THIRTY SIX

6.3K 131 31
                                    

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko totoo na ang lahat ng nangyari. Tumayo ako at naglakad at tumingin sa paligid. Naglakad ako para alamin kung nasaan ako. Pero...

Teka, paano ako nakatayo, at nasaan ako?

Nilibot ko ang paningin sa lugar lung saan ako nakatayo. Wala ako sa ospital at wala ako sa condo. Nandito ako sa bundok at sa baba ay may dagat na may tulay na para letter T. Anong ginagawa ko dito at anong lugar ito? Saka paano ako napunta rito?

Bumaba ako sa bundok at nasa gitna na agad ng pa T na tulay. Naglakad ako sa pinakagitna at tumingin sa magkabilaan. Ang kanan ay patungo sa isang patag na lugar at may mga taong nagsasaya pero tubig ang ilalim. Samantalang sa kaliwa ay pababa ang tulay sa tubig. Ano'ng meron dito at ano ito? Nakakapagtaka rin paano ako napunta rito.

"Jace!" Napatingin ako sa tumawag sa akin mula sa kanang tulay. Isang lalaking winawagway ang kamay niya sa ere at may katabi siyang dalawang matanda. Pilit ko silang inaninag hanggang sa makilala ko sila.

"Daddy?"

"Jace dito anak!"

"Lolo, Lola?" Lumapad ang ngiti ko at tumakbo palapit sa kanila. Miss na miss ko na sila matagal ko na silang hindi nakasama dahil bata pa lang ako nang mamatay sila. Tapos ngayon makikita ko na sila at mayayakap pa.

"Dad! Lolo! Lola!"

"Dito, Jace, dito ka sa amin."

Nakailang hakbang na rin ako nang may marinig akong boses na parang pamilyar sa akin.

"Jace..."

"Margot?"

Tumingin ako sa paligid para hanapin ang boses.

Si Margot ba talaga 'yon? Pero nasaan siya?

"Margot?!" tawag ko habang umiikot para hanapin siya.

"Jace..."

Umiiyak siya? 'Tangina, bakit siya umiiyak? Nasaan ba siya at bakit hindi ko siya nakikita unlike Dad, Lolo, and Lola?

"Margot, nasaan ka?"

"Jace, bumalik ka na rito. Nandito lang ako."

Nasaan ba siya? Bakit hindi ko siya nakikita? Pero yong boses niya medyo banda roon sa kaliwang tulay. Doon sa dulo. Nandoon kaya siya sa dulong 'yon?

"Margot!"

Naglakad ako papunta roon nang sumigaw si daddy. "Jace, ayaw mo ba kami kasama, anak?"

Napatigil ako dahil sa tanong ni Daddy. Miss na miss ko na sila. Pero kasi...sabagay, wala na rin naman akong babalikan dahil wala na kami nang asawa ko at mukhang ayaw na niya sa akin. Saka mukhang mas happy sila Daddy kaya join na lang ako sa kanila.

"Jace, mahal na mahal kita."

Napatigil ako sa paghakbang papunta sa kanila.

"Hindi nagbago iyon."

Hindi ko akalain na maririnig ko 'yon mula kay Margot. Mahal niya ako? Pero bakit niya ako tiniis? Bakit hinayaan niya na mangyari sa amin ito?

"Jace, come back. I need you. I badly need you."

She needs me? Kailangan niya ako. Dito . . . dito banda ko narinig ang boses niya.

Dahil sa narinig ko ay naglakas loob akong maglakad papunta sa kaliwang tulay kung saan ko naririnig ang boses ni Margot.

"Margot!"

"Jace, hihintayin kita. Kaya parang awa mo na, balikan mo kami. Miss na miss na kita. Pangako, aayusin na natin ang buhay natin."

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon