Pikit-bukas ang mata ko nang magising ako. Medyo nasilaw ako sa paligid at nilibot ang paningin para alamin kung nasaan ako dahil hindi pamilyar sa akin ang paligid. Medyo groggy pa ako at pilit sini-sink sa isip ko kung nasaan ako at ano'ng nangyari sa akin.
"Gising na ang putangina. Masamang damo nga at sayang hindi natuluyan." Parang pamilyar sa akin ang boses ng babaeng baliw na 'to.
"Love..."
"Joke lang, love. Akala ko kasi tatawag na ako ng morgue."
"Love..."
Napatingin ako sa dalawang bultong nag-uusap. Nakita ko sina Maggie at Blaze na nakaupo sa sofa. Tumayo si Blaze at lumapit sa higaan ko. Sumunod din sa kanya si Maggie.
"Hey, mabuti at gising ka na, man. Do you remember what happened to you?" Hinawakan ko ang ulo ko at pilit ina-alala ang nangyari. Napansin ko rin na may dextrose ako sa kamay. Naalala ko na, bumangga sa likod ko ang dumptruck dahil may iniwasan akong bus.
"Oo," mahina kong sagot at bumuntonghininga.
"Dalawang araw kang walang malay. Pero ang sabi ng doctor ay dahil sa gamot. Mabuti na lang at nagising ka na. Ano ba'ng nangyari?"
"Hindi ko napansin ang bus at pilit na iniwasan. Ang kasunod ko ang nakabunggo sa akin. Iyon ang naalala ko bago ako mawalan ng malay."
Medyo ok na rin ang pakiramdam ko hindi na ako ganoon kahilo kagaya kanina.
"Wala ka kasi sa sarili mo magmaneho," paninisi ni Maggie.
"Iniisip ko kasi si Margot. Iniisip ko kung ano'ng nangyari sa kanya. Para kasing may nararamdamam siyang kakaiba kaya siya ganoon. Kumusta na siya? Dinalaw ba niya ako?" tanong ko.
"Hindi siya dumalaw dahil busy siya sa trabaho at kay Umami. And sorry to say this that she did not ask about you," sagot ni Maggie.
Hinawakan ni Blaze ang balikat ko na parang sinasabi na 'ok lang yan.'
Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa akin? Hindi man lang niya ako nagawang bisitahin para kumustahin. O kahit ipagtanong man lang kung kumusta ako. Ang tindi nga talaga ng galit niya sa akin at kahit nasa panganib ako ay wala pa rin siyang pakialam sa akin.
"Galing dito sina Phoenix at Hailey kanina at kaalis lang bago ka magising. Sina Dane at Zeus naman magkasama kagabi. Ano'ng nararamdaman mo? Tatawag ba ako ng doktor?"
"Blaze," tawag ko sa kanya nang may mapansin ako.
"O?" Putangina! Hindi pwede. "What happened, man?" Nagtataka niyang tanong at pati si Maggie ay naghihintay din sagot ko habang parehong nasa tabi ng kama.
"Hoy, ano ba problema mo? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo nga at naiinis na akong maghintay na ibuka mo 'yang bibig mo," inis na tanong ni Maggie. "Tatawag na ba kami ng doctor?"
"Jace, are you ok, man?"
"Blaze, hindi ko maigalaw ang paa ko."
Putangina, ayaw talaga kumilos na paa ko. Kanina ko pa siya gusto igalaw pero ayaw. Pinipilit ko talaga pero ayaw pa rin.
"Huh?" tanong ni Blaze at pati si Maggie ay nakakunot din ang noo.
"Gago, 'wag ka magbiro ng ganyan. Buo yang paa mo oh!" Nakita kong sinuntok ni Maggie ang paa ko at nakita ko rin na nagulat siya. Dahil may kalakasan ang suntok niya pero hindi ako nasaktan o nagreact. "Gago, wag ka nga magbiro ng ganyan. Walang kukuha kay Umami sa bahay. Ang tanga nito."
"'Tangina." Pilit kong ginagalaw ang paa ko pero bakit ayaw. "Tangina! hindi pwede. Gumalaw kayo!"
"Jace, Jace, relax, wag ka mag-panic, man. Love, can you please call the doctor?"
![](https://img.wattpad.com/cover/289509827-288-k752405.jpg)
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...