"Ano'ng nangyari sa'yo?" Pinilit kong tumayo para makausap siya ng maayos pero hindi ko magawa. Lumapit sa akin si Blaze at inayos ang kama saka pinatayo ang kalahati sa bandang ulunan at siya na rin ang sumagot sa tanong ko kay Margot.
"She helped you. Siya ang naglabas sa'yo sa condo mo. Tinamaan siya ng mga bumabagsak na parteng nasusunog. She risked her life to save you." May sugat si Margot sa noo base na rin sa bandage na naroon. Naka-bandage rin ang kanan niyang kamay na mayroon arm wrist support. "Nagkaroon siya ng third degree burn sa paa," dagdag niya kaya napatingin ako sa paa niya na may bandage rin sa binti.
"Bakit mo 'yon ginawa? 'Di ba, sinabi ko sa'yo wag kang aakyat at baka mapahamak ka?" Pero hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakayuko lang siya habang umiiyak.
"Iwanan muna namin kayo para makapag-usap," paalam ni Blaze. "Love, let's go," yaya niya kay Maggie.
Nang makalabas sila ay pinindot ni Margot ang wheelchair palapit sa akin. Nasa tapat na siya ng higaan ko pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin.
"May masakit ba sa'yo?" tanong niya pero halatang barado ang ilong.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka umakyat?" Pero hindi pa rin siya nag-angat ng tingin. "Look at me, Margot. I'm asking you."
"Jace..." humihikbi niyang tawag sa pangalan at nag-angat na ng tingin.
"Bakit ka umakyat, Margot?"
"Ang bagal kasi ng mga rescuer, Jace. Hindi ako makapaghintay."
"Dahil lang doon? Umakyat ka at pinasubo ang sarili mo sa kapahamakan?" pagdidiin ko pero umiyak lang siya saka yumuko. "Sumagot ka, Margot. Bakit mo ako binalikan?" may inis kong tanong. Hindi ba niya naisip ang mga posibilidad na mangyari sa ginawa niya? Alam niyang delikado.
"Natakot ako, eh. Natakot ako na baka kung ano ang mangyari sa'yo. Natakot ako na baka iwanan mo ako nang hindi tayo nagkakaayos at hindi ko masabi sa'yo lahat ng gusto kong sabihin."
Umiyak na siya nang umiyak kaya nawala ang inis ko. I hate it when Margot was crying. Kaya imbes na mainis ay inamo ko siya.
"Huwag ka nang umiyak. Gusto ko lang naman malaman kung bakit mo nilagay sa panganib ang sarili mo," kalmado kong sabi dahil ang pinakaayaw ko sa kanya ay ang nakikita kong umiiyak siya. Naiinis akong nakikita siyang lumuluha. Ang laki na ng kasalanan ko sa kanya at grabe na ang pinagdaanan niya sa akin.
"Natakot akong mawala ka nang hindi ko nasasabi sa'yo na mahal pa rin kita. Na kung mayroon man akong gustong makasama habangbuhay ay ikaw at ikaw lang. Natakot akong mawala ka ng hindi ako nakahingi ng tawad sa'yo sa pagmamatigas ko. Na hindi ko tinanggap ang paliwanag mo at hindi kita binigyan ng second chance." Umiiyak pa rin siya habang sinasabi iyon kaya hindi ko na rin napigil ang luha ko.
"Pero hindi mo pa rin dapat ginawa 'yon. Paano kung dalawa pa tayong may nangyaring masama. Paano si Umami?"
"Hindi ko rin alam paano palakihin si Umami mag-isa kung mawawala ka sa akin, Jace."
"Margot..." Umiyak ako at inabot ang mukha niya para iangat.
"Kasi kahit galit ako sa'yo ay alam kong kailangan kita, Jace. Nagmatigas ako kasi nasaktan ako pero mahal pa rin kita. Mahal na mahal kita, Jace."
"Mahal mo pa rin ako, Margot?"
"Mahal na mahal, Jace. Kahit nasaktan ako pero mahal kita. Ang tanga ko lang dahil pina-abot ko pa sa ganito. Kung may nangyaring masama sa'yo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Baka mas gustuhin ko na lang din na sumunod sa'yo."
"Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, Margot. Patawad kung niloko kita. Kung sinaktan kita. Tama nga sila, hindi mo deserve ang gagong gaya ko. Pero sana maniwala ka na nagsisisi ako. Totoong nagsisi ako na nasaktan kita. At sana maniwala ka na hindi totoo ang mga sinabi ko kay Maggie. Na gusto ko lang talaga siyang asarin noon, kaso wala, eh, mali ako dahil sa harap ng lahat ko 'yon sinabi at hindi ko na mababawi."
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...