"Iiyak ka na lang ba diyan magdamag? Kasi kung oo, aalis na ako dahil wala akong planong saksihan 'yang kahinaan mo."
Napaangat ako ng tingin kay Dylan. Akala ko umalis na siya matapos sabihin sa akin ang totoo tungkol sa anak ko.
"Ano, wala kang gagawin at magmukmok ka na naman? Tangina! Ano ka, pinaglihi sa kalungkutan at lagi na lang nagmumukmok?" tanong niya.
"Gusto ko makita ang anak ko," Bigla akong nabuhayan ng loob at hindi ko alam kong bakit. "Kung totoong buhay siya ay gusto ko siyang makita."
"Wise decision, tumayo ka na diyan at ihahatid kita."
"No, kaya ko na. Salamat sa tulong pero kaya kong harapin ang asawa ko para makita ang anak ko," sabi ko at tumayo.
"Banned ka pa sa subdivision. Sa opisina lang hindi. Kaya wag ka na mahiya. Ako lang 'to si Dylan Damon Dy na handang tumulong sa mga nangangailangan at maasahan sa oras ng kagipitan."
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Hindi ko alam kung ano'ng trip niya sa buhay at bakit niya ako tinutulungan. Hindi naman kami magkaibigan pero napakalaki ng binigay niyang impormasyon sa akin.
"Paulit-ulit? Fan nga ako ng happy-ending." Saka niya binitbit ang bote at naglakad. "I'll wait for you outside. Bilisan mo at mainipin ako. Kapag hindi ka pa lumabas ay aalis na ako. Ikaw rin, hindi mo makikita ang anak mo." At nauna na siyang lumabas.
Inayos ko ang sarili ko at sumunod sa kanya.
Habang nasa daan ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ang malinaw lang sa akin ay gusto kong umiyak nang umiyak. Excited akong mayakap ang anak ko at mahalikan. Gusto ko siyang makita.
Hindi ko akalain na ganoon kalaki ang galit sa akin ni Margot at nagawa niyang itago sa akin ang anak ko. Naintindihan ko ang plano niyang paglayo, ang restriction, ang annulment, pero ang ipalabas na patay ang anak ko ay parang sobra naman yata. Kahit gago ako, anak ko pa rin 'yon. Ako pa rin ang ama at tinayuan ko iyon. Kung may problema kami hindi niya dinamay ang anak ko.
Naging masama siguro akong asawa dahil nangaliwa ako. Pero hindi ako naging masamang ama dahil kahit kailan hindi ko pinabayaan si Umami kahit nasa tiyan pa lang siya noon at mahal na mahal ko siya.
Hindi nga ba? Hindi na nga ba matatawag na pagpapabaya ang ginawa ko kung nasaktan ko pala ng palihim ang ina niya dahil sa akin. Pero kahit na, hindi pa rin sapat na dahilan yon para itago niya ang anak ko sa akin. Anak ko 'yon, kaya may karapatan ako kay Umami. Hindi siya mabubuo kung hindi dahil sa akin at hindi ko siya pinabayaan.
Hindi ba niya naisip kong anong klaseng pagluluksa ang pinagdaanan ko sa pag-aakalang nawala ang anak ko dahil sa akin? Sa pag-aakalang ako mismo ang pumatay sa kanya dahil pinili ko ang ina niya. Alam ba niya kung gaano 'yon kabigat para sa akin?
Ngayon nila sabihin na naintindihan nila ako? Ngayon nila sabihin na ako ang immature sa nangyayari ngayon? Feelings lang ni Margot ang importante sa kanila at sa akin ay hindi. Kay Margot lang sila nakisimpatya sa akin ay hindi.
'Umami ko, parating na si daddy, anak, at mayayakap na kita.'
"Salamat, Dylan." Wala sa loob kong sabi pero siguro dahil iyon talaga ang nasa puso ko ngayon.
"Saan?"
"Sa pagsabi sa akin ng totoo. Sigurado ako na alam ng mga kaibigan ko ang totoo pero isa rin sila sa mga nagtago sa akin. Kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ko malalaman. Ayokong magdiwang agad dahil hindi ako sigurado. Pero. . .pero parang tama lahat ng sinabi mo. At baka nga tama kayong lahat, slow ako kaya hindi ko agad nalaman ang totoo."
![](https://img.wattpad.com/cover/289509827-288-k752405.jpg)
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...