Tatlong buwan na simula nang huli ko silang makita. Simula nang ipa-banned ako ni Blaze ay umalis na ako ng Bulacan. Winasak ko ang cellphone ko at tinapon para hindi nila ma-trace. Sumakay ako ng public vehicle, sumakay ng bus at viola! Sa Cagayan ako dinala ng bus at dito na ako nangupahan sa isang simpleng barong-barong sa tabi ng dagat. Dito ko na binuro ang sarili ko.
Lumayo ako, kasi una, wala nang saysay ang buhay ko sa Bulacan. Wala ng saya at wala ng buhay. Pakiramdam ko wala na akong halaga doon kaya mas pinili kong mag-iba ng landas. Malayo sa kanila, malayo sa problema, sa sakit, at sa karma ng kagaguhan ko. Mas mabuti na ang ganito. Hindi ka nasasaktan, wala kang nasasaktan. Mag-isa, malaya.
Hindi naman ako maarte at kaya ko makipagsabayan sa buhay. Madalas kaming mag-camping mag tropa noon, nag-a-adventure kami at minsan sumasama ako sa mga medical mission noon. Survival game lang ito para sa akin. Madaling iraos.
Sumama ako sa pangingisda minsan at nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Lahat ng gawain para sa sarili ko ay ako ang gumagawa. Hindi rin ako nag withdraw ng pera at mas ginusto kong mamuhay ng simple. Isang simpleng barong-barong na may isang papag na kasya sa isang tao. May isang maliit na lamesa at isang upuan. Ganyan na lang kasimple ang buhay ko ngayon.
Sinadya na rin siguro ng pagkakataon na dito ako mapadpad. Kasi kung napadpad ako sa syudad na napapaligiran ng bar, bukod sa gabi-gabi akong lasing ay baka tuyo na ako kakabayo sa iba-ibang babae. Baka pudpod na si junjun ko.
Kung bakit kasi hindi ako marunong umiwas sa tukso at sa kalokohan. Ang babaw kong tao pagdating sa kaligahayan at tawag ng laman. Ang bilis kong mapa-oo maliban na lang noong sinasabihan ako ni Margot na 'huwag' ay tiklop agad ako.
Margot...kumusta na kaya siya? Nakapag-move on na kaya siya? Masaya na kaya siya ngayon o sinisisi niya pa rin ako sa pagkawala ni Umami? Kung siguro hindi narinig ni Margot ang mga pinagsasabi kong 'yon ay masaya kaming tatlo nina Umami ngayon. Uuwi ako sa bahay galing trabaho kasi alam kong naghihintay ang dalawa kong Umami.
Tatlong buwan mahigit na rin pala mula nang mangyari 'yon. Hindi na ganoon kasakit pero 'yong pagsisi ko ay nandoon pa rin. 'Yong galit ko sa sarili ko dahil sa pagkawala ng anak ko at pagkasira ng pamilya namin ay nandoon pa rin. Araw-araw, gabi-gabi ay bumabalik pa rin sa isipan ko ang lahat at may pagkakataon na umiiyak na lang ako bigla.
Nalulungkot ako dahil wala akong karamay. Nalulungkot ako dahil wala na akong pamilya. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng lungkot nang mawalan. Ang ganitong klase ng pangungulila. Nawalan din ako ng mahal sa buhay...si daddy, pero mas masakit itong nangyari ngayon kaysa pagkawala ng daddy ko. Gusto ko na nga tawagin sina daddy at Umami para isama nila ako kung nasaan man sila ngayon. Iba pala kapag asawa't anak na ang usapan.
Masakit pa dahil walang nakakaintindi sa akin. Dahil nga slow, selfish, childish, immature at inangkin ang dalawang babae ay feeling nila bato na rin ako. Walang pakiramdam at ok lang sa akin ang mga nangyayari. Na puro enjoyment lang ang alam ko.
Bakit? Sino ba ang ayaw ng enjoyment? Sino ba ang ayaw maging masaya? Baliw nga tumatawa mag-isa para sumaya normal pa kaya ang ayaw sumaya. Pero hindi ibig noon ay hindi na ako marunong masaktan.
Nasasaktan lang akong isipin na akala ko karamay ko mga kaibigan ko. Hindi ko rin naman sila masisi kasi iniisip nila na childish ako which is totoo naman pero sana naisip nilang kahit childish ako ay may pakiramdam ako. Bata nga kung pagalitan, nasasaktan. Ako pa kaya?
Kumusta na kaya ang mga gago? Si Dane? Si Mommy? Sana ok lang sila. Wala pa naman sigurong namatay sa kanila habang wala ako. Masamang damo mga 'yon, eh. Maliban kay Mommy syempre. Sana ok lang silang lahat.
Tinawagan ko si Mommy bago winasak ang cellphone ko at sinabing magpapakalayo ako at ok lang ako. Nakuha ko naman ang suporta niya kaya alam ko na kung nag-aalala siya sa akin ay mild lang. Hindi major-major.
