Chapter 21

37 24 0
                                    

" Uriah! Akala ko hindi ka darating!"

Ilang buwan simula nang maghiwalay kami ni Clay, narito ako naman ako muli sa binyag ng anak nina Cassidy at Hayes. Aattend pa rin naman ako kahit na wala na kami, depende nalang kung ayaw nila sa akin. May invitation din kasi ako mula kay Cass, kaya hindi pwedeng wala ako dito.

" Hindi naman kita bibiguin, Cassidy, tinawagan din ako ni Hayes noong isang araw, sinabi ko talaga na aattend ako." Tinignan niya ang suot kong dress. Kulay puti ito na may slit at kita din nang bahagya ang likod ko. Niyakap niya naman ako.

" Salamat, Uriah."

Pinaupo nila ako sa pangalawang row ng mga upuan, sa unahan kasi ay ang mga Lascaux, naroon nga sina Mama, ang Lola at Mama ni Clay. Si Clay, wala naman, hindi ko alam kung narito siya, o baka wala talaga. Baka hindi ko lang napansin. Nagsimula ang seremonya, hanggang sa natapos. Mabilisan lang naman ang binyag, kaya natapos kaagad.

" Ninang Uriah! Miss ka na ni Amora!" Lumapit sa akin si Cassidy nang matapos ang binyag, nahihiya din naman akong lumapit, ayoko din kasing magpakita sa Mama nila. Kahit na anong takas ko, wala ata akong kawala.

" Wow, nice name, Amora! Ang ganda ng pangalan niya, Cassidy."

Natigil ang lahat, at saka sila tumingin sa pintuan. Hindi naman ako agad lumingon dahil nilalaro ko si Amora. Halos lahat ng tao ay nakalingon sa pintuan, at hindi ko alam kung bakit.

" Uriah.." Dahan dahan akong tumingin kay Cassidy nang marinig ko ang sinabi niya.

Napalunok ako habang dahan dahan kong tinitignan ang pintuan, agad na nagtama ang mata namin ni Clay na siya palang naglalakad papasok sa simbahan, naka tuxedo siyang damit at wala siyang kasama, sumalubong sa kaniya ang Mama at Lola niya. Pinutol ko ang tinginan namin nang magsalita si Cassidy.

" Cassidy, saan pala ito after?" Tanong ko dito.

" Sa bahay namin, Cass. Kung hindi mo alam ipapa ayos ko nalang yung waze mo kay Clay or kay Hayes." Tumango din ako sa sinabi niya. Nilaro ko pa nang kaunti si Amora, at nang nagsalita na si Hayes sa Mic na diretso na lahat ng bisita sa bahay nila Cass, tumayo na din ako at kinuha ang bag ko.

May sasakyan naman akong dala, kaya mabuting ayusin nalang ang waze ko. Hinanap ng mata ko si Cassidy. Pero, ang Mama at Lola ni Clay ang nakita ko.

" Uriah? Gaano ka na katagal dito sa simbahan? Bakit hindi mo kami pinuntahan at nagpakita, Anak?" Napangiti ako sa huling sinabi ng Mama ni Clay. Kahit pala wala na ako sa kanila, anak parin ang turing nila sa akin.

" Nahihiya po kasi akong magpakita, Ma." Niyakap niya ako. Yumakap naman ako pabalik.

" Nako, huwag kang mahihiya sa amin. Napamahal ka na sa amin, ang Lola  nga ni Clay, lagi kang hinahanap sa bahay-"

" Uriah, anak. Kita tayo sa bahay ha? Huwag ka munang aalis, may ibibigay ako sa iyo." Singit ng Lola ni Clay, niyakap niya ako. Ngumiti naman ako matapos kong yumakap pabalik.

" Sige po, Ma."

Tatlo nalang kami nila Cassidy sa simbahan, sabay sabay na din kaming lumabas. Hinanda na ni Hayes ang kotse nilang mag asawa, buhat naman ni Cassidy si Amora. Tulog na.

" Uriah, hintayin mo si Clay, aayusin niya yung waze mo, ayos lang ba kung mauna na kami?" Agad akong napalunok, siguro naman kaya ko na siyang kausapin?

Tumango nalang ako. Kaya ko ito.

" Yeah, sure. Ingat sa pagdrive, Hayes."

" Ikaw din, Uriah. See you there!"

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now