"Margot, saan nakalagay ang necktie ko?" Isa talaga sa mga problema ko ay ang hirap na hirap akong maghanap ng gamit ko.
"Nasa drawer mo. Pakitingnan na lang diyan at aasikasuhin ko lang si Juicy saglit!"
Saan kayang drawer iyon? Eh, nasa harap ako ng maraming drawer.
Tiningnan ko ang mga drawer at napapakamot sa ulo.
Ang daming drawer nito. Alin kayang drawer ang para sa necktie? Isa-isahin ko na nga lang.
Isa-isa kong binuksan ang mga maliit na drawer. May para sa panyo, may para sa mga brief at boxer, may para sa...oy...bra at panty ng asawa ko. Ang seseksi.
"Junjun, behave at bawal pa. Delikado, baka masundan si Juicy."
Binuksan ko ang isang drawer sa pinakababa dahil iyon na lang ang natira pero hindi tie ang laman kundi mga gamit ni Margot. Parang mga luma na. Napansin ko ang isang album kaya kinuha ko 'yon. Isang itong year book. Parehong eskwelahan na pinapasukan ni Dane.
'Mag school meet pala sila si Margot.'
Binuksan ko ang album para tingnan. Wala lang, curious lang ako dahil makikita ko ang hitsura ng asawa ko noong highschool pa siya. Siguro maganda na siya noon pa. Pero anong section kaya siya?
Tiningnan ko lang ang mga mukha ng mga nandito. Tingin, lipat, tingin lipat. Hindi ko na binabasa kung sino sila at kung ano ang mga goals at motto nila. Hanggang sa makita ko ang mukha ni Dylan.
Magkabatch-mate pala sila ni Margot? Naka-graduate pala ang gagong inang yon?
Infairness. Wala talagang hustisya ang isang Dy, gaya ng mokong na ito na highschool pa lang guapo na ang putangina.
Motto: Take a rest, but don't quit.
Goal: To make my loved one happy and proud of me.
Naks! Matino pala ang isang ito noon.
Sayings: Life is simple. But, we make it complicated by searching for what we don't have.
Quotes: Love never dies. Love never gets old. Love has no face. Love is for everyone.
Lalim ng mga 'to ah! May hugot ba sa buhay ang gagong 'yon?
Message to your inspiration: I wish you were here with me, and witnessed the happiest day of my life. To my family, thank you for everything, and I promise to make all of you proud.
Hanep sa mensahe ang isang to.
Nilipat ko ang page hanggang sa makarating ako sa mga babae. Letter A, Letter B, Letter C, Letter D. Ow, ang gaganda ng mga babae sa letter D. Paglipat ko sa kabilang side ay nagulat ako dahil nakita ko ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Kaklase niya si Dylan?
Hindi ako maaaring magkamali dahil siya nga 'yon. Ito nga . . . siya nga 'yon? Ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Tangna! Hindi na ako magtataksil kay Margot. Mahal ko ang asawa ko pero . . . kumusta na kaya itong babaeng 'to ngayon? Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Naalala pa kaya niya ako?
Behave self! Maging masaya na lang tayo at hilingin na sana masaya na rin siya.
NASA labas ako ng eskwelahan ni Dane para hintayin siya. Ang sabi kasi ni Zeus ay sunduin ko siya para dalhin sa kanila. Naiwan kasi silang tatlo dahil mag-aayos daw sila ng headquartes namin na nasa bakuran nila Zeus.
Nagbakasyon kami para makasama ang pamilya namin sa pasko. At kapag nandito kami sa Pinas ay lagi namin pinupuntahan si Dane para makasama. Unica hija ng grupo, eh, kaya espesyal. Last year na ni Dane ng senior high. Next year ay makakasama na namin siya dahil sa USA na rin siya mag-aaral ng kolehiyo.
BINABASA MO ANG
Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted Wife
RomanceWarning R18+ Brother's Code Series 3 Jace doesn't love Margot. Natukso siya, at nagbunga pa ito, kaya wala siyang choice kundi magpakasal. Margot does everything for Jace. Handa siyang isakripisyo ang lahat para sa asawa at sa kanilang magiging anak...