TWENTY FOUR

6.4K 131 23
                                    

"A-ano'ng ginagawa mo rito?"

"Gusto ko makipag-usap sa'yo." Hindi matigil ang paglunok ko dahil sa kaba. Ang lakas ng tibok ng puso ko nang makita siyang nakatayo. Mukhang okay na siya at walang bakas ng kahit anong aksidente. Lalo tuloy akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. 'Yong dibdib ko, parang anytime ay lalabas na ang puso sa sobrang kaba.

"Nasaan abogado mo? 'Di ba bawal tayong magkalapit ng wala kang lawyer?"

Pilit ko pinatatag ang sarili ko. Hindi rin ako masyadong tumitingin sa mukha niya o sa mata niya dahil lumalambot lang tuhod ko. Gustong-gusto ko siyang hilahin yakapin at halikan. Anak ng...miss na miss ko na ang labi niya.

"Bawal ka lumapit sa akin. Bawal ba akong lumapit sa'yo?"

'Kung mag file din kaya ako restriction na bawal siyang lumapit sa akin.'

"Pwede ba akong pumasok."

'Relax, self, relax tayo. Kalma lang tayo at huwag pahalatang kinakabahan.'

"P-pasok." 'Tanginang tuhod naging jelly bigla. "U-upo."

Mas lalo na ang dila ko. Pero kailangan ko talagang maging matatag sa pagkakataong ito. Alam kong may kasalanan ako. Lumayo ako pero sinundan nila ako kaya kailangan ako ang matibay dito.

"Bakit mo ako pina-banned sa airport?"

Lumunok muna ako bago sumagot. Kalmado pa rin si Margot at hindi ko makikitang galit siya. Pero hindi ako dapat tumingin sa kanya dahil oras na makita ko ang mukha niya ay katapusan ko na.

"Nag file ka rin ng restriction sa akin. Pina-banned din ako ni Blaze sa subdivision kaya patas lang." Pasimple akong bumuga ng hangin dahil sa sinabi ko. Bawal akong kabahan kahit kanina pa talaga ako kinakaban.

"Call your lawyer and ask him to withdraw..."

"No."

Huwag ka titingin sa mukha, Jace. Huwag ka titingin sa mata. Diretso ang lang ang tingin.'

"Listen, Jace..."

"Listen, Margot, hinayaan na kita i-restrict akong lumapit sa'yo. Hinayaan na kitang magfile ng annulment. Kaya hayaan mo rin ako sa gusto kong mangyari. Alam ko na may kasalanan ako kaya nga lumayo ako para hindi ako makagambala sa'yo. Tapos ngayon ay hahanapin niyo ako para balitaan ng walang kwenta? Kung umalis na lang kayo at hindi ako hinahanap, eh, hindi sana ako nakagulo sa inyo. Tahimik na ako rito pero kayo ang gumulo sa akin."

Kaya ko 'to basta hindi ako titingin sa kanya.

"You're still childish."

"I am."

"We're still married, so I still respect you by letting you know that I'll be leaving. Sa tingin mo ba, Jace, magiging ganoon kadali sa akin ang tanggapin ang mga nangyari ko kung nandito ako sa Pilipinas? No. Isa pa, itutuloy ko pa rin ang restriction mo at ang annulment kahit nandito ako."

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" Hindi sa pagmamayabang pero alam ko na mahal niya pa rin ako. Ramdam ko na may epekto pa rin ako sa kanya kahit paano. "Kapag hinayaan kitang maka-alis ay aalis ka talaga nang tuluyan at iiwanan ako? Tuloy pa rin ba ang annulment?"

"Yes."

"Ayaw mo na akong bahagi ng buhay mo?"

"Yes."

Once and for all. Walang masama kung susubukan ko. Since siya ang nagpunta rito pwes, sasamantalahin ko na. Kailangan ko lang maging matatag para hindi ako bumigay.

"Stay here for a night, and leave tomorrow morning. Ipapa-cancel ko kay attorney ang restriction mo bukas din."

"What?"

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon