"Da-ddy," I said para gayahin ni Umami. Sumipa ang anak ko habang tumatalon nang nakanganga.
Bakit kaya kapag baby ang bungal, ang cute tingnan? Pero kapag may edad ang ganoon, ang sarap sampalin kaliwa't kanan?
"Dapat ang una mo malalaman na salita ay daddy pogi." Hinalikan ko si Umami na nangisay sa tuwa dahil sa sinabi ko. Buti na lang agree ang anak ko na guapo ang daddy niya.
"Sir, oras na po ng vitamins ni Umami."
"Ako na." Kinuha ko sa yaya ni Umami ang vitamins at ako na ang nagpainom sa kanya. Kasama ko ang yaya niya rito sa bahay. Isang buwan na rin simula nang ma-set up namin ang ganito ni Margot. Wala siyang nagawa at hindi rin siya nakaalis ng bansa. Pati sina Blaze at Maggie ay hindi rin natuloy. Sinumbatan ko ang tropa pati si Dane sa ginawa nilang pagtago sa anak ko pero pagkatapos noon ay bati na ulit lahat.
Wala, eh, tropa ko pa rin sila kaya hindi ko sila kayang tiisin. Napatawad ko na sila at okay na ang lahat dahil ang mahalaga lang namna sa akin ay makasama ko ang anak ko. Kaya kahit isa sila sa nagtago sa anak ko ay pinatawad ko na sila.
Nalaman kong nabinyagan na pala si Umami at ang mga walanghiya ay ninong at ninang pa. okay na rin sa akin na iba ang magulang ni Umami sa papel at hindi ako ang ama. Na hindi niya dala ang apelyido ko. Mas mayaman si Blaze sa akin kaya kapag namatay siya nang maaga, na huwag naman sana, ay may mana pa rin ang anak ko. Dobleng yaman. Haha.
Joke lang. The more mommy, the more daddy, the merrier. Chill lang dapat. Ang mahalaga ay may oras ako sa anak ko. Ako ang kikilalanin niyang daddy kahit hindi sa papel. Kahit maguluhan siya ay nandiyan naman ang nanay niya para magpaliwanag dahil sila naman ang may kagagawan nito.
"Umami, pogi si daddy 'di ba?"
Tumango si Umami at pumadyak. Nakakainis lang isipin na hindi niya dala ang Enrile at alam pa ni Mommy. Kaya pala hindi worried ang nanay kong mabait at hindi lonely sa pagkawala ng apo niya dahil may alam na pala siya. Sayang, baka hindi na masundan si Umami at wala nang magdadala ng apelyido ko.
Aminado akong feeling betrayed ako sa ginawa nilang lahat. Pero kung 'yon ang consequences ng kagaguhan ko ay okay lang. Karma is a bitch nga talaga at ito ang karma ko. Alangan namang magtanim ka ng mangga tapos aani ka ng santol. Ang gago noon, 'di ba? At dahil kagaguhan ang itinanim ko ay ito rin ang inani ko. Sobra-sobra pa dahil may bonus.
Pero uulitin ko ulit, okay lang dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay kasama ko si Umami. Dahil siya ang importante sa akin.
"Hey, little sucker." Napalingon ako sa pintuan dahil nandito na naman si Zeus.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito, Zeus?"
"Visiting my little sucker."
"Gago ka, Zeus, ang bata pa ng anak ko para tawagin mong sucker."
"That's fine. Come little sucker." Kinuha niya sa akin si Umami at pinangigilan.
'Tanginang 'to, wala man lang paalam sa tatay. Nakakahiya naman at anak ko 'yan pero inangkin na niya. Tuwang-tuwa naman ang anak ko sa kalokohan ng gago. Inaangat kasi ni Zeus ang kamay ni Umami at hinalikan ang kili-kili at kahit walang boses ang tawa ng anak ko ay nakakatuwa siyang tingnan dahil halatang nag-e-enjoy siya sa kalokohan ng ninong niyang gago. Nilalabas pa minsan ng gago ang dila niyang may hikaw para ipakita kay Umami na tinititigan din ng anak ko.
"How are you and Margot?" tanong ko.
"Oks lang, nag-uusap pero tungkol kay Umami."
"What I am saying is you and her. You're relationship as a couple."
![](https://img.wattpad.com/cover/289509827-288-k752405.jpg)
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomansaWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...