TWENTY THREE

6.3K 125 5
                                    

Hawak ko ang bago kong cellphone na kanina pa tumutunog. Naka-link na rito ang mga contacts ko sa old phone na sinira ko. Nag-appear ang number ni Blaze at sigurado ako kung ano'ng kailangan niya sa akin kaya natatawa ako. Tawa lang ako nang tawa hanggang sumunod ang tawag ni Maggie, ni Dane at ng iba pa.

Tawag lang kayo riyan at magsasaya lang ako dito.

Gusto nila ako maka-usap? Puntahan ulit nila ako dito. Alam naman nila saan ako nakatira kaya personalin nila ako. Paimportante muna ako ngayon dahil happy ako. Mas masaya rin kung isasama nila si Margot dito. Malo-lowbatt na lang sila kakatawag pero hindi ako sasagot. Nilagay ko sa silent ang tone para hindi mag-ingay kaya puro vibrate na lang ito.

Nang sabihin ni Blaze sa akin na aalis sila ng bansa kasama si Margot ay bumili ako ng bagong cellphone. Ni-log in ang ID kung saan naka-save ng contacts. Tinawagan ko si attorney at sinabing ipa-ban si Margot sa paglabas ng bansa. At dahil nakabinbin ang annulment namin, sabi ni attorney ay madali lang gawan ng paraan. For sure kaya tumatawag ang mga kolokoy dahil doon. Kung gusto lumabas nina Blaze at Maggie ay pwede naman, pero hindi nila pwede isama si Margot na asawa ko.

Immature at childish nga kasi ako. Oh, well, I love being immature dahil wala akong pakialam sa iba. At least ngayon napakinabangan ko. For sure kay attorney nakuha ni Blaze ang bago kong number. Pero wala akong pakialam sa pinaglalaban niya.

Sunod-sunod din na pumasok ang message ni Blaze kaya binasa ko. Hindi naman magiging kalabisan sa kaguapuhan ko kung sasagutin ko ito.

["What the hell are you doing, man?"]

["Are you a damn stupid?"]

["Answer my call, you imbecile."]

Oy, galit na siya dito pero oks lang. Magalit lang siya nang magalit hanggang sa maputukan siya ng ugat.

["Goddamnit, Jace, what do you think you're doing?"]

["Hoy, putangina mo, susunugin ko 'tong bahay mo, kung hindi mo sasagutin tawag ni Blaze. -Maggie."]

Eh di sunugin niya. Mas masaya kung isasama niya sarili niya sa loob. Hindi niya na ako makukuha sa pananakot niya.

Pero, putangina, baliw pa naman ang babae 'yon. Paano kung totohanin niya? Nandoon ang mga gamit ni Umami at ibang gamit namin ni Margot.

Ah, hindi! Pipigilan 'yon ni Blaze. Pero paano kung kikilos siya nang hindi ipaalam kay Blaze? 'Tanginang, Maggie na 'to, lakas makahawa ng kabaliwan ang putangina.

Humiga ako sa papag habang nangunguyakoy. Kanina pa 'yon nangyari kaya siguradong nakauwi na sila ng bahay. Ano kaya hitsura nila nang malaman nilang banned si Margot. Siya lang naman pina-ban ko kaya pwede pa rin sila Blaze na umalis kung gusto nila. Bakit idadamay pa nila asawa ko?

Napabalikwas ako ng bangon at napalunok. Putangina, paktay ako kay Dane dahil hindi natuloy ang paglipat ni Blaze...kung hindi siya tumuloy at umuwi rin siya kasama ni Margot. Dapat na ba akong kabahan o dapat na akong umalis dito?

Hindi yon magagalit si Dane sa akin. Baka nga natuwa pa 'yon sa ginawa ko. Pero natuwa nga kaya siya? Paano kung nagalit siya? Kinakabahan akong isipin na galit si Dane dahil mukhang katapusan ko na pag nagkataon. Nakita ko rin kasi na nag-appear ang tawag niya kaya mas lalo akong kinabahan. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si attorney.

{"Mr. Enrile."}

"Na-ban ba siya?" Malamang, Jace. Kaya nga nagwawala na sila kakatawag sa'yo ee.

{"Yes, I used your rights as her husband."}

"Good, anong sabi niya?"

{"Hindi ko pa nakakausap ang asawa mo pero ang kapatid niya inaaway ako at sinabi na tanggalin ko raw."}

"Wag mo pansinin ang baliw na 'yon. Ako ang kliyente mo kaya sa akin ka lang makikinig. International flight lang ba?"

{"Lahat ng flight. Nagpa-issue na rin ako ng motion for reconsideration gaya ng sabi mo. Bawat sakay ni Margot ng barko o eroplano o kung aalis man siya ng Bulacan dapat ay alam natin kung saan siya pupunta."}

"And?"

{"The judge signed it."}

Napangiti ako sa sagot niya. Kahit paano maaasahan din ang kalbong 'to, eh.

"Good, I'll send you the bonus, tomorrow morning."

Pagbaba ko nang tawag ay sakto na tumawag si Blaze. Ayoko sanang sagutin pero dahil mabait ako ay sinagot ko na. Isa pa, may atraso ako dahil mukhang hindi rin siya nakalayas. Buti nga sa kanya.

"Bakit?"

{"Anong bakit? What the hell are you doing?"}

"Blaze, walang pumipigil sa inyong mag-asawa na umalis kung gusto niyo. Wish you all the best ok? Pero hindi niyo pwede isama ang asawa ko."

{"Listen, Jace, pinapalala mo lang ang sitwasyon. Ikaw itong nawala ng tatlong buwan tapos ngayon ipapa-ban mo siya ng ganoon lang kadali? Pinauwi ka namin para mag-usap kayo pero tumanggi ka. Pagkatapos ngayon gagawin mo ito?"}

"Pina-banned niya rin ako. Kaya patas lang kami."

{"Jace, your acting..."}

"Childish? I know."

{"Let her heal. Hayaan mo siyang lumayo. If you want, you can follow us. Bumalik ka na kasi rito, putangina mo, para makapag-usap kayo kung ayaw mo rin naman pala siyang umalis."}

"Epal ka. Problemahin mo 'yang asawa mo at wag mo kami pakialam ng asawa ko. Huwag kang paladesisyon. Bye." Saka ko pinatay ang tawag.

Sunod-sunod pa rin ang pasok ng tawag pero hindi ko pinansin. At dahil ayaw nitong tumigil ay kinuha ko ang cellphone para sana patayin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang tawag ni Margot. Siya ang tumatawag. Napalunok ako nang ilang beses at nagdalawang-isip kong sasagutin ko ba ang tawag niya.

Nakatitig lang ako sa screen habang pinapakinggan ang ringtone na twinkle twinkle little star.

Ano kayang sasabihin niya? Mumurahin kaya ako? Aawayin niya kaya ako? Susumbatan? Sisigawan? Pagsasalitaan ng masasakit na salita? 

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon