THIRTEEN

7K 133 13
                                    


Kinapa ko ang kama pero wala na si Brianna. Napatingin ako sa wall clock at nakitang halos alas-tres na nang madaling araw. Bumangon ako para hanapin siya.

"Bree?" Pero walang sumagot. "Bree?" Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Halos nalibot ko na ang buong bahay pero wala si Brianna. Bumalik ako sa loob para kunin ang cellphone nang makita ko ang sulat sa ilalim ng cellphone. Kinuha ko iyon at agad na binasa.

'Jace, mahal na mahal kita pero hindi tama ang ginagawa natin. Ayokong masira ang pamilya mo kaya ako na ang lalayo. Malayong-malayo para hindi mo ako masundan. Habang nasa paligid lang kita, hindi ko kayang mawala ka. Nagkakasala lang tayo pareho. Patawad pero ayoko na. Binenta ko na rin ang bahay na ito para wala na akong uuwian dito.'

Putangina! Bakit siya nagdesisyon ng ganito? Bakit niya ako iniwan? Putangina, may kinalaman ba si Maggie dito?

Tinawagan ko ang numero ni Brianna pero cannot be reach na. Kinuha ko ang susi para umuwi dahil wala na akong mapapala dito.

Naabutan si Margot sa sala na natutulog pero hindi ko na siya pinansin. Kumuha lang ako ng kumot at kinumutan siya pero nagising siya.

"Jace, kanina ka pa? Gusto mo kumain?"

"Lumipat ka na sa kwarto."

"May problema ka ba?" tanong niya.

'Ganoon ba ka-obvious sa hitsura ko na naiinis ako?'

"Wala."

"Jace..."

"Wala nga akong problema. Pumasok ka na sa kwarto." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nauna na akong pumasok.

Naiinis ako. Putangina. Nilayasan ako ni Brianna. Pinapunta lang ba niya ako roon para layasan pagkatapos? Akala ko ok kami. Akala ko naiintindihan niya. Malapit na manganak si Margot at usapan namin magpa-file ako ng annulment.

Pero kaya ko ba talaga mag-file ng annulment?

Pumasok si Margot at humiga sa tabi ko. Kinuha ang kamay ko at nilagay sa tiyan niya. Aminado akong napakalma ako kahit paano kaya hinalikan ko ang tiyan niya.

"Goodnight, Umami, wala muna twinkle twinkle ngayon dahil pagod si daddy." Muli kong hinalikan ang tiyan niya at tumagilid na ako.

"Goodnight, Jace."

"Goodnight, Margot."

Tinulog ko na lang ang sama ng loob ko. Kahit magwala ako ay hindi ko mahahanap si Brianna at mas lalong hindi siya magpapakita sa akin. Mapapatay ko talaga 'to si Maggie.

WALA akong ganang pumasok. Hindi ko na rin hinintay na magising si Margot kaya hindi ako nakapag-paalam kay Umami at hindi ko pa siya nakantahan ng good morning dahil badtrip talaga ako sa pagkawala ni Brianna. Halos lahat na ng kakilala ni Brianna ay natanong ko na pero iisa lang ang sagot...wala silang alam kung nasaan siya.

"Bakit ganyan mukha mo, Jace?" Blaze asked kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasalanan ng asawa mong baliw."

"Wait, anong ginawa ni Maggie?"

"Bakit hindi mo tanungin? Asawa mo yon 'di ba?"

"Jace, you can tell us," Dane said.

"Umalis si Brianna, Dane, at hindi ko alam kung nasaan."

"Ow, natauhan, sucker. Good thing."

"Anong good thing pinagsasabi mo, Zeus? Iniwan ako, good thing?"

"Para makapag-focus ka sa pamilya mo, dude," Phonenix seconded.

"Wala kang alam, Phoenix."

Bakit ba nila ako pinagtutulungan? Alam ba nila ang pakiramdam na layasan ng babaeng nagawan mo na nga ng hindi maganda pero paulit-ulit mong nasasaktan.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon