Ilang araw akong na-confined. Sa condo na ako umuwi nang makalabas ako dahil mas malapit ito sa ospital. Minsan kasi ay may check-up pa rin ako. Tuloy pa rin ang set-up kay Umami pero dahil hindi ko siya makuha ay sina Maggie, Blaze, o kaya si Zeus ang naghahatid-sundo sa kanya. Kasama rin ang yaya niya at kumuha na rin ako ng private nurse na lalaki at the same time ay therapist na rin para sa paa ko.
Simula nang makalabas ako ay hindi ko pa rin nakikita si Margot. Mukhang wala na talaga siyang pakialam sa akin. Kahit nga ang magpadala ng mensahe o tumawag para kumustahin ako ay hindi niya ginawa. Hindi rin natuloy ang hearing namin dahil sa pagkakaaksidente ko.
Natutulog si Umami habang ang yaya niya ay nag-aayos. Susunduin na kasi siya mamaya kaya inayos na niya ang mga gamit. Ang dami pa nilang dadalhin dahil dumating kagabi si Zeus at ang daming pinamili para kay Umami.
Narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya pinapuntahan ko ito sa yaya. Hindi ko kasi maabot ang isang spare na doorknob dahil medyo mataas ito at hindi ako makatayo. Mababa pa ang wheelchair kaya mas lalong hindi ko abot.
"Sir, si Ma'am Margot po nasa labas para sunduin si Umami," balita sa akin ng yaya.
Kinabahan naman ako bigla nang marinig na siya ang nasa labas. Ito ang unang beses na makikita ko siya matapos akong madisgrasya tatlong linggo na ang nakalipas.
"Papasukin mo."
Yumuko lang ang yata at umalis. Kinuha ko si Umami sa higaan na natutulog at pinaandar ang wheelchair saka tumungo sa sala.
"Hi," salubong niyang bati sa akin na nakaupo pero agad din tumayo at kinuha si Umami na dala na ng yaya. "Kumusta ka na?"
Ang cold niya pa rin sa akin pero masaya ako kasi kahit paano kinumusta niya ako at nandito pa siya.
"Ayos lang, lumpo pa rin. Buti at ikaw ang sumundo kay Umami."
"May binili ako sa katapat na building kaya ako na dumaan. Wala rin kasi si Maggie at matagal pa si Blaze."
"Ah!"
Bakit parang tumaba siya ng konti? I mean parang nagkabilbil siya kasi lumaki ang may bandang puson niya.
"Lumalaki yata ang tiyan mo?"
Nakita ko ang gulat sa mata niya nang sabihin ko iyon kaya napatitig ako.
"Jace..." Nakita ko siyang lumunok at tumitig sa akin.
"Napapalakas yata ang kain mo kaya ka nanaba," biro ko at nakita kong kumalma na ang mukha niya.
"A-ah, yeah. Stressed eating. Oo nga pala, hindi na kami magtatagal. Ipapahatid ko na lang ulit siya rito sa Lunes."
"Sige." Saka ako tumingin sa nurse ko. "Fred, pasuyo naman, pakitulungan si Jazyl na magbitbit ng mga gamit."
"Ok lang, kami na ang magdadala ni Jazyl ng mga gamit. Wala kang kasama rito," pigil ni Margot.
"Hindi ok lang, babalik naman agad si Fred. Ang dami kasi ng pinamili ni Zeus para kay Umami kaya tutulungan niya kayong magdala hanggang sasakyan."
"Sigurado ka?" paninigurado niya.
"Yes."
"Sige. Alis na kami," paalam niya.
"Ingat kayo."
"Ikaw rin."
Lumabas na sila ng condo at naiwanan ako.
Napangiti na lang ako. Ang ganda at seksi pa rin niya kahit tumataba siya. Ilang saglit lang ay tumungo ako ng kusina para kumuha ng tubig. Sakto pagbalik ko sa sala ay biglang may sumabog. Sa lakas ng impact ay parang natulak ang wheelchair ko kaya napatingin ako sa paligid.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...