EIGHTEEN

7.3K 126 13
                                    

"Are you sure gusto mo ng bumalik sa trabaho? I can give you more time."

"I'm good, Dane, fifteen days na rin mula nang magluksa ako."

Inayos ko muna ang sarili ko bago bumalik sa trabaho. Nang bisitahin ako ng tatlo ay napatingin ako sa salamin nang umalis sila at nakita kong ang dugyot ko pala talaga. Guapo ako kaya walang karapatan maging dugyot. Bukod sa kumapal ang balbas ko sa loob ng isang linggo ay hindi ko rin naalagaan ang katawan ko kaya inabot ako ng isang linggo pa ulit bago bumalik.

"Well, that's good. I will discuss something with you later."

"Thanks, Dane. Sa office lang ako."

Inayos ko ang mga dapat kong ayusin dahil natambakan na ako ng maraming gawain. Anak ng...ang sakit nito sa ulo pero kailangan ayusin dahil wala naman ibang gagawa ng mga ito kundi ako.

Habang nag-aayos ay nakarinig ako ng katok. Tumingin lang ako sa pintuan at hindi nagsalita nang bigla itong bumukas at pumasok ang tatlo.

"So, you're here, sucker?"

"Joke lang ako, Zeus. Kaluluwa lang 'to."

"Welcome back, man," Blaze said.

"Welcome back, dumbass," Phoenix seconded.

"Mabuti naman at naisipan mo ng lumabas sa lungga mo. Kaso wrong timing yata pagpasok mo." Umupo si Blaze sa tapat ko.

Kumunot lang ang noo ko at hindi pinansin ang sinabi niya. "Kailangan. Kawawa naman kayo at wala ng guapo sa grupo niyo dahil wala ako."

"Ulol," sabay-sabay nilang sabi.

Sa totoo lang ay na-missed ko rin sila. Kahit nalulungkot ako sa pagkawala ni Umami ay kailangan ko lumaban. Masakit pa rin para sa akin ang nangyari lalo na at hindi ko pa kasama si Margot.

"Blaze..." tawag ko.

"O?"

"Kumusta siya?"

Napatingin sila sa akin tapos nagtinginan. May masama ba sa tanong ko? Gusto ko lang naman malaman kung kumusta si Margot.

"Medyo ok na," sagot ni Blaze.

"Ah." Hindi na ako nagsalita. Wala naman akong sasabihin kaya quiet na lang. Tinuon ko na lang sa trabaho ang ginagawa ko.

"Ah, Jace..."

Tumingin ako kay Blaze na na hindi tinuloy ang sasabihin. "Bakit?"

"Nagkausap na ba kayo ng abogado mo?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

Ano naman sasabihin sa akin ng abogado ko?

"Hindi pa. Wala naman akong kailangan sa kanya."

"Ah," sagot niya lang.

"Hayaan niyo na, slow nga 'di ba?" Rinig kong sabi ni Phoenix.

"Lumayas ka na nga, Phoenix. Epal ka na naman, eh," saway ni Blaze.

"Hindi ka pa ba tinatawagan, sucker?"

"Hindi. Ano bang meron?"

"Wala naman, baka kasi kumontak na abogado mo sa'yo at may sinabi."

Pinagsasabi nito ni Blaze? Baliw na rin kagaya ng asawa niyang kung anu-ano na lang pinag-iisip.

"Ano naman sasabihin niya sa akin?"

"Wala, don't mind me. Masaya lang ako kasi nandito ka na. Pero mukhang..." Hindi na naman tinuloy ni Blaze ang sasabihin.

"Mukhang ano?"

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon