FIVE

6.7K 118 9
                                    

Binuksan ko ang cellphone at sunod-sunod na pumasok ang mensahe ni Margot. Paumaga na kaya tumayo ako para tawagan siya na mabilis niyang sinagot.

"Bakit?" tanong ko.

("Where are you?")

"Bakit?"

("Tinanong ko lang, masama ba?")

"Jace, you want to..." Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Brianna at sumenyas na wag siyang maingay.

("Sino 'yon? Bakit may babae?")

Anak ng...bakit ba siya laging parang naiiyak?

"Pinsan ko, humingi ng tulong para sa ilaw ng banyo niyang nasira."

("Ah! Gusto ko sana makasama kang mag lunch mamaya.")

"Hindi ka ba busy?"

("Ayos lang ang schedule ko.")

"May meeting ako mamayang tanghali at mamayang gabi rin. Pati pala bukas din ng tanghali."

("Ganoon ba? Ok.")

"Sige na. Busy pa ako, bye." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Baka kasi may sabihin na naman siya at hindi ako makahindi. Humarap ako kay Brianna at niyakap siya. "Sorry kung nagsinungaling ako."

"That's fine. I understand." Hinalikan niya ako na ginantihan ko rin. Nagpaalam na rin ako sa kanya na uuwi na ako at may pasok pa ako. Sinabi niya sa akin na hihintayin niya ako ulit ako. Nangako naman ako sa kanya na lagi ko siyang dadalawin.

NANG pumasok ako ay nabutan ko ang tatlo na mukhang nagkakatuwaan. Nagpapabidahan sina Blaze at Phoenix sa mga asawa nila, lalo na si Blaze an umamin na mahal na niya si Maggie. Hindi ako nakatiis at binuksan ko ang topic about Brianna.

Nagulat sila nang malaman na nagkita kami at may nangyari. Pero wala eh, guapo ako kay wala silang pakialam. Higit sa lahat hindi ko kailangan ang opinyon nila. Ok, cheater, two-timer, and whatever they wanted to call pero pareho sila na ayaw ko mawala.

Brianna and I are dating secretly. Minsan ay pumupunta ako sa bahay niya at doon natutulog. Alam ko na gago ako dahil niloloko ko si Margot pero hindi ako handang sabihin sa kanya ang totoo. Dahil ayaw ko rin siyang mawala sa akin. Selfish na kung selfish. Pero sinusubukan ko naman na sabihin sa kanya.

Kaya lang kapag inumpisahan kong buksan ang topic sa relasyon namin ay nagsasabi na siya nang kung anu-anong plano na para sa aming dalawa. Kaya hinayaan ko lang siya at nauudlot na lang ang plano ko na magtapat.

Nang maging handa ako ay saka ako naunahan ng problema nina Maggie at Blaze. Ang mga gago, peke pala ang kasal nila at nagkagulo pa. Nabaliw si Maggie at kung anu-ano na ginawa sa buhay. Wala akong magawa. Ayoko makisabay sa problema ni Margot. Ang selfish ko naman kung sasabayan ko ang problema niya.

Brianna said na mas mabuti pa na maghiwalay kami kung hindi ko kaya iwanan si Margot. Pero pinangakuan ko siya na makikipaghiwalay ako kay Margot. Alam ko na mali dahil somehow ay may puwang na sa puso ko si Margot. Pero dahil feeling ko may kasalanan ako kay Brianna ay siya ang pinipili ko.

Humingi ako ng isa pang pagkakataon kay Brianna at sinabing hinatayin niya lang at tatapusin ko na ang sa amin ni Margot. Mabuti na lang naiintindihan niya ako. Ang laki na ng kasalanan ko sa kanya kaya babawi ako.

Lumala ang sitwasyon ni Blaze nang makunan si Maggie. Tapos hindi na kinakausap ni Maggie'ng baliw ang kapatid niya kaya kailangan ko siyang damayan si Margot. Wala na siyang ibang kakampi kundi ako kaya mas lalong hindi ko siya mabitawan. Gaya nga ng sabi ko ay naaawa ako sa kanya sa tuwing nalulungkot siya.

"Bree, sana maintindihan mo ang sitwasyon ko. Ikaw ang mahal ko at para sa akin walang kami ni Margot. Ikaw lang gusto ko makasama habang buhay."

"I am willing to wait, Jace."

"Salamat."

Gago na kung gago. Minsan nga inaaway na ako ng tatlo lalo na ni Dane pero anong magagawa ko? Mahal ko si Brianna at hindi ko siya mabitawan, or let's say, ayaw ko na siyang bitawan. Sinayang ko na siya noon. Sasayangin ko pa ba ngayon?

