" Ma'am? Akala po namin hindi na kayo ibabalik ni Sir dito."
Binati agad ako ng mga tauhan ni Clay nang makapasok kami sa building nila. Mamaya ay balak kong yayain si Clay sa park para maglaro ng basketball, kasama ang mga tauhan niya, kaya sana ay pumayag siya.
" Akala ko din, may pagmemeeting-an pala tayo mamaya ha? Mamaya ko sasabihin kapag nakaalis na si Clay." Mabilis kong sambit. Agad na lumapit si Clay saamin nang matapos niyang kausapin ang isang bussiness man kanina.
" Uriah, baby, I have my meeting, stay here for a while, okay?" Sabi niya. Tumango ako at saka ngumiti.
" Yeah." Hinalikan niya ang labi ko na ikinalaki ng mata ko at ikinatili ng mga tauhan dito.
" I love you-"
" I love you too, Clay."
Agad na nagtipon ang mga tauhan ni Clay saakin nang makapasok na siya sa meeting room. Yumuko din ako nang kaunti para marinig nila ang sasabihin ko sa kanila. Balak ko kasing pumunta sa malapit na court dito, para makapaglaro kami ni Clay, tapos sa susunod na mga araw ay isasama ko naman si Hayes para naman bumalik kahit kaunti ang sigla nilang magpinsan.
" Mamaya, tatawag ako sa sekretarya ni Clay, you have to act like I'm in danger, kayo na ang bahalang gumawa ng excuse, basta kapag tinanong ni Clay kung nasaan ako, sabihin niyo, nasa malapit akong basketball court, okay?" Mahabang paliwanag ko sa kanila. Tumango naman sila sa sinabi ko.
" Sige po, Ma'am. Masusunod po." May dala na din pala akong damit na pang basketball, yung shorts lang ang meron ako, tsaka malaking tshirt lang ang dala ko, pero ayos naman na siguro iyon, ang bola naman ay naroon sa likod ng kotse na gagamitin ko mamaya, tsaka may bandana din ako, mas magandang tignan kapag ganon, may sapatos na din ako, ayos naman na lahat, mamaya maya nalang kami aalis kapag hindi na masyadong mainit doon.
Pumasok muna ako sa opisina ni Clay, wala naman siya dito sa loob. Kaya umikot ikot ako dito. Umupo ako sa may upuan niya at saka ako pumunta sa mga cabinets, binuksan ko ito isa isa. Sa pinakahuling cabinet ay may malaking box, agad ko iyong binuksan, at nanlaki ang mata ko sa nakita. Baril? Isang baril, at may logo siya sa gilid kahit na ang box ay mayroong logo, kinuhanan ko iyon kaagad ng litrato, alam kong bawal akong magduda kay Clay, pero nakakapagtaka naman kasi talaga, bakit may baril siya dito? At bakit may logo?
" Mr. Tugade? May isesend ako sayong litrato, kailangan mo ulit itong imbestigahan." Tawag ko dito.
" I'll wait for it, Ms. Fraunliebe."
Nang dumating na ang hapon ay saka na ako umalis sa kaniyang opisina. Hapon din naman matatapos ang meeting niya kaya dapat ay hindi niya na ako maaabutan dito.
" Aalis na ako ha? Kayo ng bahala sa acting niyo, may bonus kayo saakin." Nagpalakpakan naman sila, tumawa naman ako, binitbit ko na ang paper bag at saka ako dumiretso sa banyo.
" Goodluck, Ma'am!"
Nang makapalit na ako ay saka na ako sumakay sa sasakyan. Wala naman kasing banyo doon, kaya dito na ako magbibihis sa building. Inalalayan akong makababa sa kotse, kinuha ko din ang bola at saka naglaro muna ako bago ko maisipan na tawagan si Clay, baka kasi hindi pa tapos ang meeting niya, nakakahiya naman. May mga guards naman akong kasama, kaya naman safe ako dito, naglalaro akong magisa, wala din ibang tao, kasi alam nilang narito ako? I don't know.
" Tawagan niyo na si Clay." Utos ko.
Napagod akong maglaro kaya dumiretso ako sa lilim. Ilang oras ang nakalipas ay lumapit sa akin ang guard na nakaalis na si Clay sa building niya at papunta na siya dito. Kaya naman uminom ako ng tubig at saka ako ulit naglaro, dapat maabutan niya akong naglalaro, para naman ganahan siya.
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...