"Congratulations!"
"Thank you guys, thank you everyone," hinging pasasalamat ni Margot sa lahat.
Sama-sama kaming nakaupo sa iisang lamesa na magkakaibigan. Narito rin si Mommy na busy na nakipag-usap sa mga ka-business niya at sa mga magulang ng mga kaibigan ko lalo na sa daddy ni Dane.
Lumapit si Zeus sa akin at pasimpleng bumulong. "Bakit nandito si Brianna?" Tumingin siya sa isang gilid at nakita ko si Bree na tumayo malapit sa CR.
"Excuse me," paalam ko at hindi na hinintay na may sumagot sa kanila.
"Where do you think you're going, sucker?"
"Wag ka mangialam, Zeus." Sinenyasan ko si Brianna na maglakad na ginawa niya habang nakasunod ako. Nang wala nang mga tao ay hinila ko siya sa gilid.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na pupuntahan kita bukas ng gabi?"
"Inimbitahan ako ni Margot."
Napakunot ang noo ko sa sagot niya. "Ano?"
"Nakilala niya ako na isa sa mga ka-meeting mo, at inimbitahan niya ako kaya ako nandito."
"Bakit ka pa pumunta rito? Sinasaktan mo lang 'yang sarili mo, Bree. Umuwi ka na. Magkita na lang tayo bukas, ok?" I tried to kiss her pero umiwas siya.
"Jace, hindi kaya mas mabuti pa na itigil na natin 'to?"
"Pinag-usapan na natin 'to 'di ba? Pagtatalunan na naman ba natin 'to?"
"Iba na ang sitwasyon ngayon, Jace, dahil may asawa ka na. Kasal ka na. Literal na akong kabit."
Hinalikan ko si Brianna. Tumanggi siya pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hinawakan ko ang kamayniya para hindi siya makagalaw. Hinaplos ko ang baywang niya at hinapit palapit sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang paglaban niya sa halik ko. Habol hininga kami pareho nang magbitiw.
"Hindi mo na ba ako mahal, Bree? Hindi mo na ba ako kailangan?" Nakasubsob ang mukha ko sa leeg niya at hinahalikan siya ng pino habang ang kamay ko pinapagapang sa katawan niya.
"I really need you, Jace, but..."
"No buts, Bree. You need me...period." Nag-angat ako ng tingin at hinawakan siya ng mukha. "Wait for me tomorrow, ok?"
Tumango siya bilang sagot. "Darating ka ha?"
"I will."
Hinintay ko muna siyang makalabas bago ako bumalik sa loob. Patuloy pa rin silang nagtatawanan. Pinanggigilan kasi nila ang triplets na bibang-biba sa pagkembot sa ibabaw ng lamesa. Sana ganyan din ka-bibo si Umami paglabas. Walang duda dahil ako ang tatay.
Nang makaupo ako ay nakatingin silang lahat sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Why?" takang tanong ko sa kanila.
Ngumiti si Margot saka kumuha ng tissue at pinunas sa labi ko. Putangina...ang lakas ng tibok ng puso ko. Dahil naalala ko ang halikan namin ni Brianna at baka..."M-Margot?"
"May lipstick. Hindi ko napansin kanina, kumalat pala sa labi mo."
Napatingin ako isa-isa sa kanila. Si Phoenix nakapikit. Si Zeus napapailing. Blaze mouthed 'gago' sa akin. Si Dane? Kung nakamamatay lang ang titig ay headshot na ako sa titig niya.
"Dark red and lipstick mo, Margot, hindi light."
'Tangina talagang Maggie na 'to ang epal.
"Maggie, kumalat na malamang. Ano gusto mo maging dark pa rin?" nakangiting sabi ni Margot.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...