FORTY ( FINALE )

7.5K 134 11
                                    

"Cheers para sa Brother's Code!" sabay-sabay naming sigaw at isa-isang itinaas ang baso na hawak namin. Magkakasama kami ngayon dito sa BCC at pati si Dane ay nandito. Magaling na ang paa ko at maayos na akong nakakalakad.

"Ilang buwan na lang may baby na ulit tayo sa BC. Kayong dalawa, sino sa inyo ang susunod?" tanong ni Phoenix kina Zeus at Dane.

"I think si Dane muna kasi siya ang matanda na."

"Gago ka, Zeus. Makamatanda ka, akala mo nakasaklay na ako."

"Ikaw muna, Zeus, para lahat tayong mga lalaki muna bago si Dane," suhestyon ni Blaze.

"Sige Blaze, pag sinundan niyo na si Joker, deal ako."

"Gago, after ten years pa nga 'di ba? Sabi ni Maggie. Nadala sa sakit nang manganak kay Joker."

"Eh 'di after ten years na rin ako. Pwede rin kami magsabay ni Dane kung papayag siya." Saka siya tumingin kay Dane.

"Let's see," nakangiting sabi ni Dane.

Sinandal ko ang likod ko sa sofa habang napangiti. Hindi ko akalain na mapagdadaanan ko ang ganoong klase ng problema namin ni Margot. Pero masaya ako dahil sa kabila ng lahat ay naging ok na kami. Naging leksyon sa akin na wag galitin ang asawa ko dahil mahirap pala siyang magalit. Kung hindi pa ako nalagay sa panganib ay hindi niya pa malalaman ang halaga ko sa buhay niya.

Tiningnan ko sila isa-isa habang kinakantyawan si Zeus. Hindi masama ang loob ko sa mga gagong ito kahit pinagtulungan nila ako. Alam kong kumikilos lang sila base sa nakikita nila sa akin. Pinapakita ko kasing immature ako at childish kaya iniisip nilang dapat ko muna ayusin ang sarili ko. Which is I agree. Pero ang masaklap, slow pa rin ako.

Isa pa, hindi ko kayang tiisin ang mga gago. Lumalangoy pa lang kami sa itlog ng mga tatay namin ang katawang lupa namin, nagba-bonding na kaluluwa namin sa kung saan kami galing. Sila ang kapatid at kaibigan ko mula noon hanggang ngayon at sa habang panahon. Hanggang sa kabilang-buhay.

"Aray!" Napaigtad ako nang may bumato sa akin. Si Blaze pala na binato ako ng tansan.

"Mamaya ka na mag-isip ng posisyon," kantyaw ng siraulo na akalain mong magiging bilas ko ang hayop na 'to.

"Gago!"

"Hey, sorry to disturb you." Napatingin kaming lahat kay Yara na nakatayo sa may pintuan. Nakita ko naman ang gulat sa mata ng dalawa at pati si Dane ay nagtaka kung sino siya. "Magpapaalam lang sana ako na aalis na. Natapos ko na kasi ang last song."

"Ow, ganoon ba? Halika, upo ka at samahan mo kami," alok ko pero narinig kong tumikhim si Zeus.

"Oh, no, thanks."

"I see. By the way, Yara, kilala mo pa ba sina Phoenix at Blaze?" dugtong ko.

"Oo naman, makakalimutan ko ba ang mga guapong kaibigan ni Zeus."

"Hi, Yara, nandito ka na rin pala sa Pilipinas."

"Yeah, matagal na, Blaze."

"Ah, Yara, si Dane, siya 'yong kinikwento sa'yo ni Zeus dati na only girl ng grupo," pakilala ko kay Dane.

Tumayo si Dane para makipagkamay kay Yara.

"Diana Dane Dy? Dylan's sister, right?" tanong ni Yara. Napatingin kami kay Zeus na nakakunot ang noo nang mabanggit nito ang pangalan ni Dylan.

"Do you know my brother?"

"Yeah, magkasama kami sa gym. Or should I say, he owns the gym."

"I see."

"By the way, gotta go. Nice to see you all and nice to meet you, Dane. Bye, Zeus."

Binigyan lang siya ni Zeus ng tango.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon