" My Mom is calling you, Uriah."
Agad kong kinuha ang telepono ni Clay nang sabihin niya iyon. Lumayo ako ng kaunti para hindi madinig ni Clay ang sasabihin ng Mama niya sa akin.
" Iha.." Paguumpisa nito. Tumingin naman ako kay Clay nang magsimulang magsalita si Mama.
" Any problem, Ma?" Kinakabahang tanong ko dito.
" I want you to come here, with Clay. May paguusapan tayo, magpapahanda ako ng pagkain kaya pumunta kayo." Tumango tango naman ako kahit na hindi naman nakikita.
" Okay, Ma. We'll go there. Bye."
Iniabot ko ang telepono kay Clay. Alam niya na iyon siguro kaya naman hindi na ako nagsalita pa tungkol doon. Magtatanong naman kasi iyon kung anong sinabi kapag hindi niya alam, e hindi naman siya nagtanong, kaya baka alam niya na.
" Clay, pupunta ka ba sa office mo?" Tanong ko dito. Tumango naman siya at saka kinuha niya ang mga papel sa tabi niya, iniabot niya ito sa driver niya. Hindi pa ako nakakapalit, kaya naman hindi na siguro ako sasama.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
" Yes. Bakit hindi ka pa nakapalit? Sasama ka, hindi ba?" Umiling ako at saka ako umupo sa sofa na narito. Sumandal ako at hinayaan ang sarili ko na lamunin ng sofa para mahiga.
" Ayaw ko. Tinatamad ako, atsaka, magaayos ako ng damit para mamaya. Baka marami kang gagawin sa opisina mo, wala naman akong gagawin doon e." Napapakamot ako sa ulo ko habang nakahiga. Tinanggal niya naman ang coat niya at saka siya humiga sa akin. Nanlalaki naman ang mata kong tumingin sa kaniya.
" Why? You're tired? What? Tell me." Malambing na sambit niya. Nagkibit balikat ako.
" Wala, baka kasi mamaya naroon nanaman si Astrana at kung makaistorbo nanaman ako, kaya hindi na siguro ako babalik sa opisina mo." Malungkot na sambit ko. Kinuha niya ang telepono niya at saka siya may tinawagan.
Tumayo siya saglit at saka siya nagsalita.
" Cancel my appointments today. Re schedule it tomorrow." At saka niya pinatay ang tawag. Agad naman akong tumayo.
" Clay, bakit mo ginawa iyon? Porke ba hindi ako sasama sa iyo?" Napahawak ako sa aking beywang.
Natahimik kami ng ilang minuto. Nabulabog lang kami nang may narinig akong putukan sa labas. Lalabas sana ako para tignan ngunit hinila ako ni Clay papasok sa isang kwarto na ngayon ko lang napuntahan at napasukan.
" Uriah, don't go outside. I think they are here. Wait for me, okay?" Hawak niya ang magkabilang balikat ko habang sinasambit niya iyon.
Tumango naman ako. Aalis na sana siya ngunit tinawag ko ulit siya.
" Clay!" Sigaw ko. Agad naman niyang binuksan ulit ang pinto. Tumakbo ako papalapit doon at saka ko siya tinignan.
" What?"
" Take care of yourself." Kinuha niya ang baba ko upang mahalikan ang labi ko.
" I love you, Baby."
Ilang minuto akong paikot ikot sa loob ng kwarto na ito. Walang bintana, tanging pintuan lang, pero malakas ang aircon at malamig dito sa loob. May kama at sofa pero wala akong balak maupo o mahiga man lang, hindi ako mapakali, nagaalala ako kay Clay, baka mapano iyon sa labas. Ngayon ko lang nalibot ang lugar na ito, kahit na matagal na ako dito sa bahay niya ay ngayon ko lang nakita ito.
Naghanap ako ng mapaglilibangan, sinabi sa akin ni Clay na hindi dapat ako lumabas, kaya hindi ako lalabas hanggat wala siya. May drawer dito na maliit kaya naman napag isipan kong pakialaman. Nang buksan ko ay may mga litrato, litrato ni Clay na nakatalikod at ibang iba ang suot niya, coat lang naman at polo ang kadalasang suot ni Clay, pero iba dito. May litrato din na nag eensayo siyang bumaril at saka may mga kausap siyang ibang lalaki na ganoon din ang style ng suot sa kaniya.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...