Chapter 4

60 41 1
                                    

" My Family will be here later. Wear this."

Tinignan ko ang damit na ibinigay niya. Kulay itim na dress. At saka may kasama pang sapatos na may takong. Mataas ang takong nito, at saka bagay ito sa aking damit.

" Clay, hindi ko alam kung akong isasagot ko, paano kung tanungin nila ako kung anong paborito mong kulay? Anong isasagot ko? Pink?" Tumawa siya sa sinabi ko. Umiling naman siya. Naka roba na ako, at isusuot ko nalang ang damit na ibinigay niya, mabuti at maaga din akong nagising, baka kasi maabutan pa nila akong tulog dito kung hindi ako nagising ng maaga.

Tinignan ko ang repleksiyon ni Clay sa malaking salamin na nasa kwarto niya.

" My favorite color is Black. I love guns, and my wife, Uriah. Hindi nila tinatanong ang ganoong mga bagay, kaya wala kang dapat ikabahala." Tumango naman ako.

Agad siyang pumunta sa pintuan, at saka niya ako ulit tinignan.

" I have to wear this first, kapag natapos na ako, maliligo ka na?" Tumango siya.

" Yes, I will wait for you."

Nang matapos kong suotin ay nagayos ako ng aking mukha, naglagay ako ng kaunting make up at pulang lipstick para maayos naman ang mukha ko. Lahat daw ata ng angkan nila ay pupunta dito sa Mansiyon niya, kaya kailangan ay presentable ako mamaya.

" Clay, ayos lang ba ang suot ko?" Tanong ko dito nang pumasok siya sa kwarto naming dalawa. Nagiwas siya ng tingin saakin, bago siya naglakad at kinuha ang box ng sapatos na ibinigay niya sa akin kanina. Hinawakan niya ang beywang ko at saka niya ako inalalayan na makaupo sa kama, lumuhod siya sa sahig at saka niya sinuot ang sapatos sa aking paa.

" You look so sexy. You have to be very careful when walking, Uriah. Ganito kasi ang gusto ni Lola sa mga babae, matataas ang takong. Sanay ka bang gumamit nito?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako, hawak hawak ko ang mga balikat niya upang hindi ako mawalan ng balanse at tuluyang makahiga sa kama.

Nang matapos ako ay hinawakan niya ang aking kamay at saka ako tumayo, tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin, napakagandang babae ko naman. Kinuha ko ang telepono ko at saka ako kumuha ng litrato ko habang  nasa salamin. Habang kumukuha ako ng litrato ay inilagay ni Clay ang kamay niya sa aking beywang, kaya kinuhanan ko ito ng litrato.

" Naroon na sila sa baba. Iyong singsing mo, nasaan?" Ipinakita ko ang singsing na nasa kamay ko parin hanggang ngayon. Hinawakan niya ang kamay ko at saka sabay kaming lumabas ng kwarto naming dalawa.

Habang naglalakad kaming dalawa sa hagdan pababa ay nakita ko na ang angkan niya. Iyong mga bata naman na hindi ko alam kung kaninong anak ay nagtatakbuhan at sinasaway naman sila ng isang matandang babae. Lola niya ata iyon.

" Siya na ba si Uriah?" Tanong ng matanda kay Clay, hinalikan ni Clay ang kamay ng matandang babae.

Ngumiti naman ako sa kanila.

" This is my Wife, La. Lavinia Uriah Fraunliebe." Agad akong nilapitan ng lola niya at saka niya hinalikan ang aking pisngi, ngumiti naman ako.

Yumuko ako ng bahagya sa kaniya.

" Nice to meet you po. I'm Lavinia Uriah Fraunliebe." Malawak ang ngiti ng buo niyang pamilya, may isa lang babae na lumapit sa akin, agad din niya akong niyakap. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Agad naman akong kinabahan.

" You are so sexy, malakas ang karisma mo, kaya hindi na ako magtataka kung maunahan niyo pang magkaanak sina Karina." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng mama at lola nito. Pinanlakihan ko naman ng mata si Clay nang ngumisi siya sa akin.

" Nakahanda na ang pagkain, Clay. Kumain na tayo para naman makausap ko ng maayos si Uriah." Tumulong akong mag ayos ng mga plato, kahit na masyadong mataas ang   takong ko. Nasa akin lahat ng tingin nila kaya kailangan kong tiisin ang sakit ng paa ko.

The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House) Where stories live. Discover now