Chapter 5

55 40 0
                                    

" This is my wife, Lavinia Uriah Fraunliebe- Lascaux."

Pagpapakilala sa akin ni Clay sa auction na pinuntahan namin. Suot ko na ang damit na ibinili at ipinasukat sa akin ni Clay noong isang linggo pa. Kita ang likuran at beywang ko sa damit na ito.

" Wow, ang buong akala ko ay hindi ka na mag aasawa, Clay. Bakit binigla mo ata kaming lahat sa announcement mo." Natatawang sambit ng isang babae na naka itim na dress at napaka pula ng kaniyang labi. Nakahawak ako sa kamay ni Clay.

Tinignan ako ni Clay at saka hinawakan niya ang aking beywang para makalapit sa kaniya ng maayos.

" Yes. Nagproposed ako sa kaniya in private. Private lahat ng pangyayari. Kaya hindi ko na nasabi sa iyo." Agad naman akong nagtaka. May pinagsamahan ba sila ng babaeng kaharap namin? Bakit parang may ugnayan sila sa isa't isa? Iba din ang tingin ng babae kay Clay, hindi naman siya makatingin sa akin.

Ilang minuto silang nanahimik, kaya ako na ang gumawa ng paraan para makatakas sila sa awkwardness moments nila.

" Love, upo na tayo? I want to drink too, actually." Tinignan ako ng babae, at saka si Clay.

Nilakihan ko ng mata si Clay,  agad naman itong ngumiti at saka nagpaalam sa babae.

" Yeah, we can sit, Love. We have to go, Astrana."

" Sure."

Umupo kami ni Clay sa gitna. Pinakagitna ang upuan namin, kaya naman agaw pansin kaming dalawa dito. Hindi ko alam pero para talaga ata saamin ang upuan na ito dahil may nakalagay na apelyido niya sa ibabaw ng lamesa na puno ng baso at plato, baka may kainan mamaya habang naga auction sila.

Kumuha ako ng baso, at saka tinikman ang alak na narito. Pwede naman atang inumin ito.

" Hello everyone. Thank you for upcoming. And also, we are grateful for you presence, Mr. Lascaux with your beautiful wife." Tinuro kami ng MC at saka kinuhanan kami ng litrato. Agad naman akong umayos nang mapagtantong umiinom nga pala ako.

Ngumiti ako sa mga taong pumapalakpak sa amin ni Clay. Nakaramdam naman ako ng hiya. Hindi naman sinabi ni Clay na babangitin pala kaming dalawa.

" Okay, we will start the Auction with this beautiful painting."

Doon na nagsimula ang pagbabardagulan nila ng presyo para sa kapiranggot na painting na kapag nasanggi mo ay agad na mababasag.

" Clay, hindi ka ba bibili? Anong ginawa natin dito? Manunuod lang? Sayang ang binayad mo sa damit ko kung hindi ka mag uuwi ng painting na mga pangit na iyan." Tinignan ako ni Clay. Umiling naman siya. Nakita kong nakatingin ang babae sa amin kanina, kaya naman kinuha ko agad ang kamay ni Clay at saka ko ito inilagay sa aking hita.

Tinignan iyon ni Clay.

" What are you doing?" Tanong niya.

" She's watching us, Clay." Lumingon siya sa babae, umiwas naman ito. Agad na ibinalik ni Clay ang titig niya sa akin, at saka niya tinignan ang kamay niyang nasa hita ko. Hinayaan niya doon ang kamay niya.

Ilang oras ang tinagal namin ay wala pa ring napipili si Clay. Hanggang sa natapos na ang Auction at nagseserve na ng pagkain ang mga waiter na narito.

May mga ibang tao naman na lumalapit sa amin.

Kinabahan ako.

" Mr. Lascaux, nakakapanibagong hindi ka nakipag bakbakan para sa paintings? Anong nangyari?" Tanong ng isang lalaki na nakatuxedo. Tinignan ako ni Clay at saka niya sinagot ang tanong ng nasa harapan niya.

" My wife told me that the paintings are not that good." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Clay.

Tumawa naman ang lalaking nasa harapan namin. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now