" Clay? Anak? Saan ka pupunta?"
Naiiyak na sambit ng Mama ni Clay, nakahawak si Clay ng baril, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Hindi pa siya nagpapalit ng kaniyang damit, naka uniporme pa din siya.
" Ma, Astrana is in danger, and they are planning to kill my wife and also you, ipatawag niyo sina Cassidy at Hayes, pati ang mga bata, dito kayong lahat sa bahay na ito!" Sigaw ni Clay, dumagundong ang boses niya, nakahawak ang Lola niya sa isang rosaryo, at saka tahimik siyang nasa gilid, nagdadasal.
May mga pumasok na tauhan ni Clay.
" Clay-"
" Ma, don't go outside, ipapalagyan ko ng bulletproof pads ang labas at loob ng bahay."
Tinignan lang ako ni Clay, agad ko siyang hinabol nang nasa pintuan na siya.
" Clay? Bakit hindi mo ako pinansin? Bakit ganiyan ka?" Tanong ko. Hinapit niya ang beywang ko saka niya ako hinalikan, wala akong nagawa, kahit na nasa harapan namin sina Mama ay sumasagot ako sa kaniyang halik.
" Uriah, I badly want to stay here, baby, I badly want to stay here, but, Astrana is in danger, I badly need to go in there and save her, baby, I hope you understand that." Umiling ako, umiling ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya.
" No, Clay, I understand, go and save her. I will wait for you, we'll wait for you with Astrana, ako na ang bahala kina Mama, okay?"
" I love you, Baby, I have to go, I love you."
Pinaayos lahat ng kuwarto, nakarating na silang lahat, kahit na ang mga bata, nandito na. Sina Cassidy at Hayes, naroon na sa kwarto, sina Mama at Lola naman ay ganoon din, halos lahat sila nasa kwarto na, ako lang ang nasa ibaba, kasama ang mga kasambahay, may box sa lamesa, kung saan may mga baril, kung sakali lang na may makapasok, pwede namin siyang gawing sandata, sabi naman saakin ni Hayes na babalik siya dito sa baba kapag nakapag pahinga na si Cassidy.
At saka medyo magaan din ang pakiramdam ko, kasi nandito nga si Hayes, at maraming tao sa labas, nakabit na din ang bulletproof pads sa loob at labas ng bahay. Hindi ako mapakali, at nakakailang kape na ako. Sabi ni Hayes ay kapag tumunog ang telepono dito, si Clay daw iyon, kaya hindi ako umaakyat, dahil inaabangan ko ang tawag niya. Kamusta na kaya sila?
" Ayos ka lang?" Sambit ni Hayes mula sa likod ko. Umiling naman ako at saka ako ngumiti nang pilit. Hinawakan naman ni Hayes ang aking braso, agad naman akong umiwas ng tingin, nararamdaman ko ang luha ko.
" Hindi ako ayos, Hayes. Kanina pa. Hindi ako mapakali, inaabangan ko ang tawag ni Clay, anong oras na." Pinapakalma ko ang aking sarili, kanina pa ako naka roba, at handa na akong matulog, kung uuwi si Clay mamaya.
" Magiging maayos ang lahat, nandito ako, hindi ko kayo pababayaan, sanay si Clay sa mga ganito, hindi ka niya lang siguro maiwan dahil natatakot siya." Tumango ako.
Pasalamat ako kay Hayes dahil hindi niya ako iniiwan sa baba. Kung minsan ay tataas siya dahil tinitignan niya ang mga nasa itaas, pati na ang asawa niya. Dinalhan niya din ako ng unan at kumot dito sa sofa, dito na ako matutulog.
" You can sleep, Uriah, gigisingin kita kapag nandito na si Clay." Tumango ako. Nagdasal ako na sana ay ligtas si Clay, anong oras na, maguumaga na, hindi pa siya umuuwi.
Nagising ako nang may bumagsak, nakita kong narito na din sa ibaba ang mga matatanda, sina Mama at Lola, at si Hayes, inayos ko ang roba ko, at saka tinignan ang nabasag.
" Tinignan ko ang CCTV, wala namang gumalaw ng vase, pero nalaglag-"
" Omygod! Don't tell me, Clay is not okay?" Agad na naghisterika ang Lola ni Clay, bilang Doktor ay ako ang umasikaso. Binabantayan ko ang blood pressure niya.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...