"Kung mang-aasar ka lang, mabuti pa umalis ka na." Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sa tarantadong Dylan na 'to dito sa bahay ko. Bigla na lang siyang sumulpot sa kusina at sa likod siya dumaan. Hindi naman kami close at nagsuntukan pa nga noong isang linggo. Tapos nandito siya? Akala ko siya ang may gusto kay Margot. Nagselos pa ako sa kanya tapos kaibigan niya pala ang kasintahan ng asawa ko.
"Balita ko pinirmahan mo na raw ang annulment noong isang linggo. Nagpatulong sa abogado namin ang abogado ni Margot."
Feeling close at epal ang kingina.
"So? Tulungan niyo para matapos na. Para makahanap na rin ako ng iba."
"Alam mo mabilis ma-po-proseso ni attorney 'yon at viola, annulled ka na. Happily free na si Margot, habang ikaw dakilang sad boy."
"Ano bang pakialam ko sa kanya?" Gumagawa ako ng cup noodles nang bigla siyang dumating dito. "Bakit ka pa ba nandito?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Sabi ni Wallace nagkita kayo sa mall noong isang linggo tapos nakita mo si Umami at . . ."
"Hoy!" sigaw ko para putulin ang sasabihin niya. "Hindi 'yon si Umami! Ampon nila 'yon kaya 'wag mong idamay ang anak ko!"
Tumawa si Dylan nang malakas habang nakahawak sa tiyan na kinagulat ko. "Confirmed nga ang kabobohan mo. Guwapo ka sana, kaso wala nga lang utak." At mas lumakas pa ang tawa niya na parang aatakihin na.
Mamatay ka sana kakatawa.
Nang tumigil siya ay kumuha siya ng baso at nagsalin ng alak. 'Tangina, feeling close talaga amputa. Feeling inimbita ang hayop. Hindi naman kami magkaibigan pero bakit nandito siya?
"Aalis na sina Margot sa susunod na araw. Ako nag-book ng ticket nila dahil sa utos ni Dane," sabi niya sabay inom. Nakangiti pa ang gago sa akin.
"So?"
"Suso mo."
"Gago ka."
"At least hindi slow."
"Ano'ng sabi mo?"
"At hindi rin ako bingi."
"Umalis ka na nga dito."
"Bakit mo ako pinapaalis? Iimbetahan lang naman kita since may pa despedida party si Maggie dahil kasama sila ni Blaze na umalis. Mukhang hindi ka na mahal ng mga kaibigan mo kaya ako na lang iimbeta sa'yo. Hindi ka na lab ng prensyep mo kaya tayo na lang muna ang prends."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May despedida pero hindi ko alam? Oo, suspended ako sa trabaho pero bakit parang nabalewala ako bigla? Bakit pa nila ako pinilit na umuwi kung babalewalain lang pala nila ako?
"Oy, nag-overthink na siya. Isipin mo na lang na naglayas ka gaya ng dati kaya hindi ka kasama sa happenings. Para hindi masakit dahil na-neglect."
"Wala akong pakialam sa party na 'yan." Hinalo ko ang cup noodles saka tinakpan.
"Dapat meron, kasi nandoon si Margot." Tiningnan ko siya na nakangisi. "Para ma-meet mo siya for the last time...kasi nga kasama nila si Margot na aalis 'di ba?"
"Para ipapulis ako dahil lumapit ako sa kanya?"
"Hindi mo alam?" takang tanong niya.
"Alam ang alin?" Napakunot ang noo ko. Lakas talaga makagago nitong putanginang 'to. "Hoy! Alam ang alin?"
"Pinatanggal na ni Margot ang restriction mo kasi paalis na sila."
"Ano'ng pakialam ko sa kanya?"
"Slow, ibig sabihin noon ay pwede ka na lumapit sa kanya. Kaya lang siya nag-file ng restriction dahil tinatago niya si Uma...'yong ampon niya hahaha." Mas lumakas pa ang tawa at nakahawak na siya sa tiyan niya. "Ampon hahaha."
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...