" Doktora! Maayos na po ang naoperahan ninyo, si Director Ashton nalang daw po ang magtitingin sa kaniya."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ng nurse sa akin. Nakailang oras kami sa pasyente dahil nagkaproblema, kaya masyado ata akong napagod sa loob. Mabuti nalang at si Ashton na ang kikilos doon.
" Doktora!"
" Doktora!"
Halos buong maghapon ay pangalan ko ang nadidinig ko, ikot dito, ikot doon, rounds dito, rounds doon, tusok dito, tusok doon, maghapon din akong nakangiti at nagpapagaan ng loob ng mga pasyente. Ang tanging pahinga ko sa buong maghapon sa ospital ay ang pag inom ng tubig.
" Lavinia, umuwi ka na muna, kanina ko pa sinasabi sa iyo." Paulit ulit na sambit sa akin ni Ashton, tumango nalang ako sa kaniya.
Saan naman ako uuwi? Sa bahay ko o kay Clay? Baka kasi hanapin niya ako, mahirap na baka magalit nanaman.
" Maya maya ay uuwi na ako, Ashton, nagpapahinga lang ako." Maikling tugon ko.
Kinuha ko ang aking telepono, doon na ako uuwi kay Clay. Wala din naman akong makakain sa bahay ko, at wala ding magluluto para sa akin, kaya wala din lang silbi kung doon ako. Gusto ko sana siyang tawagan kaya lang, gusto ko din siyang surpresahin, kaya huwag nalang muna.
Inayos ko ang lahat ng aking gamit, madami dami ang aking bag kaya naman magbobook nalang siguro ako ng taxi o grab para maihatid ako kina Clay.
" Lavinia? Saan ka pala uuwi? Baka maihatid kita?" Sakto.
" Hindi ako sa bahay didiretso e. Doon ako kay Clay." Agad napalunok si Ashton sa sinabi ko.
" Sige, ako na ang maghahatid sa iyo." Ngumiti ako. Kinuha niya ang iba kong gamit, ako na din ang nagbitbit sa iba. Sumakay ako katabi niya at siya naman ang nagmaneho.
Mabuti nalang at kabisado ko ang daan papunta sa bahay nila kaya naman hindi kami naligaw. May kalayuan nga lang ito. Nang makarating ako sa gate nila ay saka na ako nag doorbell, mabuti at may tao sa labas kaya madali akong nakilala.
" Mrs. Lascaux, nandito na po pala kayo, naroon po si Sir, tulog po." Sambit nila nang kunin nila ang mga gamit ko.
" Ashton, salamat, magiingat ka pabalik."
" I will, take a rest." Dali dali akong pumasok sa gate at saka pumasok sa loob ng bahay, dumiretso ako kaagad sa kwarto naming dalawa ni Clay dala ang mga gamit ko na hindi ko pa nasusuot o nagagamit.
Nakita ko siyang nakahiga at walang damit pang itaas. Nakabalot siya ng kumot, agad ko naman hinipo ang leeg niya baka nilalagnat, pero hindi naman. Gumalaw siya kalaunan at saka nagising, ngumiti ako dito.
" Baby?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya saka ako umupo sa tabi nito.
" Napaaga ako ng uwi, pagod na ako sa ospital, hindi na din kita tinawagan dahil baka may ginagawa ka." Sabi ko. Niyakap niya ako kaagad. Hindi ko naman siya mayakap pabalik dahil wala siyang suot pang itaas. Baka mamaya ay sabihin niyang nanghihipo ako, bakit ba?
" You came back.." Tumango ako.
" Babalik ako, Clay, sinabi ko sa iyo, hindi ba? Babalik ako sayo." Pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.
Kinaumagahan ay nagising ako sa kalabog sa ibaba. Maingay sila na hindi ko mawari kung anong klaseng ingay, si Clay ay tulog parin kahit anong ingay sa baba. Nakayakap ako sa kaniya habang siya naman ay nakasiksik ang ulo niya sa aking leeg. Wala pa din siyang damit pang itaas. Yumakap ako pabalik kay Clay nang bumukas ang pintuan, inilabas nito ang Mama ni Clay at ang Lola niya.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...