Tinaas ko ang kamay ko habang nakatingin sa wedding ring namin ni Margot. Kahit nang mga panahon na akala ko ay mas mahal ko si Brianna sa kanya ay hindi ko ito hinuhubad. Pinapatanggal sa akin 'to Brianna kapag nagsisiping kami pero pinapagalitan ko siya at sinasabing nawawalan ako ng gana kaya hindi siya nagpupumilit.
Kumusta na rin kaya siya? Sana masaya na rin siya ngayon. Mali na tinali ko siya sa akin kahit alam kong hindi na ako mahal ni Brianna kagaya ng dati. Kung bumalik siya sa akin, iyon ay dahil napupunan ko ang pangangailangan niya sa kama. Daks eh, magaling pa.
Siguro kung hinigpitan ako ni Margot noon at sinabi niyang alam na niya ang tungkol sa amin ni Brianna ay tinigilan ko na si Bree. Kasi kung pinapili ako ni Margot sa kanilang dalawa ay hindi ako magdadalawang isip na piliin siya. Kaya lang naman lumakas ang loob ko kasi hindi niya ako hinigpitan. Hinayaan niya akong maging malaya. Pero alam ko sa sarili ko na sa kanilang dalawa ay si Margot ang hindi ko kayang bitawan.
Hindi ko siya sinisisi dahil alam ko na may kasalanan ako at kung gusto kong kontrolin ang sarili ko ay magagawa ko. Pero nang panahon na 'yon ay nasa kalituhan ako. Dahil nakita ko si Brianna at nalaman kong hindi succesful ang marriage niya. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya dahil sa ginawa ko at naisip kong may pananagutan ako sa failure niya sa lovelife.
Ako ang unang sumira sa puso niya kaya naisip ko na kargo ko ang kinahinatnan ng lovelife niya. Si Margot, hindi ko masabi sa sarili ko noon kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya pero kaya ko siyang ilaban kahit kanino. Si Margot lang nakakapag-tiklop sa akin. Isang sabi lang niya ay napapasunod niya ako. Isang ayaw niya ay wala akong magawa at isang utos niya lang ay sunod agad ako.
Kaya kung galit siya sa akin ay masama rin ang loob ko sa kanya. Dahil alam naman pala niya na may kami ni Brianna pero hindi niya ako pinaglaban. Samantalang siya ay pinaglaban ko kay Brianna.
Hindi ako naghahanap ng masisi para mapagaan ang loob ko. Isa pa, alam ko na karma ko ito. Ang sinasabi ko lang ay bakit hindi niya ako kinompronta? Alam naman pala niya na mali ang ginagawa ko pero bakit hinayaan niya akong malunod sa kasalanan? Alam ko na hindi excuse na lalaki ako at hindi ko alam ang ginagawa ko. Gasgas na katwiran 'yon, pero iyon ang totoo. Dahil kaming mga lalaki, hangga't niluluwagan kami ay wala kaming pakialam. Hindi siguro lahat pero karamihan.
Nagagalit kami kapag hinihigpitan at pinangungunahan kami ng babae pero kung mahal namin ay tiklop kami. Kahit masama loob namin, kahit nakakagigil na wala ay kaming choice kundi ang sumunod dahil ayaw namin sumama ang loob ng babaeng mahal namin. Ayaw namin magalit sila sa amin. Kaya ang mga makakating gaya ko na hindi marunong umiwas sa tukso ay ingat na ingat na wag mo mahuli ng mahal nila.
Oo na, mali ako. Sinaktan ko si Margot at kasalanan ko ito. Pero kung sinaway niya ako umpisa pa lang ay hindi kami aabot sa ganito dahil gaya nga ng sabi ko ang mga lalaki ay kulang lang sa higpit dahil oras na luwagan mo 'yan ay para 'yang aso na kakawala. Tapos kapag naka-kagat na at nakapanakit, uuwi sa may-ari.
Pero wala na, nangyari na ang lahat. Hindi na mababago. Nasaktan ko na si Margot, nawala na si Umami at heto ako naging duwag habang nagtatago. Hindi alam paano ayusin ang ginawa ko, at dahil ayaw kong mawala ng tuluyan si Margot ay mas pinili kong takasan siya kaysa harapin siya.
Natatakot akong baka kapag ok na siya at tuluyan na nakarecover at makapag-move on ay tuluyan na siyang mawala sa akin. Kaya mas gugustuhin ko na lang na dito ako malayo sa kanya. Sana lang habang nasa malayo ako ay mapatawad niya ako. Dahil natatakot akong bumalik at baka tuluyan na siyang mawala sa akin.
Author's note:
Hi to MeazzySkyliegh, Siciliamary, AceboGlenalyn01. Salamat sa mga magaganda niyong comment na ang sarap basahin.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...