Ang gago ko dahil dalawang babae ang kinakama ko ng sabay. Mapapa sana all siguro ang iba pero ako putangina...konsumisyon. Wala naman ibang dapat sisihin kundi ako at ang kaduwagan ko.

Aminado akong somehow, Margot has a space in my heart. Pero hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Brianna. Hindi ko kayang ipagpalit si Brianna sa kanya. Tumetyempo lang ako para sabihin sa kanya ang totoo. Sana lang talaga wag siyang magpaawa sa akin. Dahil kahit gaano ko pa kamahal si Brianna ay hindi ko talaga kayang tiisin si Margot dahil sa kabaitan niya at hindi ko alam kung bakit.

Now, that Maggie and Blaze are ok. After their wedding ay sasabihin ko na ang totoo. Bahala na, masaktan na siya kung masaktan pero hindi ko na patatagalin pa ang lahat. Pero kaya ko nga kaya siyang nakikitang iiyak dahil sa akin? Susubukan ko na lang at baka sakali.

Ang kaso may nakisabay na naman na problema. Nalugi ang business niya dahil na-scammed siya. Hindi ko siyang pwedeng sabayan at gaya ng dati ay pag-unawa na naman ang hiningi ko kay Brianna.

Habang tinutulungan ko si Margot na makaahon at inalalayan siyang makabangon sa business niya ay nabuntis si Maggie. Ang daming nangyari sa buhay ng mga kaibigan ko. Ang pangarap ko para sa amin ni Brianna ay natutupad na nila.

Nanganak si Hailey ng triplets. Nabuntis na nga ulit kasabay ni Maggie at halos magkasunod pa na nanganak. Nauna lang nang ilang araw si Maggie. Tatlong buwan pa lang ang triplets nang mabuntis ulit si Hailey kaya halos magkasabay sila ni Maggie. Kaya sabay na rin ang binyag.

'Tangina, gusto ko ng mag-asawa at bumuo ng pamilya ko. Gusto ko ng makasal kay Brianna at bumuo ng sarili namin pamilya. Naiinggit na ako sa dawalang kumag lalo na ngayon na masayang-masaya sila.

Phoenix triplets name are Hawk, Dove, and Eagle. Ang kambal ay sina Raven at Robin na parehong lalaki. Blaze name his baby boy Joker. Gusto ko na rin magkaroon ng mini Jace ko at si Brianna ang maging ina. Ano kaya ipapangalan ko sa anak namin ni Brianna? Jace the II. Mini Jace. Baby Jace? Ang pangit naman, dapat unique. Ah saka ko na lang iisipin kapag nandiyan na. Ang hirap pala mag-isip ng pangalan ng baby.

"Bree, pwede ba kitang buntisin at kapag buntis ka na ay hihiwalayan ko na si Margot? At least may dahilan na ako sakaling ayawan ko na siya." Katatapos lang namin mag make love.

"Hmp, pwede. Pero mas maganda kung maglakad ako sa aisle na walang laman ang tiyan."

"I understand. Konti na lang, Bree. After ng binyag ni Joker ay kakausapin ko na talaga si Margot."

"Sigurado ka na ba riyan?"

"Oo, kahit may problema ulit wala na akong pakialam. Mahigit isang taon na tayong ganito dahil ayaw ko masaktan si Margot, pero sobra na. Hindi na kita napaglaban at sobra na pagtitiis mo. Samantalang ikaw naman ang mahal ko."

"Ayos lang, I am willing to wait, Jace. As I said, mahal kita kaya willing akong maghintay sa'yo. Pinapasaya mo naman ako kaya ok na ako doon." Buo na ang desisyon ko. Pagkatapos ng binyag ng tatlong bata ay sasabihin ko na kay Margot na tapusin na ang meron kami.

One-week na after mabinyagan ang mga bata. I called Margot and told her that we should need to meet. Rinig ko ang excitement sa boses niya ay siya ang nag set ng lugar at oras.

"Margot, may sasabihin ako sa'yo."

"Ako rin." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ako muna, Margot."

Kailangan ako ang mauna dahil baka kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin at magbago pa ang isip ko. Pero dahil nakita ko siyang nalungkot dahil halatang excited siya sa balita niya, ayon lumambot na naman ang puso ko. "Good news ba yan o bad news?" tanong ko. Mukha kasi siyang excited.

"Good news," sagot niya. Good naman pala kaya siya na lang paunahin ko para masabi niya sa akin.

"Sige mauna ka na, Margot."

"Buntis ako. Tatlong linggo na, Jace." Anak ng...

"Anong sabi mo?"

"Buntis ako at magiging daddy ka."

Putangina!


Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon