EIGHT

5.6K 97 8
                                    

"Jace, which color do you prefer for the cake?"

Tiningnan ko ang limang cake na walang pinagkaiba ang kulay. "Ano'ng pagkakaiba ng kulay ng mga 'yan, Margot?"

"This is crimson, candy, scarlet, ruby, and rose."

"Margot, these are all red."

"Jace, sinabi ko na ang pagkakaiba."

"I see them all as red. No difference."

"Just choose,"

"Choose the one the same as your lipstick."

"It's chili red, not in the choices."

"Kahit ano na."

"Jace..."

"Tss, this." Turo ko sa hindi ko alam kung ano 'to. Basta red siya para sa akin.

"My boyfriend wants the ruby."

"Ok po, Ma'am."

Bakit ba ang komplikado ng choices ng mga babae sa mga bagay-bagay? Masyadong mabusisi pero iisa lang naman halos kung titingnan.

Dahil sa paparating na kasal ay naging busy kami. Though si Margot ang nag-aayos ay tinatanong niya pa rin ako sa mga gusto ko. Ayoko rin siya ma-stress dahil buntis siya kaya kahit paano ay tinutulungan ko siya. Ayokong lumabas ang anak kong mukhang laging pagod dahil pinaglihi siya ng nanay niya sa pagod.

"Jace, which design is the best for the invitation?" Tiningnan ko ang invitation na halos wala rin pinagkaiba.

"Anong pinagkaiba?"

"C'mon, Jace. This one is vertical, when you pull the man the woman will come down to him. This one is horizontal, when you pull the man the woman will come closer."

Anak ng...pahaba at pahalang lang pala pagkakaiba. Pinahirapan niya pa kami pareho.

"Kahit alin na riyan, Margot."

"Jace..."

"Wala pinagkaiba. 'Pag hinila mo ang lalaki magkakalapit sila ng babae."

"How about this?" Hawak niya ang isang pa-square.

"'Yong pahalang, 'yong pahalang na, Margot, at wag ka na mag-isip ng kung anu-ano."

"Ok, the design is ok for you?"

"Oo, ok na ok sa akin ang mga bulaklak na 'yan." Turo ko sa detalye ng invitation.

"That's not a flower. It's a leaf called foliage."

Anak ng...dahon pala 'yon? Mukha kasing bulaklak para sa akin.

"Oo 'yan, maganda 'yan polyej na 'yan."

Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya kaya napakunot ako. Ang sabi ni Mommy 'wag daw pasamain ang buntis lalo na kapag nasa first trimester dahil nakakasama sa nanay at sa baby. Dahil mapagmahal akong anak ay sumusunod ako sa utos ng nanay. Maliban sa wag mambabae.

'Sorry, Mommy.'

"What's wrong, Margot?"

"You're not excited about the wedding, right?"

"Sino may sabi?"

"Ako."

"Ikaw lang nagsabi noon. Baka ikaw ang hindi excited."

"Hinahayaan mo lang kasi ako sa kung ano ang gusto ko. Nagbibigay ka nga ng idea pero pilit naman at hindi ka masaya."

Am I that obvious? Ayaw ko naman talaga sa kasal na ito. Joke lang. Para kay Umami ito kaya hindi pwedeng hindi ako masaya.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon