"Ano pala binulong ni Maggie sa'yo kanina bago sila umalis?" Galing kasi dito sina Blaze at Maggie para dito mananghalian. Inimbitahan niya ang kapatid at pinagluto.
"Wala. Kalokohan lang ni Maggie. Alam mo naman 'yon, ang daming kalokohan na alam."
"Ah..."
Nakahiga kami ngayon para matulog. Nakaunan siya sa akin habang hinahaplos ko ang buhok niya. Until now, I hindi pa rin ako makapaniwala na buo na ang pamilya ko. Ang dating pangarap ko ay naibigay na sa akin. Akala ko habang buhay nang magiging drawing pangarap kong makasama ang asawa't anak ko. Ang pamilyang gusto ko.
"Jace..."
"Hmp?"
"Ahmp, ano kasi, ah..."
Inangat ko ang ulo ni Margot para salubungin ang tingin niya. Mukha kasing mayroon siyang gustong sabihin pero hindi niya matuloy.
Ok na ang paa niya at magaling na ang sugat. Nag-iwan nga lang ito ng peklat pero mabuti na lang at hindi ganoon kalaki. Pero para sa akin ay iyon ang pinakamagandang tanawin. Dahil alaala iyon na nilagay niya sa panganib ang buhay niya para iligtas ako. At habang buhay ko 'yong pasasalamatan.
"May gusto ka ba sabihin?"
"Ano kasi...isang buwan na rin mahigit simula nang magbalikan tayo pero..."
"Pero?"
"We never had sex."
Sinubsob niya ang ulo niya sa kili-kili ko na parang nahihiya. Bigla tuloy akong tinigasan sa sinabi niya. Ang kaso wala akong magawa para pasahayin siya.
"Sorry, Margot, ha. Kung alam mo lang na gustong-gusto ko ng maangkin ka. Kaso hindi pa ganoon kalakas ang paa ko."
Nagagalaw ko na ang paa ko. Nakakahakbang na rin ako pero hindi pa ganoon kaayos. Baka bumagsak lang ako sa ibabaw niya.
"I can do it."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napalunok ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Nanatili siyang nakasubsob kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa kilikili ko.
"A-ano'ng sinasabi mo?" Kinakabahan kong tanong, or let say excited.
"I can try. We can try another position, and since you can't move, I-I can do the...c-cowgirl position. The woman on top."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko na maghubad agad-agad at sabihin na pumatong na siya sa akin.
"P-pero 'di ba ayaw mo ng ganoon?"
Anak ng...sana 'wag magbago isip niya dahil sa sinabi ko. Ayaw naman talaga niya ang nasa ibabaw pero sana go na go na siya at totoong siya ang magdadala.
Exciting! Shit!
'Umayos ka, Jace, at salubungin mo ng masarap na giling. Ipakita mong kahit pilantod ka pa ay kaya mong makipagsabayan.'
"I just want to try. After all, we're a couple, and we can try...escapade in sex. Something new, to spice up the bed."
Anak ng...shit! Isa pang shit.
"Ayaw mo ba, Jace?"
"Gustong-gusto," mabilis kong sagot. "Ikaw lang iniisip ko dahil ayaw mo noon."
"I will try."
Hinalikan ako ni Margot na ginantihan ko. Lagi naman kami naghahalikan pero smack lang kasi lagi. Pero this time ay torrid kiss na at putangina, lumikot bigla ang kamay ng asawa ko. Ginapang ko rin ang kamay ko sa katawan niya para fair. Parang mas mainit pa ang haplos niya kaysa sa haplos ko. Nakakakiliti ang paggapang niya ng katawan niya.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...