THREE

6.6K 110 9
                                    

Napasipol ako nang dumaan ang isang seksing babae sa harap ko. Tumingin siya sa akin at kumindat saka naglakad papunta sa banyo. 'Anak ng...wasak ka sa akin sa banyo.' Ininom ko ang isang basong alak saka tumayo para sundan siya nang biglang mahagip ng mata ko si Margot na papasok ng BCC. 'Anak ng...ano na naman ang ginagawa niya dito?'

"Hi, I know you're here." Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Medyo tumaas ang boses ko dahil sa inis. Konti lang naman kasi nakita ko ang babae na may kasama ng lalaki. Ako dapat 'yon ee. Makaka-iskor na sana ako ngayong gabi ng ibang putahe.

"Galing ako sa BC adv, pero wala ka roon. I called your number but you did not answer my call."

"Hindi ko narinig dahil maingay dito." Hindi siya sumagot pero nakita kong medyo nalungkot ang mukha niya.

'O' sige konsensya, magparty ka pa sa sistema ko 'tangina mo.'

"Kumain ka na ba?" tanong ko. Umiling siya saka pilit na ngumiti.

"Hindi pa. Kaya nga kita hinanap para sana yayain kang kumain."

"Wait for me her, and I'll take my car key." Pumunta ako sa opisina at nagbilin sa empleyado na aalis. Parating na rin naman si Zeus maya-maya kaya ok lang na umalis ako.

Dinala ko si Margot sa pinakamalapit na restaurant para doon na kami mag dinner. Kung tutuusin wala akong masabi sa kabaitan ni Margot. Malayong-malayo sa baliw niyang kapatid. Simple lang si Margot pero may class parang si Dane. Mahinhin magsalita, pati kilos, malambing din. Ang ayaw ko lang sa kanya ay masyadong ma-drama. I mean, sumobra sa bait. Kung anong kinatapang ng kapatid niya at palaban ay sobrang baliktad niya. Mabilis pa umiyak.

We have this one encountered na magkasama kami namili at biglang siyang siningitan sa counter habang ako hinihintay siyang matapos. I confronted the man na hindi masamang sumingit kung magpaalam siya. Pero imbes na mag apologise ang gago ay nagalit pa. Sasapakin ko na sana pero pinigilan ako ni Margot at siya pa ang nag-apologise sa lalaki. Like what the hell...siya ang siningitan pero siya ang nanghingi ng apology.

Mayroon pa, naglalakad kami sa park at may mga babaeng naghagis ng tubig sa kanya. I asked the woman to apologise on her pero siya ang pumigil sa akin at sinabing it was an accident. Accident ang putangina eh halata naman naiingit ang baboy na 'yon sa katawan niya. Minsan hindi ko alam kung ikatutuwa ko ang pagiging mabait niya o ikakainis.

"Jace, you didn't eat." Tumingin ako sa pinggan ko na halos hindi nabawasan. Napalalim yata pag-iisip ko.

"Ah! Busog pa kasi ako. Sige na kumain ka na."

As of now, ay ok kami ni Margot. Masaya rin naman siyang kasama kahit paano. She claimed that she's my girlfriend kaya pinandigan ko na. Single naman ako kaya ayos lang. Gusto ko rin subukan na buksan ang puso ko para sa kanya.

Maraming beses na rin may nangyayari sa amin. Lalaki ako at may pangangailangan sa katawan and since I am her first at alam kong nagising ko na rin ang pangangailangan niya ay inulit na rin namin nang inulit. But I have side chicks kung may pagkakataon. Iba pa rin kapag magaling ang kasama mo at game sa kahit anong rambulan sa kama. Unlike, Margot na medyo may pagka-lame at pagka-conservative. Maraming ayaw na position. Rephrase, iisa lang ang posisyon na gusto.

Ayokong magreklamo, kasi, pakiramdam ko ok naman ang ganoon. Parang naparamdam ko na espesyal siya which is may konting katotohanan naman. Iba pa rin kasi kapag romantic sex. Dane suggested na walang masama kung subukan ko ang sarili ko na magkagusto sa kanya. Try lang. At 'yon ang ginagawa ko ngayon.

"Margot, cr lang ako," paalam ko saka tumayo. Nagbawas lang ako ng tubig sa katawan at nagpa-guapo kahit alam kung guapo na ako. Nang masigurong hindi nabawasan ang kaguapuhan ko, bagkus ay nadagdagan pa ay lumabas na ako.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon