" Good morning.."
Nagising ako sa bati ni Clay sa akin. Agad ko siyang nilingon. Tumawa siya nang makita ang hitsura ko. Tinapik ko naman ang kaniyang dibdib dahil doon.
Nahihiya kong tinakpan ang aking mukha.
" What's the matter? You look beautiful, come on.." Pilit niyang tinatanggal ang aking kamay sa mukha. Hinayaan ko naman siyang gawin iyon. Ngumiti ako nang hinalikan niya ang aking labi.
Inayos niya ang kumot na nakatapis sa akin, wala pa akong saplot hanggang ngayon.
" Clay, what are your plans? Paano si Yara? Kailangan natin siyang bisitahin mamaya." Pagpapaalala ko sa kaniya. Mabuti na nga lang at naagapan agad ang bala, at natanggal kaagad, mababa na kasi talaga ang heartbeat niya noong isang araw, kaya maging ako ay kabado.
Hinawi ni Clay ang mga buhok na nakatabing sa mukha ko.
" Yeah, I will never forget her. You should take a shower first." Pang aasar niya. Agad naman akong bumusangot sa sinabi niya.
Tumayo na si Clay, nagbihis siya at naghandang bumaba. Baka magluluto siya ng pagkain naming dalawa.
" Yeah, I should take a bath. Susunod na ako sa ibaba."
Nang matapos akong makaligo at nagpalit na ako ng aking damit. Nag dress ako, at nag heels. Wallet nalang muna ang dadalhin ko at saka ang telepono ko, sa Hospital at Building lang naman kami ni Clay ngayon, alam naman ni Ashton ang nangyari kahapon, kaya baka hindi niya ako aasahan na papasok ngayon.
" Hello?" Sinagot ko ang tawag ni Ashton.
" Uriah, hinahanap kayo ng Sekretarya mo, nandito yung pamilya nila at gusto kayong kausaping dalawa ni Clay, sinabi ko na bibisita kayo dito." Paliwanag niya. Nag bihis na ako ng mabilisan, baka nagagalit sila sa amin?
Huwag naman sana.
" Oo, tutuloy talaga kami diyan, naghahanda na kami ni Clay." Sabi ko sa kaniya. Dinig ko ang mga tao sa paligid niya.
" Kamusta si Clay? Yung sugat niya hindi naman malalim, sanay na yan sa bugbog, kaya naging ganyan ang mukha." Tumawa ako sa sinabi ni Ashton.
Dahil sa bugbog, naging ganoon kagwapo si Clay?
" Oo na, sige na, papunta na kami, pakisabi nalang."
" Ingat kayo."
Bumaba ako nang matapos ako sa gawain sa sarili ko. Sumunod naman si Clay na naligo at nagpalit. Sabay kaming kumain, at pagkatapos niyon ay sumakay na kami sa sasakyan niya. Sa pagkakataong ito, mas maraming nakasunod sa likuran namin na tauhan niya, hindi niya hinahayaan na wala kaming kasamang back up, baka kasi mamaya, nakapaligid lang sila sa amin.
Nang makarating kami sa Ospital, agad akong binati, pero hindi ko sila naisa isa dahil dumiretso kami ni Clay sa kwarto kung nasaan si Yara. Nakahawak ako sa braso ni Clay habang naglalakad kaming dalawa.
" Good Morning, Mr. Lascaux." Bati saamin ng pamilya ni Yara. Agad na yumuko si Clay, hinawakan niya ang kamay ng Mama ni Yara at saka niya ito hinalikan.
Ganiyan ba humingi ng tawad ang Mafia Boss na ito?
Hinawakan naman ng Mama ni Yara ang kamay ni Clay, ngumiti ito sa akin.
" Hindi ako galit, Mr. Lascaux, nag alala po ako nang sobra sa anak ko nang malaman kong nabaril nga siya, at sa puso pa. Mabuti nalang daw po ay nailigtas siya ng asawa niyo?" Patanong pa ang pagkakasabi niya. Agad silang tumingin sa aking dalawa. Ngumiti naman ako kaagad sa Mama ni Yara. Lumapit siya sa akin.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...