana si Umami hindi maging kagaya ng tiyahin niya.

"Pero hindi nga, sucker, excited ka na ba sa kasal mo?"

Bakit ba trip na trip ako ng isang 'to?

"Ba't mo ba pinakikialam ang feelings ko, Zeus? May pagtingin ka ba sa akin at ayaw mo akong makasal?"

"Gago."

"Correction...guapo."

"Gusto lang namin malaman. Ang arte mo naman, dumbass." Natatawang sabi ni Phoenix.

"Kayong dalawa, ano naramdaman niyo sa mga una niyong kasal na sapilitan?" tanong ko sa dalawang gago na napilitan magpakasal pero dalawang beses kinasal.

"Nakalimutan ko na, dumbass," Phoenix answered.

"Me, too, idiot," Blaze seconded.

"Ulol niyong dalawa."

"Are you sure with your decision, sucker?" Napatigil ako sa sinabi ni Zeus saka napatingin sa kanya. "Hindi kaya magiging kawawa lang si Margot sa 'yo? I mean, puwede ka naman maging mabuting ama sa anak niyo. Hindi mo mahal si Margot, hindi ba? Mas deserve niya ang lalaking totoong magmamahal sa kanya. Hindi kagaya mo na pina-plastic lang siya."

Natahimik kaming tatlo dahil sa sinabi ni Zeus.

"Haba, pero may tama," Phoenix hissed.

"Agreed." Lagi na lang second the motion 'tong magiging bayaw ko.

"Anong klaseng pagpapasaya ba, Zeus? Binibigay ko naman ang kailangan niya. Napapangiti ko siya. Isn't that enough?"

"Ang gustong sabihin ni Zeus, iba pa rin kung ginagawa mo 'yon ng hindi labag sa loob mo. Hindi deserved ng hipag ko ang kasinungalingan na pinapakita mo. Kung ayaw mo talaga sa kanya eh 'di 'wag mo na ituloy ang kasal. Dahil baka malunod ka sa kumunoy ng kagaguhan mo. Lalo na at hindi mo pa pinuputol ang sa inyo ni Brianna, and take note...alam pa ng asawa ko."

"Kung kailan tatlong araw na lang? Ano run-away groom ulit? Hanep sa pag-aaksaya ng pera, at effort. Baka tuluyan na akong itakwil ng Mommy ko."

"Bakit kasi umuo ka kay Maggie, noon? Sana hindi ka na lang sumubo na magpakasal."

"Phoenix, gago ako pero hindi ko idadamay ang anak ko. Masyadong sensitibo si Margot at ayokong ma-stress siya. Tapos ano madamay ang anak ko? Anak ko pa rin 'yon."

"Pero napasubo ka."

"May annulment naman. Basta mairaos si Umami ng maayos." Annulment? Tss! Hindi magiging broken family si Umami kagaya ng ibang bata.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon