" Ms. Fraunliebe, galing sa Mafia Boss ang logo na iyan."
Sambit ni Mr. Tugade sa telepono ko. Tumango naman ako sa kaniya.
" Uriah?" Pinatay ko kaagad ang tawag at saka sa message nalang ako nagpasalamat nang pumasok si Clay sa pintuan, kailangan naming umalis, ngayon kasi ang pagpunta namin doon sa parke, kaya naman suot ko ulit ang jersey shorts ko at ang banda ko. Excited na ako.
Lumapit ako kay Clay, inayos ko ang banda sa kaniyang uluhan, pareho kami ng kulay ng sapatos at medyas, kahit ang jersey shorts ay pareho din, pinahiram niya saakin ang jersey niya, kaya Lascaux ang tatak sa likod ko.
" Aalis na ba tayo?" Tanong ko dito.
" Yeah, we have too, gusto na daw nila tayong makitang maglaro." Hinawakan ko ang kamay niya at saka kami lumabas na dalawa. Nakahanda naman na ang mga gamit namin, tsaka pagkain, kaya wala na kaming problema, nasa labas na din sina Mama at Cassidy kasama ang Asawa niya.
Nang makarating kami ni Clay sa parke ay naroon na ang mga bata. Naglalaro sila. May mga kasama silang mga matatanda, siguro ay kamag anak ni Clay.
" Uriah? Pwede na ba kayong magstart?" Ngumiti naman ako sa sinabi nila Mama. Naka jersey din si Hayes, magisa niya at mag team naman kami ni Clay, kaya ayos din iyon.
Nagumpisa kami na hawak ni Hayes ang bola, umaagaw din ako kasama ni Clay, natatawa pa ako dahil matangkad si Hayes kaya tumatalong ako. Si Clay naman ay nasa likod ko, inaabangan ang galaw ko at ni Hayes.
Naagaw ni Clay ang bola, tinuro niya saakin na doon dapat ako sa malapit sa ring, nang nakapwesto na ako ay pinasa niya sa akin ang bola, ako na ang nagpasok niyon, nashoot naman kaya pumalakpak sina Mama sa akin.
" Nice! Magaling din pala si Uriah sa ganito!" Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Mama.
Nagpatuloy ang laro, hanggang sa dalawa nalang silang naglalaro,paunti unti kasi ay umaalis ako ng ring, para silang dalawa nalang ang maglaban, may kumukuha nga ng video, parang inaalala din nila ang ganitong mga pangyayari noon noong mga bata sila, ngayon nalang nila nakitang magkasundo sina Clay at Hayes, naglalaro pa ng basketball.
" Nice! Pareho lang ng score! Magaling talaga! Tuwang tuwa ako!" Hinalik halikan ng Lola ni Clay ang noo nilang dalawa ni Hayes kahit na pawisan pa, nakisama naman ang Mama ni Clay, nagyakapan sila kahit na pawis na pawis sila, napangiti naman ako nang makita iyon, wala na kasi akong Lola, bata palang ako, namatay na ang Lolo at Lola ko, kaya hindi ko nararanasan ang ganiyan, maswerte sila at mayroon pa silang Lola, kaya masaya ako para sa kanilang dalawa.
" Tita? Can you play with us?" Hila hila ako ng mga bata, busy pa naman sina Clay kaya tumango ako. Dumiretso kami sa may mga slide, kaya ko bang mag slide diyan?
" Tita? Let's slide together!" Masayang bati nila, tumango nalang ako, umakyat kami at saka kami naglaro, tuwang tuwa silang maglaro kasama ako, pawisan na din pala ako, hindi naman ako hinahanap ni Clay kaya dito muna ako. Sunod kaming pumunta sa may duyan, isa isa ko silang kinarga sa aking hita at saka kami nagduyan ng mahinahon lang.
" I want some baby, Tita Uriah, can you and Tito Clay make one?" Napaubo ako sa sinabi ng bata, ilang taon na ba ito? Akala niya ba madali iyon? Jusko.
Hinawakan ko ang buhok ng bata at saka ko siya tinignan.
" It takes time, Cibrina, but, I will tell to Tito Clay, okay?" Tumango naman siya.
Nang mapagod sila ay hinawakan niya ang kamay ko, naglakad lakad lang kami sa palibot ng parke, hindi kami lumalayo, kaya naman nabuburyong na ako. Pero masaya sila alagaan.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...