THIRTY

6.4K 131 47
                                    

Padabog kong sinara ang pintuan at tinungo ang kusina. Mabuti na lang at nakauwi pa ako nang maayos kahit na gumegewang na ang sasakyan ko sa daan. Akala ko nga may sumunod sa akin na pulis dahil ang daming bumusina sa akin. Hinihintay ko rin na may sumugod ditong pulis pero wala naman.

Gusto ko na nga ibangga ang kotse ko kanina pero ayaw ng guardian angel ko. Naiinis ako sa nangyayari sa buhay ko. Nakakapunyeta na ang nangyayari. Deserve ko ba talaga ang putanginang sakit na 'to?

"Putangina niyong lahat!" Binasag ko halos lahat gamit dito sa kusina. Pinagsusuntok ko lahat ng nakikita ko at binabalibag ang iba. "Mga gago kayo!" Wala na akong makitang matino sa mga gamit ko.

Kinuha ko ang kutsilyo at sinaksak ang ibang gamit. Binasag ko ang mga appliances at mga lahat ng makita ko. Hanggang sa magsawa ako at hinagis ang kutsilyo. Nakatayo ako habang nakadungaw sa lababo.

'Tangina! Kung hindi lang ako napangaralan ng nanay ko na masamang magpakamatay baka kanina ko pa sinaksak ang sarili ko.

"'Tol!" Narinig ko ang boses ni Phoenix at naramdaman ko na lang na may humawak sa akin. "Tama na 'yan."

"Bitawan mo ako!" Napaharap ako at tinulak siya na napasandal kay Blaze. Ang kapal ng mukha nilang pumunta rito para damayan ako samantalang hindi nga nila sinabi sa akin ang plano ni Margot at ang tungkol sa kanila ni Wallace. "Anong ginagawa niyo dito? Umalis kayo at hindi ko kayo kailangan."

"Listen, sucker, we did not tell you about the farewell party because we don't want you to feel upset about Margot's leaving."

"Pero na-upset siya dahil kaibigan niya kayo pero sinet-aside niyo ang feelings niya. Hashtag feeling neglected, hashtag feeling hindi love ng tropa," sagot ni Dylan na hindi ko rin alam paano siya nakarating dito.

"And why you're here? You do not belong in our group," Phoenix said.

"I did not come here as a part of your group. I came here as a concerned citizen who sympathized with an unwanted, neglected friend. Saka kanina pa ako rito. Nauna pa nga ako sa inyo, 'di ba? Tinitingnan ko lang si Jace na nagwawala."

Aba, ang gago at kanina pa pala siya, hindi man lang ako inawat. Hinayaan pa akong magbasag ng gamit.

"At hindi mo inawat?" Blaze asked.

"Why would I? Hinayaan ko lang siyang ilabas ang nararamdaman niya dahil ni-neglect niyo siya. Feeling ouch kasi dahil wala siyang kasama."

"He's not neglected, sucker."

"Oks, sabi mo, eh." Umupo pa ang gagong mapang-asar sa lamesa. "Sige lang. Dito lang me habang nagdadramahan kayo riyan. Don't mind me here, kunwari wala ako rito dahil hindi naman ako parte ng grupo niyo."

"Jace, we're sorry, ok," Blaze said. "Pasensya ka na kung hindi namin sinabi sa 'yo ang totoo. Ayaw ka lang namin masaktan."

"Umalis na kayo," pagtataboy ko sa kanila at kumuha ng alak sa ref at binigyan din si Dylan. Hindi ko siya kailangan. Pero dahil siya ang nagsabi sa akin tungkol sa party ay kami muna ang magkasangga ngayon.

"Thanks, fucker," Dylan said. Nag-cheers muna kami bago sabay na uminom.

"Hindi namin pinaalam sa 'yo kasi hindi ka marunong mag-handle sa sitwasyon. You're too naive and childish to accept explanations. Kung pinapunta ka na namin doon at nalaman mo na farewell party 'yon ng babaeng mahal mo, ano'ng mararamdaman mo?" Phoenix asked.

"Masakit, kasi mahal ko 'yon, ee. Pero mas masakit ang ginawa niyo dahil feeling ko tinraydor niyo ako," sagot ko.

"Hashtag feeling betrayed," singit ni Dylan.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon