" Dra.."
Agad akong nagising sa boses ng lalaking nakaupo na sa kaniyang kama. Inayos ko ang aking uniporme at saka ako ngumiti bago tumayo.
" Yes, Mr. Clay?" Tanong ko dito. Tumawa naman siya nang makita ang itsura ko. Tumalikod ako para ayusin at tignan ang aking itsura sa whole body mirror na narito. Wala namang hindi maayos sa aking uniporme o sa akong itsura.
Binalik ko ang tingin sa kaniya. At saka ko siya sinamaan ng tingin.
" Ganoon ka na ba kapagod na alagaan ako? I caught you sleeping in there. Are you okay?" Nangunot ang aking noo sa sinabi niya. Umangat naman ang gilid ng aking labi. Yumuko ako nang bahagya sa kaniya.
" I'm really sorry, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, nakakapanibago kasi, ang laki ng kwarto ko at saka sobrang lamig." Sambit ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa akin, ako naman ay inayos nalang ang dextrose niya para hindi na magtama pa ang mga mata namin.
Tinitignan niya ang bawat galaw ko, ako naman ay napapailing nalang.
Nakakahiya.
" If you are not comfortable, you can go home. But, your house is too far from mine, so, it's your choice." Napalunok ako. Tinignan ko ang kwarto niya, at inaalala din ang mga dinaanan namin para makapunta dito sa mansiyon niya.
Bumusangot ako.
" Hmm, okay. Dito nalang siguro ako. At saka ilang araw nalang naman ay magaling ka na-"
" I have a favor, Dra. Can you do it? I'll double your pay." Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya. Napalunok ako. Isang milyon na nga ang ibibigay niya, tapos sa dodoblehin niya, edi, dalawang milyon?!
Dalawang milyon?!
" Mr. Clay, what is your favor? I mean, dapat iyong magagawa ko lang, hindi ko pinapahirapan ang sarili ko-"
" Hindi mo pinapahirapan? Pero nagoopera ka, so, nahihirapan ka pa rin-" Agad ko siyang pinutol sa sinabi niya.
" I know. Minsan lang naman ako nagoopera, ikaw ang panghuli ko. Kaya medyo nakakapag pahinga ako. Okay, tell me your favor, Mr. Clay." Tanong ko dito. Umayos siya ng kaniyang upo, at saka siya may kinuha sa lamesang nasa tabi niya.
Iniabot niya iyon sa akin, kaya naman kinuha ko ito agad. Binuksan ko ang laman ng kulay itim na envelope.
" I want you to pretend, be my wife. Iyon lang ang gagawin mo. I will double or triple your pay for that." Nanlaki ang mata ko habang tinitignan ang papel. May kasunduan pa, kailangan kong pirmahan ang kasulatan?
Agad kong tinapon sa tabi niya ang papeles. Umiling ako kaagad.
" Ni wala nga akong balak mag asawa, bakit ako pa ang naisip mong alukin niyan?" Tanong ko dito. Hindi siya umimik. Tinignan niya lang ang kaniyang kamay at ang envelope na ibinato ko kanina.
Pinagsalikop ko ang mga braso ko.
" You are qualified. Dra.-"
" Paanong qualified?" Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata ko, at saka siya nagsalita.
" You have a stable job. You are tall, beautiful, kind, smart, and I bet you are rich, and also, you're sexy." Inayos ko ang aking buhok. Bakit ako pa? Iyon ba ang dahilan para sasayangin niya ang pera niya? Dahil gusto niya ng asawa? Magiging asawa?
Napamura ako.
" Alam kong sexy ako, at tama lahat ng sinabi mo. Pero kung gusto mo din lang naman ng magiging asawa, pakasalan mo nalang ang taong mahal mo, hindi mo naman ako mahal, at ngayon lang tayo nagkakilala, kaya bakit ako pa ang pipiliin mo para gawin iyan?" Mahabang litanya ko sa kaniya. Hinawakan niya naman ang kaniyang sentido, bago umiling iling.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...