Nakatingin ako sa bubong habang panay ang buntong hininga. Alas singko na nang umaga at mag-isa na lang pala ako.
"Mahal na mahal din kita, Jace. Hindi nagbago yon."
Mahal daw pero pag gising ko wala na siya at nag-iwan na lang ng note na tuparin ko ang sinabi na babawiin ang restriction. Akala ko pa naman ay mananatili na siya at yayayain na akong umuwi na kami. 'Yon pala ay bigla lang din siyang mawawala.
Siguro nga masyado ko siyang nasaktan. Masyado akong naging sakim at makasarili. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay ganoon kadali ang patawarin ako. Nawala si Umami nang dahil sa akin tapos gusto ko mapatawad agad ako ng ina niya. Gusto ko okay agad. Ang selfish ko sa pag- iisip na 'yon na akala ko ay magiging okay agad ang lahat.
Ramdam ko ang pananabik ni Margot sa akin kagabi. Ramdam ko na-miss din niya ako. Pero alam ko na hindi sapat na dahilan yon para mapatawad niya agad ako. Kung ang paglayo niya ang paraan para tuluyan siyang makalimot sa nangyari ay ibibigay ko iyon sa kanya. Hahayaan ko siyang lumayo muna para makapag-isip. Baka sakali kapag nasa malayo siya ay maisip niyang nagsisi talaga ako. Baka mas makakapag-isip siya ng maayos kapag hindi kami magkasama.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si attorney para ipa-cancel ang restriction ni Margot. Tinanong niya ako kung sigurado ako at sinabi ko lang na oo. Sinabi ko rin na ipaalam sa abogado niya na ok na ang lahat at pwede na siyang lumabas ng bansa at kahit saan.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Puro pagsisisi na lang ang nasa isip ko ngayon. Pero kahit anong pagsisisi pa yan ay wala na akong magagawa. Hindi na mababalik ang nangyari. Hindi ko na mababawi ang mga nagawa ko. Ang laking damage ang nagawa ko relasyon namin. Lalo na sa pagkababae niya.
Hayaan ko na lang si Margot sa gusto niya. Kung doon siya masaya ay pagbibigyan ko siya sa kasiyahan niya. Nagkaroon na kami ng usapan kaya hindi ko na iyon pwedeng bawiin. Pinagbigyan ko na ang sarili at wala rin nangyari. Pinagbigyan na niya ako kaya siya naman ang pagbibigyan ko.
Tatlong mahihinang katok ang nagpa-agaw ng atensyon ko. Wala akong plano na pagbuksan kong sino ito pero ayaw tumigil ng katok. Bukod kasi sa madilim pa ay wala naman akong inaasahan na lakad namin ng mga kasama ko sa dagat. Pero mukhang walang planong tumigil sa pagkatok ang kung sino mang punyemas na 'to.
"Saglit!" Nakapaa akong nilapitan ang pintuan at walang ganang binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ang tao sa labas. Napalunok ako ng laway at ang kabog ng dibdib ko ay mas malakas pa sa kabog ng dibdib ko nang makita ko si Margot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at pinako ang paa ko sa lupa na unti-unting nanlalambot. Hindi ko magawang umatras o umabante. Kung may madadaanan nga lang ako ay baka kumaripas na ako ng takbo.
Ito ang tingin at hitsura ng isang Dy na ayaw mong makita. Naniningkit ang mata niya na nakatitig nang matalim habang nakatiim-bagang. Partida pa 'yan, hindi nakaangat ang kilay niya pero nakakamatay na agad.
"D-Dane?"
"Sasama ka sa akin pabalik ng Bulacan o kasama kang masusunog sa loob ng barong-barong na ito?"
At kailangan pa siya sinapian ni Maggie para manunog ng bahay?
"S-sasama. Ngayon na agad kahit wala akong dalang gamit. Hindi naman importante mga maiiwan dito eh." Mabilis akong lumabas ng barong-barong at hindi alintana na nakapaa pala ako.
"Take your important things. I will wait for you in the car." Tumalikod na siya at umalis.
Wala akong kinuha na kahit ano maliban sa pitaka ko na may mga ID at cellphone saka lumabas ulit. Hinabilin ko kay Mang Pilo ang barong-barong at hindi na nagpaliwanag. Sinabi ko lang na may biglaan na nangyari. 'Tangina si Dane yan at mahirap suwayin. Kung mga kapatid nga niya hindi umuubra sa kanya kapag nagalit siya . . . kami pa kaya. Hindi 'yan babyahe nang madaling araw para kilitiin ako. Kitilan ng buhay . . . pwede pa.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomantikWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...