" Mommy, did Tito Ashton told you that I am the class president?"
Takang tanong ni Yevhen sa akin, tumango naman ako. Tumawa kami nang umiwas ng tingin si Ashton, para bang iniiwasan si Yevhen. Siguro ay ayaw sabihin sa akin ng anak ko? O pareho nilang nakalimutan? Hindi ko alam. Wala akong ideya.
" Yes, baby, Tito Ashton told me. We have to celebrate, you are a class president, we are so proud of you." Bati ko sa anak ko, nabilhan na namin siya ng laruan, tuwang tuwa nga siya kaya binuksan na niya kaagad. Bumili lang kami ng pizza, ice cream, at kung ano pa na paboritong pagkain naming tatlo, minsan napagkakamalan kaming pamilya, pero hindi nila alam, Tito lang si Ashton dito.
Kinabahan ako kanina, talaga bang nakita kami ni Clay? Kung nakita niya kami, bakit hindi niya kami sinundan? Bakit hindi ko napansin na naroon siya? Anong ginagawa niya doon? At sino ang kasama niya?
" They voted me for class president because I can handle small problems, sabi nila. And they all raised their hands to vote me." Sambit ng anak ko, napangiti naman ako sa sinabi niya. Kinukuhanan ko siya ng litrato, halos araw araw, nasa bag ko ang camera ko, para tuwing may ganitong okasyon, nakukuhanan ko siya ng litrato.
Sa nangyari nga noon, hindi ko alam na magkakaroon pa ako ng anak, hindi ko inakala na mabubuhay pa ako, at bibigyan ako ng blessing noong mga panahon na iyon. Tuwang tuwa ako nang malaman ko na may anak ako, kasi simbolo iyon na may isang pagkakataon pa ako para mabuhay at mamuhay ng masaya kasama siya.
" Kaya lagi mong gagalingan sa school, Yevhen, okay? Para kapag graduate mo ng elementary, sa France ka na amg aaral ng High School mo." Sambit ni Ashton. Ngumiti naman si Yevhen at saka siya kumain, mabuti nalang talaga girl scout ako, napaka dungis na niya, at kailangan niyang palitan mamaya. Nakakaproud, kasi nakayanan kong dalhin at alagaan ang anak namin ni Clay kahit na magisa ako, siguro sa birthday ni Yevhen, ipapakilala ko na siya kay Clay, ayaw kong patagalin, kasi gusto kong maranasan ng anak ko na magkaroon ng Tatay habang lumalaki.
" I know, Tito. I wanna be like my Dad. Mommy told me that Daddy is a CEO, he owns a big company here in the Philippines, so I wanna be like him too." Napalunok ako sa sinabi niya. May mga bagay naman na hindi ko itinatago sa anak ko, ang trabaho ni Clay, alam niya. Pero iyong pagiging Mafia Boss, hindi. Hindi ko din sinabi, kasi ayaw kong ibrag niya yon o malaman ng iba, delikado.
" Don't worry, Anak. Sa 6th birthday mo, uuwi na si Daddy, okay? Makikilala mo na siya." Hinawakan ni Ashton ang kamay ko, siguro ay nagaalala siya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya upang ipahiwatig na ayos lang ako.
Yumakap naman sa akin ang anak ko, ramdam ko ang saya niya. Sana nga umayon ang panahon, Anak.
" Thank you for everything, Mom. I love you.."
Nang matapos kaming kumain ay hinayaan namin siyang maglaro sa harapan namin. Hindi inaalis ni Ashton ang tingin niya sa anak ko, busy naman akong magligpit ng kalat namin. Nagdidilim na, kaya kailangan na din naming umuwi, ihahatid pa kami ni Ashton.
" He looks like Clay, Uriah. Hindi maaalis ang katotohanan diyan. Siguro kapag nakita iyan ni Clay, alam niya kaagad na dugo at laman niya ang nasa loob ni Yevhen." Bumuntong hininga ako, umupo ako, pinagmasdan ko din ang anak ko na busy makipaglaro sa ibang bata.
" Kaya nga e, kamukhang kamukha. Kaya natatakot akong ilabas siya minsan, baka kasi hanggang ngayon, nakapaligid parin saakin ang mga kaaway ni Clay, at kung makita at mamukhaan nga nila si Yevhen, baka siya naman ang pagbuntunan ng galit nila." Umiling si Ashton.
" Hindi, Uriah. Wala na sila. Naubos namin silang lahat. Noong araw na nabaril ka, noong mismong gabi din na iyon, sinugod sila ni Clay, pinatay niya lahat sa sobrang galit, kaya wala ng natitira ngayon." Napahinga ako ng malalim, mabuti kung ganon, paano kung may natira pa?
YOU ARE READING
The Truth Untold ( Published Under Ukiyoto Pub House)
RomanceIn the most unexpected place and unexpected time. Two lone souls meet. Meet our effortlessly dashing, Mr. Perfect Alexander Clay Lascaux. The male prodigy of the business world. And our pure hearted Doctor Lavinia Uriah Fraunliebe. The golden hand...