FIFTEEN

7.5K 135 8
                                    

=JACE ENRILE=

"Blaze baka pwedeng bilisan mo ng konti para mahabol natin si Margot." Nag-aalala kong paki-usap.

"Kung bibilisan natin 'to ay baka hindi natin siya mapansin."

Anak ng...nasaan na ba kasi ang isang 'yon? Bakit ba kasi hindi siya kumalma alam naman niyang hindi siya nag-iisa.

"Nag-aalala ka ba kay Margot at Umami o kay Umami lang?"

"Gago ka ba? Syempre sa kanilang dalawa."

'Tangina, asawa't anak ko yon tapos gusto niya isa lang ang aalalahanin ko.

"Slow ka kasi putangina mo."

"Blaze, kung sisisihin mo ako pwede ba 'wag ngayon? Alam niyo na pala na nandoon si Margot hindi niyo sinabi sa akin kaagad. O batiin man lang siya ng diretso para alam kong nandoon siya."

"Kasalanan ba namin na slow ka? Pinipigilan ka na nga namin magsalita, kuda ka pa rin ng kuda."

"Tini-trigger ako ng asawa mo eh."

"Pinatulan mo rin kasi. Alam mo naman na ginagago ka lang. And please don't blame us for your stupidity. Blame your slow mind for not working properly."

"Ayos, ah!"

"Totoo kasi. Slow ka na, tanga ka pa. Lakas mo mangabit, slow ka naman."

"Ulitin mo pa nang ulitin."

"'Wag ka na magalit, slow ka naman talaga."

"Kuta ka na sa akin, Blaze."

Hindi siya sumagot at muling tumingin-tingin sa kalsada. 'Nasaan ka na ba kasi, Margot?'

"Matagal ng alam ni Margot ang tungkol sa inyo ni Brianna. Pero dahil slow ka, wala kang alam."

"Ano?" Napatingin ako kay Blaze dahil sa sinabi niya.

"Uulitin ko pa para mapanindigan mo pagiging slow mo?"

"Umayos ka nga Blaze. Nahahawa ka na sa baliw mong asawa."

"Alam mo, Jace, hindi kita masasapak dahil kaibigan kita pero ipaalala ko lang sa'yo kahit matagal na ang sinabi ni Dylan. 'Isang tawag tawag mo pang baliw kay Maggie ay iiyakan ka ng magulang mo habangbuhay.' Nakarami ka at binibilang ko iyon at pwede ko tawagin si Dylan, anytime."

"Tanginang 'to."

"Pero gaya nga ng sabi ko, matagal ng alam ni Margot ang tungkol sa inyo ni Brianna. Sabi ni Maggie bago mo pa siya pinakialalang kliyente kuno ay nakita na ni Margot na naghalikan kayo sa restaurant. Akala nila babae mo lang pero pina-imbestagahan siya ni Margot at nalaman nila na siya ang ex mo na tinakasan mo sa kasal."

"Ano?"

"Anong ano? Puro ka ano. Wala ka pa rin naintindihan sa sinabi ko?"

"Naintindihan ko. Nagulat lang ako."

"Alam na rin naming lahat na alam na ni Margot ang lahat, pero hindi namin sinasabi sa 'yo, para madala ka sa pagiging cheater mo."

"'Tangina niyo. Hindi niyo man lang sinabi sa akin?"

"Bakit namin sasabihin sa'yo? Ikaw may gusto niyan. Isa pa, harap-harapan ka nang wina-warning-an nina Maggie at Margot pero pinapairal mo pa rin pagiging slow mo."

Napasandal ako sa upuan. Mas lalo akong kinakabahan dahil sa sinabi ni Blaze at hindi ko alam kung bakit. Akala ko nakapaglihiman ko siya, ako pala napaikot niya sa pag-aakalang nakalusot ako sa kalokohan ko.

"'Yong mga ginagawa ni Maggie is to warn you that Margot already knew everything. Doon pa lang sa kasal mo, 'yong lipstick, alam na namin lahat na kay Brianna 'yon pero dahil mahal ka ng asawa mo at ayaw ka mapahiya ay pinagtakpan ka na lang sa pag-amin na kanya 'yon. Kahit alam niyang hindi kanya 'yon. Kaya kung akala ko naloko mo ang asawa mo, slow ka nga talaga."

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon