TWELVE

5.8K 97 18
                                    

"Good Morning," bati ni Margot sa akin habang naghahanda ng almusal.

"Good morning," bati ko pabalik at hinalikan siya "And good morning, Umami." Sumipa ang anak ko na parang binati ako pabalik. Umupo ako at tinawag si Margot saka pinakandong sabay hawak sa tiyan niya.

"Kakanta ka naman si daddy, baby," Margot said habang nakaupo sa hita ko.

"Syempre, daily routine na 'yon," I answered. "Good morning, good morning, good morning how are you? Good morning, good morning, I'm fine thank you."

Tumawa si Margot at lumakas ang sipa ni Umami. Sa gabi naman ay twinkle-twinkle little star ang kinakanta ko sa kanila bago matulog.

"Thank you, Jace."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Saan?"

"Kasi pinapasaya mo si Umami."

"Anak ko siya Margot kaya lagi ko siyang pasasayahin."

"At pati na rin ako."

"Asawa kita kaya kasama ka."

Maayos naman ang pagsasama namin ni Margot. Ginagawa niya lahat ng obligasyon niya sa akin. Kahit malaki na ang tiyan niya ay nababalanse niya ang trabaho niya at obligasyon niya sa akin. Kahit paano ay sumasaya rin akong kasama siya. Kapag nasa bahay kami ay nanonood kami ng palabas at nakahiga siya sa hita ko habang nakahawak ako sa tiyan niya. Bago matulog ay kinakantahan ko si Umami at sumisipa naman ang anak ko. Kinikiliti ko rin ang tiyan niya para sumipa si Umami. Masasabi kong masaya ako at kontento...kung...hindi ko lang naaalala si Brianna at ang patago naming relasyon at mga pangako ko sa kanya.

Threat pa rin sa akin si Maggie na wala ng ibang ginawa kundi asarin ako. Lagi pa rin niya sinasabi na hangga't hindi nawawala si Brianna sa landas namin ni Margot ay hindi niya ako lulubayan ng pang-inis kasi nga raw slow ako. Alam na ng lahat ang totoo at ako na lang ang hindi pa nakakaalam at hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon. Isa pa, bahala siya sa buhay niya.

Kabuwanan na ni Margot at malapit ko na makita si Umami. Ang aking little boy. Pogi rin 'to panigurado dahil mana sa akin. Oo na, gago na ako at tuloy pa rin ang meron kami ni Brianna. Pasensya naman at kailangan ko rin siya.

"Anong gustong mong ulam mamaya?" tanong niya saka tumayo.

"Kahit ano."

"Off mo ngayon, may lakad ka ba?"

"Wala."

"Good, samahan mo akong mamili ng crib ni Umami para malagay na sa nursery."

"Ok."

One thing that I like about Margot ay tinatanong niya ako kung busy ako o may lakad bago niyaya. Hindi rin siya nakikialam sa privacy ko at nirerespeto niya ang mga ayaw ko. Hindi siya palatanong. Kapag umuuwi ako ng late ang sinasabi lang niya ay 'kumain ka na' 'magpahinga ka na' Hindi siya nagtatanong saan ako galing at anong ginagawa ko. Dahil ang katwiran niya ay alam niyang nasa trabaho lang ako, which is hindi, dahil kay Bree lang ako galing.

Nakokonsensya na rin ako kay Margot pero kapag naiisip ko so Brianna ay nawawala ang guilt ko. Hindi ko na alam, basta ang alam ko ay gago ako. Minsan hindi ako umuuwi ng bahay at kay Brianna ako nagpapalipas ng oras. Hindi naman nagtatanong si Margot sa akin dahil alam niyang busy lang ako sa site kapag may visit sa mga shoot. Pero ang totoo ay kay Brianna ako sumu-shoot.

We do make love...sex pa rin naman. Ang sabi ng doctor ay ok nga daw 'yon at makakatulong 'yon para mapadali ang panganganak. Hindi kaya magalit si Umami sa akin dahil dinuduraan ko siya sa loob? Ok lang 'yon, hindi pa naman niya alam.

"Ako na riyan," agaw ko sa ginagawa niya. Nagba-vacuum kasi siya ng sala.

"Ako na. Maligo ka na lang at susunod na ako mamaya para maaga tayo maka-alis at makauwi. Baka may biglaan ka na naman tawag o pupuntahan ay mahuli ka pa."

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon