" Anak mo?! Kay Clay?!"
Hindi makapaniwalang sambit nina Mama at Lola ni Clay. Si Cassidy ay hindi din makapaniwala, maging si Hayes. Halos lahat sila, hindi makapaniwala nang makita si Yevhen na buhat ni Clay at pareho pa ng damit.
" Yes, Ma. This is Yevhen Cassius." Pagpapakilala ko kay Yevhen sa mga Lola niya.
Binuhat naman nila si Yevhen, at saka sinuri, agad namang sumuko si Cassidy.
" Oo nga, anak nga ni Clay, kamukhang kamukha o!" Turo ni Cassidy sa mukha ni Yevhen. Hinalik halikan naman ni Mama ang kaniyang pisngi. Irita naman ang mukha ni Yevhen.
" Are you my Dad's Mom?" Tanong ni Yevhen sa Lola niya. Nanlalaki naman ang mata nila habang tinitignan nila si Yevhen. Niyakap ako ni Cassidy, matagal tagal kaming hindi nagkita, kaya naman namiss namin ang isa't isa.
Kinumpulan nila si Yevhen, at saka nila siya tinanong tanong.
" Yes, I am your Dad's Mom, Yevhen, Apo. It's nice to see you!" Bati nila sa kaniya. Habang kinakausap nila si Yevhen ay lumabas muna kami ni Cassidy. Doon kami sa tabi ng pool nagusap. Niyayakap yakap pa ako ni Cassidy habang naguusap kami.
" Saan ka nanggaling? May anak ka na pala kay Clay, ha?" Pang aasar niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.
Tumango naman ako.
" Oo, Cass. Ngayon lang niya nalaman dahil hindi ko nasabi sa kaniya ng maaga." Tumingin kami ni Cassidy sa pool, iniwan namin sila sa loob, kinakausap nila si Yevhen, hindi bale ay naroon si Clay, may titingin sa kaniya.
" May kapatid na din si Amora. Babae nanaman." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
" Talaga? Ipakilala mo ako-"
" Noong nagbinyag siya, nakalista ka ulit bilang Ninang, nilista parin kita." Agad tumaba ang puso ko sa sinabi niya. Ganoon nila ako kamahal? Kahit wala na ako noong mga panahon na iyon ay ginawa nila akong Ninang ng anak nila. Kahit na hindi ako nakapunta, o hindi ko nalaman, nilista parin niya ako.
Bestfriends na kami ni Cassidy.
" Pasensiya na kayo ha? Hindi ko agad sinabi, hindi agad ako nagpakita. Binaling ko muna kasi sa anak ko ang buong atensiyon ko, at natatakot akong ipakilala siya kay Clay." Paliwanag ko. Hinagod naman ni Cassidy ang aking likuran.
Nagngitian kaming dalawa bago kami pumasok sa loob ng bahay.
" Ayos lang, ang mahalaga nandito ka na. Masaya ako para sa inyo ni Clay."
Nang makapasok kami, agad akong niyakap ng anak ko. Siguro ay naninibago siya o kaya naman ay napagod siyang sumagot ng mga tanong nila sa kaniya.
" Clay, can you carry Yevhen?" Agad lumapit si Clay sa akin.
Inaantok na ang bata.
" Yeah. Yevhen, come here." Binuhat siya ni Clay, hinagod hagod ni Clay ang likod ni Yevhen. Mamaya ko nalang papalitan kapag nakatulog na siya.
Habang pinatutulog ni Clay si Yevhen ay nasa likod naman nila ako. Tinitignan lang nila kaming patulugin si Yevhen. Hindi talaga sila makapaniwala na may anak na kami, kahit na ipinaliwanag ko na ang lahat sa kanila.
" Uriah, anak, kailan ang birthday ni Yevhen?" Tanong saakin ni Mama.
" October 13, Ma." Tumango naman siya sa akin.
Nagpaalam kaming tataas na muna para ilagay si Yevhen sa higaan niya. Doon kami ni Clay sa kwarto niya, doon na namin siya nilagay. Nang maibaba ni Clay si Yevhen, kumuha ako ng damit niya at pajama saka ako umupo sa tabi nila para mapalitan ko siya ng damit. Tinitignan naman ako ni Clay.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...